Chapter Twenty Two

20 1 0
                                    

“Aba, aba, aba? Bakit parang ang blooming mo naman ata, Peach? Yung totoo? Ikaw ba ang nanalo?”

“Hindi.” maikli kong sagot kay Pearl bago ako umupo sa upuan ko dito sa bus. “Eh bakit parang ang ganda mo?” nagtataka niyang tanong.

Pft. Natawa ako.

“Ano ka ba, Pearl? Maganda naman talaga 'yang si Xiantel.” nakangusong singhal sa kanya ni Alyana. “Eeeh, hindi 'yon eh. Alam ko naman na maganda 'yang si Peach, I mean—” tumingin siya sa akin, “—may iba, eh. May iba talaga. Hindi ko lang ma-point out kung ano.”

“Pft. Gutom lang 'yan.” sagot ko sa kanya. “Oh, kumain ka.” inabot ko sa kanya ang hawak kong snacks.

“Ako! Kailangan ko 'yan!” kinuha ni Alyana ang hawak ko. “Heart broken ako ngayon! Huhuhu!” nanlulumo na sabi niya bago bumalik at umupo sa upuan niya. “Hindi ko na makaka-date si Yuan my baby, huhuhu!”

“Oh, ayan. Buti nga sa'yo.” singhal sa kanya ni Pearl bago tumabi sa kanya.

“12-A and 12-B, kumpleto na ba kayo? Lahat na ba ay nandito?”

“Yes, Ma'am!”

“Alright! Magpahinga na lang kayo diyan at matulog, mahaba habang byahe na naman 'to pabalik sa Manila.” paalala niya sa amin bago humarap sa driver, “Manong, let's go na po.” utos niya sa driver bago bumalik sa upuan niya.

“Ah, I want to sleep.” bulong ko bago sumandal sa upuan ko. Grabe. Napagod din ako sa hiking na 'yon. Sumakit ang paa ko dahil sa 4 hours na nilakad namin.

“Tutulog ka?” tanong sa akin ni Lukas. “Hmm.” tumango ako sa kanya. “Okay, feel free to sleep. Don't worry, gigisingin na lang kita kapag nasa school na tayo.”

Napangiti ako sa sinabi niya, “Thank you.” mahinang saad ko sa kanya bago umupo ng maayos at isinuot ang hawak kong eye mask bago sumandal ng komportable sa upuan ko at pumikit.

7:30 PM. Finally, we're here in school.

“Let us all congrats our winner, Mica Salvania from G-12 STEM, and Josh Anonuevo from G-11 ABM!”

“NOOOOOOOO! HUHUHU! DAPAT AKO ANG PANALO!”

“NO! NO! NO! HUHUHUHU!”

Medyo natawa ako sa reaksyon ng mga estudyante ngayon. Of course, hindi sila matutuwa dahil hindi naman sila ang nanalo.

“Thank you for cooperation students! Now, pwede na kayong umuwi sa mga bahay niyo and please do take care, okay?!”

“Aye! Aye! Dean!”

“Woah. Finally, makaka-uwi na din.” siyaw ni Pearl habang nagiinat ng katawan. It's almost 7:30 PM kaya medyo inaantok na ang lahat ng estudyante ngayon—specially me. Gutom na ako, tapos inaantok pa ako, argh.

“Una ako guys, bye!” paalam ko sa mga kaibigan ko bago humalik sa pisngi nila Alyana at Pearl samantalang nginitian ko na lamang Lukas. “Bye!” they all bid a goodbye for me that's why I forced a smile bago nagsimulang maglakad papunta sa parking area. Pagdating ko dito ay nakita ko na agad ang sasakyan ni Yuan kaya naman sumakay na agad ako dito.

“At last, you're here.” sinalubong agad ako ng yakap ni Yuan pagpasok ko pa lang sa loob ng sasakyan. “I missed you.” bulong niya bago bumitaw sa yakap.

“Eh? What's with that face, hon?” nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa mukha ko.

“I'm tired.” napabuntong hininga ako. Feeling ko ay wala na akong gana kumain dahil gustong gusto ko na talaga matulog.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now