Chapter 15

61 51 0
                                    

Bumaling na ako sa tv kahit ramdam ko ang titig nila. Ayan na naman sila sa pagka mangha kala mo di nakikita kabaliwan nung dalawa. "Babe uwi muna kami kita kits nalang mamaya ah?" Paalam ni cris. Nagpaalam na din si eris, chel at kristof samin at kay mama. Maya maya ay tatlo na lang kami natira. Napaka awkward naman.

"Nak bibili lang ako sa palengke ng uulamin natin mamaya" Sabi ni mama at umalis na di man ako inantay na makapagsalita. Lalo tuloy naging awkward.

Balak ko sanang tumayo at umakyat nalang pero nakita kong tumayo sila at lumapit sakin siguro at uupo sa sofa pero diko sila tiningnan. Nanatili nalang akong nakaupo at nanunuod ng tv. Pero naramdaman kong pumunta sila sa harap ko kaya napabaling ako sa kanila parehas silang nakatingin sakin. Di na din siguro sila nakatiis. 

"alexa wag ka ng magalit samin pls. Di ko na kayang tagalan pa yung di mo pagpansin samin, tsaka sawang sawa na ko kay c" Pangngumbinsi sakin ni damon. Nakuha pa talagang mang asar sa gantong pag uusap. 

"Mas nakakasawa ka, pero alexa di na namin yun gagawin ulit promise" malungkot na sabi naman ni cj. Tangina bakit kasi ang rupok ko pag dating sa dalawang ito.

"nakakainis kasi kayo, alam niyong ayokong nagsisinungaling sa inyo at ayoko din na magsinungaling kayo sakin. Masakit kaya" naluluhang sabi ko naman. Naaalala ko na naman yung kagabi. Alam kong medyo naging harsh ako. Pero wala may tama ng alak tapos sobrang inis ko kaya sumabog na lang ako bigla.

"Hindi na natin gagawin uli. hindi na" may pinalidad na sabi ni cj kaya gumaan ang pakiramdam ko. Wala na, Di ko talaga sila kayang tiisin.

"Promise me, ayokong nalalaman sa iba yung mga bagay na dapat alam ko" naninigaguradong sabi ko sa kanila.

"We promise, but promise us na hindi kana uulit aalis ng di namin nalalaman" Naniniguradong sabi din damon. Tumango ako at kinagat ang labi. Inispread ko ang kamay na nagpapahiwatig na lumapit sila at yakapin ako. Nang makita nila yung malang sabi sabing yumakap sila parehas silang nakasiksik sa magkabilang leeg.

"Namiss ka namin" Blong ni cj habang nakaub-ob sa leeg ko.

"Wag ka ng magalit uli ha?" Bulong din ni damon.

"Wag niyo ko bigyan ng dahilan." Sagot ko naman.

"Opo hindi na" Parang batang sagot naman ni cj.

"Tangina namiss ko to" Murang sabi ni damon.
"Natutuwa ako na may mga bagay kayong pinagkakasunduan pero wag naman sa bagay na pagtakpan yung maling ginagawa ng isa't isa" Paalala ko sa kanila.

"Hindi na talaga. Grabe yung takot ko nung gabing yun akala ko di mo na talaga kami papansin" Malungkot na sabi ni damon. Lalong hinigpitan ang yakap sakin.
 

Matagal kaming nagyakapan pero maya maya din ay bumitaw na sila kasi mainit siguro ang leeg ko nilalagnat pa e.

Umupo sa sila sa tabi and as usual nasa kaliwa si cj at nasa kanan ko naman si damon.Maya maya pa bumalik si mama at nadatnan kami na ganon.

"oh magkakaayos na kayo?" Tanong ni mama.

"Opo ma pabebe lang itong prinsesa niyo " Sabi ni cj ng nakangisi. Natatawang umalis naman si mama at pumunta sa kusina.

"pabebe ka diyan! kutusan kita diyan e!" Sabi ko at akmang aalis sa pwesto ko. Pero hinawakan ni damon bewang ko na parang ayaw ako paalisin kung saan ako nakapwesto. Kaya di na ako umalis at ng dahil don sumandal naman siya pati narin si cj sa balikat ko at sumiksik don.


Série d'amis 1: Meilleur Amiजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें