Chapter Two

50 2 0
                                    

“Xiantel! OMG! Nakita ko na naman si Yuan! Aaaaaah! Ang gwapo niya talaga!”

“Ah, talaga?”

“Yes, oo!”

“Good for you.” natawa ako dahil sa reaction ng mukha niya. Grabe, para siyang na star struck dahil sa nakita niya kanina.

“May girlfriend na ba 'yon?” tanong ni Peach kay Alyana. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa tanong ni Pearl. As much as possible, ayaw namin malaman ng lahat ang tungkol sa relasyon namin ni Yuan. Ayaw lang namin pag usapan dahil doon.

“Ang alam ko ay wala, pero—” napatingin ako sa kanya. “Pero?”

“May nililigawan ata siya?”

Oh, really?

“Sino naman nililigawan niya?” tanong ni Pearl habang naglalakad kami papasok ng cafeteria. “Ewan ko. Baka si Danica?”

“Who's Danica?” ako na ang nagtanong.

“Wow Peach, first time mong magtanong ng tungkol kay Yuan ah?” natatawang banat sa akin ni Pearl. “Why? Masama bang magtanong?” banat ko din sa kanya dahilan para mapangiwi siya.

“Si Danica, 'yung classmate niya ata.”

“Paano mo naman nasabi na nililigawan siya ni Yuan?”

“Ohmygawd. Si Xiantel ba talaga 'to? Bakit parang interesado na siya ngayon kay Yuan?”

“Alyana.” hindi ko pinansin ang sinabi niya. “Tch. Ewan! Narinig ko lang naman 'yon eh, 'di naman ako sure kung totoo.” napapabuntong hininga na sabi niya.

Hindi na ako sumagot sa kanya at umupo na lang sa upuan. “Order lang ako gu—”

“Xiantel.”

Sabay sabay na napalingon kaming tatlo ng may biglang magsalita sa tabi ko. “OMG, si Yuan.” rinig kong bulong ni Alyana, halatang kinikilig siya.

“Yes?” tumingin ako kay Yuan. Napatingin naman siya sa mga kaibigan ko bago ako binigyan ng isang tingin.

Ah. I forgot.

“Uhm.” tumayo ako sa upuan ko, “Sorry guys, may paguusapan nga pala kami ni Yuan.” saad ko bago kunin ang mga gamit kong dala. “H-Ha? Anong pag uusapan niyo Xiantel?” nagtatakang tanong ni Alyana sa akin.

“Ano ka ba Alyana, 'wag mo nang tanungin si Xiantel, sige na. Mag usap na kayo.” kinikilig na sabi ni Pearl habang pinandidilatan ako. Tch. Ano naman tingin 'yan?

“Let's go.” rinig kong bulong ni Yuan kaya naman tumango ako. Pag alis namin sa cafeteria ay narinig ko pa ang tilian ng mga estudyante dahil sa pagdaan ni Yuan sa harapan nila. Oh, well, my husband is really a heart-throb guy, he really is.

“Tch. Late na ako sa pictorial.” reklamo niya sa akin habang naglalakad kami palabas ng gate. “Sorry, nakalimutan ko.” paumanhin ko sa kanya. “Bakit ba kasi hinintay mo pa ako? Pwede ka naman pumunta do'n mag isa.”

Humarap siya sa akin, “No way, you're my personal assistant.” nakangisi niyang saad bago hawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa paligid ng gawin niya 'yon. “Psh, walang tao dito hon.” bulong niya bago ako hilahin pasakay sa sasakyan niya. Habang pasakay kami ay hindi sinasadyang nauntog ako sa bubong ng sasakyan that's why napahawak ako sa noo ko.

“O-Ouch.” bulong ko habang nakahawak sa noo ko.

“Hon? Are you oka—”

“Hey, 'wag dito.”

We Must Be NuptialsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang