Chapter Forty Two

12 1 0
                                    

“Sabi ko na talaga, dapat nagpalit ka na ng damit.” mahinang singhal sa akin ni Yuan habang naglalakad kami papasok ng Bar. Hindi ko naman siya masisisi, pagpasok pa lang kasi namin sa entrance ng lugar ay napalingon agad sa amin ang mga tao. Well, hindi ko naman sure kung sa akin talaga sila nakatingin o kay Yuan, o kay Ate Yna.

“Hey, bartender!” malakas na agad na bati ni Ate Yna sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ng counter.

“Tch, papansin talaga 'to.” rinig kong bulong ni Yuan habang napapailing. Napangiti na lang ako ng maisip kung gaano kahigpit ang hawak niya sa bewang ko pagpasok pa lang namin ng Bar. Psh, seloso.

“Ma'am Yna!” masayang bati ng bartender kay Ate Yna. “Mabuti at nakabalik kayo dito.”

“Yes, hindi naman kasi ako medyo busy ngayon.” umupo agad si Ate Yna sa bar stools na nakapwesto sa harap ng counter. “Give me some Vodka, please.” utos niya sa bartender na nasa harapan. “Right away, Ma'am!” nakangiting sagot nito kay Ate Yna.

“How about you, Sir? Ma'am?” tanong niya sa amin ni Yuan. “Tequila, please.” sagot sa kanya ni Yuan.

“Ah—”

“Just give her a wine.”

Eh? Napakunot ang noo ko dahil sa sinagot ni Yuan sa bartender. “Hey, bakit wine lang?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ka pwedeng malasing.” seryoso niyang sagot sa akin bago umupo sa bar stools. “At ikaw pwede?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bago ako hinila paupo sa upuan na katabi niya.

“Maduga ka.” reklamo ko sa kanya. Nakakainis naman, eh. Bakit akin wine lang? Tapos sa kanila ni Ate Yna, vodka tapos tequila.

“Wala ka ng magagawa.” dumila siya sa akin. Psh. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at tumingin sa mga taong nagsasayaw ngayon sa gitna ng Bar. Woah. Masyadong malakas ang tugtog dito, parang mabibingi ako. Tapos ang mga suot pa ng mga babae, geez. Napaiwas na lang ako ng tingin.

“Hey, sis. Gusto mo?” napatingin ako kay Ate Yna ng alokin niya ako ng kinakain niyang onion rings. Tumango naman ako sa kanya at nagsimula na rin kumain katulad niya. “Yuan, ikaw?” tanong ko sa asawa ko na nakatitig lang sa akin. “Hindi ka ba nagugutom?” tanong ko sa kanya.

“No.” sagot niya sa akin. “Pero gusto ko ng Nachos, hey.” tawag niya sa isang bartender. “Can you give me some Nachos, please.”

“Okay, sir.” sagot ng bartender sa kanya. Ilang minuto at lumipas at nasa harapan na namin ang lahat ng in-order namin, pati na din ang drinks.

“Woah!” narinig kong sigaw ni Ate Yna ng inomin niya ng deretso ang in-order niyang vodka.

“Dahan dahan.” paalala sa kanya ng kapatid niyang tahimik lang na umiinom. Napangiti naman ako ng makita kung paano siya mag alala sa Ate niya. Pft. Lagi niyang sinisigawan 'yan pero halata naman na may care pa din siya sa kapatid niya.

“Xiantel, bakit ayaw mong uminom?” tanong sa akin ni Ate Yna ng makita na hindi ko ginagalaw ang wine ko. Tch. Tumingin ako ng masama kay Yuan. “Gusto ko ng tequila.” nakanguso kong sagot sa kanya.

“HAHAHAHA!” natawa ng malakas si Ate Yna, “Hoy, Yuan! Payagan mo naman uminom 'yang asawa mo! Hindi na 'yan bata 'no!”

“Psh.” tumingin sa akin si Yuan. “Huwag ka iinom na marami.” banta niya pa sa akin bago tumawag ng bartender at um-order ulit ng tequila para sa'kin.

“Yehey!” napangiti ako ng ilapag sa harapan ko ang tequila.

“Dahan dahan lang ang pag ino—hon!”

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now