Chapter Fifty Eight

10 1 0
                                    

Matapos ang nangyari sa amin ni Yuan noong gabing 'yon.

Hindi na ako nakatanggap pa ng tawag mula sa kanya.

Hindi ko na din lubusan maramdaman ang presensya niya.

Pakiramdam ko, napagod na siya sa'kin.

Pakiramdam ko, sumuko na siya.

At pakiramdam ko, ayaw niya na.

Nasaktan ako dahil sa katotohanan na 'yon. Nasaktan ako pero hindi ko na inisip pa. Kung tutuusin, mas maganda ang ginagawa niya ngayon. Dahil kasi do'n, unti unti kong na-realize ang lahat. Simula sa simula, hanggang sa ngayon.

tok! tok! tok!

“Xiantel, anak?”

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko ng marinig ko ang boses ni Mom.

“Naka-ayos ka na ba? Parating na ang mga Rico dito sa bahay.”

Nakaramdam agad ako ng kakaibang kaba dahil sa sinabi ni Mom. Shit. Papunta na sila dito. Papunta na ang mga Rico dito.

“Xiantel?”

tok! tok! tok!

Napabuntong hininga ako. Pwede bang hindi na lang ako lumabas? Ayokong makita sila. Ayokong makita si Yuan, pati ang mga pamilya niya. Huwag muna, huwag ngayon.

“Xiantel?”

Hindi ako sumagot at umupo na lang sa kama ko. Ayoko talagang makita sila. Kinakabahan kasi ako sa pwedeng maging mangyari. Paano na lang kung makita ako ni Don Rico? Ano'ng gagawin niya sa'kin? Aawayin niya ba ako? Sisisihin niya ba ako sa nangyari kay Yovanni ngayong nakaka-alala na ako?

“Anak, Xiantel? Open the door.”

Hindi pa din ako kumikibo. Ano ba talagang gagawin ko? Lalabas ba ako sa  kwarto ko?

“Xiantel?”

Napatingin na lang ako kay Mom ng makapasok na siya sa kwarto ko. For sure, may duplicate key siyang dala ng kwarto ko, “Anak? Are you okay?” lumapit siya sa akin at umupo sa kama ko.

Hindi naman ako sumagot at tumingin na lang sa kanya. “What's wrong?” nag aalalang tanong niya sa'kin.

“Mom.” napabuntong hininga na lang ako. “I don't want to see them.” seryoso kong saad habang nakatingin sa bintana ng kwarto ko.

“Why?” kahit nagtataka ay alam kong nahihinuha na ni Mom ang tunay na rason ko.

“I'm scared.” I answered honestly. “Hindi ko alam kung—” napatungo ako, “—ano'ng gagawin sa akin ng Pamilya ni Yuan.”

“Ano naman gagawin nila sa'yo?” nagtatakang tanong niya. “Alam nila ang lahat, Xiantel. Alam nila ang sitwasyon mo.” seryosong sagot sa akin ni Mom.

“I know.” mahinang sagot ko, “Kaya nga natatakot ako.” napabuntong hininga ako, “Dapat ko na lang siguro ihanda ang sarili ko 'pag dating nila.” mahina kong bulong.

“You need to.” hinawakan ni Mom ang kamay ko, “Nandito naman kami, Xiantel. We're here to protect you.”

Napatingin ako kay Mom. “Thank you.” seryoso kong sagot sa kanya.

“Hmm.” ngumiti siya sa akin, “Hindi pa ba tayo lalabas?” nakangiti niyang tanong sa'kin.

Muli akong napabuntong hininga bago tumingin sa kawalan, “Let's go.”

“They're here.”

Nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa sinabi ni Dad. Nandito na sila, nandito na ang mga Rico. “Let's welcome them.” tumingin sa amin si Lolo at ngumiti. Hindi naman ako kumibo at tahimik na sumunod na lang sa kanila habang papunta kami sa main door ng bahay.

We Must Be NuptialsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt