Chapter Thirty Six

17 1 0
                                    

“Woah.” napanganga ako ng makita kung gaano karaming sasakyan ang nasa parking area ng school ngayon. Napakarami din ng mga tao na nakasuot ng iba't ibang P.E uniform na sa hula ko ay mula sa iba't ibang school. Nakakita din ako ng mga lalaking matatangkad na naka-jersey, ah, for sure basketball.

“Ano ba 'yan. Hindi pa tayo bumababa ng sasakyan pero nagseselos na agad ako.” rinig kong reklamo ni Yuan habang kinukuha ang checkered long sleeve niya sa bag na nasa likod.

“Bakit ka naman magseselos, ha?” natatawa kong tanong sa kanya.

“Tch!” humarap siya sa akin, “Sa ganda mong 'yan, sa tingin mo, walang mapapalingon sa'yo?” inis na tanong niya habang nakaduro sa mukha ko, “Bakit ba ngayon ka pa nagpa-kulay ng buhok? Lalong lumabas ang ganda mo, eh.” hinawakan niya ang buhok ko.

“Akala ko ba ay gusto mo ang buhok ko?” nagtatampo kong tanong sa kanya. “Saka isa pa, bakit ikaw ang magseselos dito? Hindi pa dapat ako?” tumaas ang pareho kong kilay, “Sigurado akong paglabas pa lang natin   ng sasakyan na 'to, may titili na agad sa'yo.” napairap ako.

“Huwag mong binabato sa akin ang issue, hon.” napanguso siya, “Huwag kang aalis sa tabi ko, okay?” hinawakan niya ang pisngi ko.

“May sayaw kayo.”

“Kahit na.”

“Paano ang mga kaibigan ko?”

“Edi sumama din sila sa'tin. Tapos ang usapan.”

Tch. Masyado siyang seloso.

“Oo na.” pagsuko ko sa kanya. “Lumabas na tayo.” utos ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin kaya naman lumabas na agad kami ng sasakyan niya. Paglabas pa lang namin ay napansin ko na agad ang paglingon ng mga babae at lalaki sa gawi namin.

“Xiantel, come here.”

Napalingon ako kay Yuan. Sumunod naman ako sa sinabi niya at lumapit sa kanya. “Why?” nagtataka kong tanong. “Hindi ba't sabi ko huwag kang lalayo sa'kin?”

Pft. “Ngayon na agad?” natatawa kong tanong sa kanya. Tumango naman siya bago kinuha ang checkered long sleeve sa loob ng sasakyan niya. Nang makuha niya ito ay napatitig na lang ako sa kanya ng itali niya ito sa bewang niya sa pinaka-astig na paraan na kaya niya. Dahil sa ginawa niya ay nagmukha tuloy siyang dancer ngayon, well, dancer naman talaga siya, ang point ko is mas lalong lumabas ang dancer look niya dahil sa ginawa niya sa checkered long sleeve. Argh, he's so damn fine, so handsome.

“OMG sis! Look at him! He's so handsome!”

“Oo nga! Aaaaaah! Taga dito kaya siya?”

Psh. Sabi na nga ba, eh. Hindi pa man kami nakaka-alis sa pwesto namin ay may titili na agad sa kanya.

“Let's go.” hindi na ako naka-angal pa ng hawakan ni Yuan ang kamay ko in a intertwined way. Para bang sa paraan ng pag-hawak niya ng kamay ko ay sinasabi niyang 'girlfriend ko ang babaeng 'to', shit.

“Tangina tol, may nakita akong maganda!”

“Nakita ko den ugok!”

“Shit. Ang ganda niya. Ano kayang pangalan niya?”

“Aish. Magkatabi na tayo lahat—may nasasabi pa din?” rinig kong bulong ni Yuan sa tabi ko. Natawa na lang ako sa kanya habang naglalakad kami papasok ng school. Pagpasok pa lang namin sa gate ay napansin ko na agad ang mga tingin ng mga estudyante sa'min. Rinig na rinig ko din ang mahinang tilian ng mga babaeng estudyante kapag nakikita nila si Yuan. Grabe. Wala pa kami sa gym neto, ha?

“Yuan!” narinig ko agad ang malakas na boses ng kaibigan kong si Alyana.

“Alyana, Peach, Lukas.” nakangiti kong sa kanila paglapit nila sa amin.

We Must Be NuptialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon