Chapter 31

34 28 0
                                    

Tinawag na ang mga school na pumasok sa 3rd place at 2nd place. Sa 1st place naman ay tinawag ang longerio high at Sa champion ay tinawag ang school namin.

Akmang isasama pako nila CJ at Damon pero humiwalay ako at hinayaang ang mga kateammates nila ang umakay kay CJ. Nang magpunta sila sa unahan ay inabot sa kanila ang trophy ay naghiyawan ang mga tao palagay ko ay may mga kaschoolmates akong nagpunta dito. Speaking of school napalingon ako sa gilid para tingnan sina babes at nakita ko nga sila inaya ko sila sa gitna. At nagsilapit naman sila.

"Proud na proud na naman si babe wen." Sabi ni eden. Napangiti naman ako napatingin sa dalawa nakita ko namang nakitingin din sila sakin at hawak nila sa magkabilang kamay ang trophy habang nakataas at sabay na sinabing.

"Panalo tayo." Basa ko sa bibig nila kaya mas lalo akong napangiti nawala agad ang kabang naramdaman ko kanina ng makitang proud silang dalawa na kahit nasaktan sila e sulit kasi nga champion sila.

Nagstay ang mga players sa unahan ng inannounce ang mythical5. Nagsimulang tawaging ang mvp ng iba't ibang school. Nang pang apat at pang lima na ang sasabihin ay sinabing sa school daw namin yun galing. Umaasang silang dalawa yun at di nga ako nagkamali at silang dalawa nga yun. Sinuotan sila ng medal at nakipag kamay akala ko naman ay pupuntahan nila si Coach ng magsimula silang maglakad papunta sa gawi namin pero hindi pala. Kasi sakin ang punta nila hinubad nila pareho ang medal at isinuot sakin.

"Para sayo yan." Sabay na sabi nila at umaalis. Napa irit naman ang mga aibigan ko.

"Alam mo babe kung diko alam kung ano meron sa inyong tatlo iisipin ko talaga jowa mo yang dalawang yan." Sabi naman ni Eden

"Parang jowa na nga e. Kaya talaga siguro dimo na kailangan ng jowa yan palang dalawang yan solve na solve na." Sabi naman ni Eris. Natawa naman ako at di nalang sila pinansin.

At binalik na sa unahan ang tingin.

"At ang mvp sa taong ito ay walang iba kundi ang ......." Sabi ng Emcee.

"Dating mvp na si Cyriel John Leyros ng warriors. Congrats!" Sa sinabi niyang yun ay naghiyawan ang kateam mates niya at ang mga kaibigan ko nag ingay din ang buong team. Ineexpect ko na talaga na si CJ ang mvp.

Nakita kong inalalayan ni damon si CJ papuntang unahan. Inabot kay CJ ang isa pang trophy at medal.

"Mr.MVP Message naman jan." Sabi naman ni jessie na palagay ko ay emcee din at inabot ang mic kay CJ. Inabot niya naman ito at nagsimulang mag salita.

"Ahm first of all I just wanna thanks our team and our coach kasi alam ko namang wala ako dito kung wala kayo. Thank god kasi napanatili ko parin ang pagiging mvp kahit na napilayan ako. Also thank you to my fam and all of the people na naka suportasamin. Lastly, I wanna thanks to our Alexa" Naghiyawan naman ang tao kahit di naman nila kilala ko sino yun naramdaman ko namang kinukurot ako ng mga kaibigan ko. 

"Sa walang sawang support and patience na ibinibigay mo samin ni D para ito sayo at kay mama. Warrior fight" Pagtuloy na sabi ni CJ

"Warriors win. Let's go team." Sigaw namang ng team mates niya at nakisigaw din ako.

Nagpalakpakan ang taon at may ibang naglapitan sa warriors at nagsipag congrats.
Nakita kong lumapit na ang dalawa sakin kaya sinalubong ko sila ng yakap.

"Congrats my boys" proud na sabi ko.

"Akala ko galit kaparin." Sabi ni Damon.

"Sa bahay tayo?" Tanong ni CJ Tumango naman kami ni damon at naglakad na.

"Pasamahin ko sina babe" Sabi ko kay Cj tumango naman siya kaya tinawag ko mga babe.

"Babes tara kina CJ may pa-celebration." Aya ko

"Tara!" Sabay sabay na sigaw nila.

"Kita kita nalang tayo sa bahay nila CJ." Sabi ko kasi kanya kanya kaming sakay sa tricycle. Nagtanguan naman sila kaya sumakay na kami sa tricycle sa loob naman ami ni CJ at sa labas naman si Damon. Dahil nga sa paa nito.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now