Chasing Chances

37.9K 667 178
                                    

Anong gagawin mo kung nalaman mo na ikakasal sa ibang babae ang boyfriend mo?

Malamang, susugod ka, pipigilan at tututol ka sa kasal. Kaya mabilis pa sa pag-ihip ng hangin ang pagtakbo ko sa simbahan. Walang alinlangan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang engrandeng kasal. Ang kapal ng mukha! Halatang pinaghandaan niya ang araw na 'to, kaya sa gigil ko ay hindi ko napigilang sumigaw. Sisirain ko ang espesyal na araw nila.

"BUNTIS AKO KAYA ITIGIL NIYO ANG KASAL!"

Lahat ng mga bisita ay lumingon sa akin, mga hindi pamilyar na mukha at halatang gulat na gulat. Malamang sa side iyon ng babae kaya hindi ko kilala. Hindi ako nagpatinag at nagpatuloy sa paghakbang.

Nanigas ang katawan ko at habol hiningang napahawak sa dibdib sa sobrang pagod. Kakababa ko lang ng eroplano pero dito na agad ako dumiretso nang matanggap ang balita. Naghihimutok ang kalooban ko at hindi ako makaka-payag na ibang babae ang papakasalan niya, samantalang ako ang pinangakuan.

Akala ko ay hindi ko na sila aabutan at tuluyan na siyang magpapakasal sa ibang babae, swerte ako at walang traffic—pero agad nanigas ang buo kong katawan, lumaki ang mga mata at lumunok sa kawalan ng nasaksihan ko kung paano sampalin ng bride ang kaniyang groom, at tumakbo palayo— at ang mas nakakahiya—

Hindi ko kilala ang groom.

Ay paktay! Maling simbahan pala.

____________

Cheaters Club #1: Chasing Chances

Light, cliché and typical romance story.


WARNING:

Not suitable for young readers and sensitive minds. This book may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence, blood and gore and scenes of drug use and rape which maybe offensive or disturbing to some readers.

R-18 | Readers discretion is advised.

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story or any portion thereof
may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.


All rights reserved.
©2020 CreepyPervy

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon