Chapter Twenty Seven

12 1 0
                                    

Tumingin ako sa mga mata niya, “Ipapakilala na kita sa kanila—” ngumiti ako, “—bilang asawa ko.”

“W-What?” nanlaki ang mga mata niya. “Are you sure?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako bago inilahad ang kamay ko sa kanya. “Tumayo ka na diyan.” utos ko sa kanya. Nalilito man ay tinanggap niya ang kamay ko at tumayo ng maayos.

“Let's go.” hinawakan ko ang kamay niya at hinila palabas ng bathroom. Nang makalabas kami dito ay hinila ko agad siya palabas ng room k—

“Xiantel.” pinigilan niya ang kamay ko.

“Yuan?” tumingin ako sa kanya. “Bakit?” nagtatakang tanong ko.

“Napipilitan ka lang ba dahil sa sinabi ko kanina?” seryoso niyang tanong habang nakatingin sa akin.

“W-What?” natigilan ako. “N-No! Hindi ako napipilitan, Yu—”

“Kung hindi.” pinutol niya ang sasabihin ko, “Bakit ipapakilala mo ako sa kanila?” seryoso niya pa ding tanong.

“K-Kasi...” nangapa ako ng sasabihin, “Kasi asawa kita.” sagot ko. “Kailangan nilang malaman na asawa kit—”

Natawa siya, “Napipilitan ka nga.” bumitaw siya sa kamay ko. “Ayokong ipakilala mo 'ko sa kanila dahil napipilitan ka lang, Xiantel. Gusto ko ay kusang loob mong gagawin 'yon dahil gusto mong sabihin 'yon sa kanila at dahil mahal mo ako.” ngumiti siya sa akin. “Sige na, puntahan mo na ang mga kaibigan mo. Maghihintay na lang ako dito hanggang makatulog sila.” umalis skya sa harapan ko at pumunta sa kama ko.

Hindi naman ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. Feeling ko ay nanghina ako ng tuluyan dahil sa mga narinig ko mula sa kanya.

B-Bakit ganyan siya?

Bakit ba ayaw niyang makinig sa akin?

Mahal ko siya. Mahal ko na siya.

Hindi ko lang masabi 'yon sa kanya dahil napanghihinaan na ako ng loob.

Tch.

Hindi na ako humarap sa kanya at lumabas na lang ng kwarto ko. Paglabas ko dito ay bumaba na agad ako sa kusina at nagluto ng popcorn para sa mga kaibigan ko. Naabutan pa ako ni Pearl dito kaya naman nagtanong siya ng nagtanong pero hindi na ako sumagot pa. Feeling ko ay nawalan na ako ng gana dahil sa sinabi sa akin ni Yuan kanina. Naiinis ako. Naiinis talaga ako. Kung marunong lang sana siyang makinig edi sana alam niya na ngayon na mahal ko siya, engot!

“Hindi pa ba tapos 'yan?” tanong ko sa mga kaibigan ko ng makita ang pinapanood nila sa malaking screen. “Hindi pa, Xiantel. Nasa gitna pa lang kami, eh.” sagot sa akin ni Alyana.

Napabuntong hininga ako, “Inaantok na ako. Kayo na lang ang bahala diyan pagkatapos, alam niyo naman ang gagawin di'ba? Alam niyo na rin kung nasaan ang guest room, feel free to sleep there, goodnight.” tumalikod na ako sa kanila at lumabas na ng movie room. Paglabas ko dito ay dumeretso agad ako sa kwarto ko and as expected, natutulog na naman si Yuan dito.

“Yuan.” ginising ko siya, “Kumain ka na sa baba.” lumapit ako sa cabinet ko at kinuha ang susi ng room niya, “Ito ang susi, pagkatapos mong kumain ay umakyat ka na sa kwarto mo at matulog. Hindi ka naman makikita ng mga kaibigan ko dahil nanonood pa sila sa movie room.”

“Okay.” tumayo siya sa kama ko at walang sali-salita na lumabas na lang ng room ko.

Wow? Naiinis din ba siya sa'kin ngayon? Wow!

“Argh!” inis na humiga ako sa kama ko at sinipa sipa ito. Siya pa ang may ganang mainis sa akin ngayon, ha? Bakit? Dahil pinabayaan ko siya kanina? Bakit? Dahil hindi ko sinabi sa kanya na mahal ko siya? Ha? Ha? Ha?! Arrrrrrrrgh!

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now