Chapter Thirteen

27 1 0
                                    

“Yuan! Xiantel!”

Pagpasok pa lang namin sa main door ng bahay nila Yuan ay sinalubong na agad kami ni Tita Miranda, or should I say, Mom. “Xiantel iha, you always look beautiful.” pambobola niya sa akin bago humalik sa pisngi ko.

“Ako ba Mom? Wala ka bang masasabi sa itsura ko?” nakangusong tanong ni Yuan sa ina. “Oo na anak, alam ko naman na araw araw kang gwapo.” natatawang singhal niya sa anak.

“I know Mom, I know.” ngumisi si Yuan.

“Nandito na ba sila?”

Napalingon kami sa hagdanan ng bahay. “Oh, ang mga anak ko.” nakangiting bati sa amin ni Tito Jason, ang Dad ni Yuan. “Napakaganda niyong tignan kapag magkasama.” tumingin siya magkahawak naming kamay.

“Ang sweet ko Dad, di'ba?” tinaas ni Yuan ang kamay naming magkahawak. “Oo anak, talo mo pa ama mo.” natawa ito.

“Magdadaldalan na lang ba kayo diyan?”

Napahigpit ang pagkaka-hawak ko sa kamay ni Yuan. Shit. He's here.

“Grandpa.” lumapit si Yuan sa Lolo niya at nagmano. At dahil magkahawak kami ng kamay, nahila din ako kaya naman nagmano na lang din ako kay Grandpa. “Mabuti naman at nakarating na kayo.” seryoso niyang saad bago ngumiti ng kaunti. “Tara na kumain?” tanong nito bago nagpaunang maglakad palapit sa dining area.

“Let's eat.” nakangiting saad ng Mom ni Yuan. Tumango naman kaming dalawa bago sumunod sa kanila sa dining area.

“Kamusta kayong dalawa?” tanong ni Grandpa sa amin pag-upo pa lang namin sa upuan. “Maayos naman po kami, Grandpa.” sagot sa kanya ni Yuan.

“Hmm. Maayos naman ba ang pag aaral niyo?”

“Opo.” pareho naming sagot ni Yuan.

“That's good to know.” ngumiti siya bago nagsimulang kumain. “Xiantel.”

Medyo napatigil ako ng tawagin niya ang pangalan ko. Simpleng banggit lang 'yon pero feeling ko ay natahimik ang lahat dahil doon. “Po?” pilit kong pinakalma ang boses ko.

“How are you, iha?” casual na tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako, “Maayos naman po ako, Grandpa.” sagot ko sa kanya.

“Ikaw naman apo?” tumingin ito kay Yuan. “Kamusta ka?”

“I'm doing good po.” nakangiting sagot niya sa Lolo niya.

“Nakakatuwang malaman 'yan.” ibinaba niya ang hawak na kutsara at tinidor bago pasiring na tumingin sa amin. “Hindi ba't 19 years ka na, Yuan?” bigla siyang nagtanong.

“Yes, Grandpa.” sagot sa kanya ni Yuan. “Ikaw naman Xiantel, 18 years old ka na, am I right?” tanong niya naman sa akin. Dahan dagan akong tumango.

“Oh.” napahawak siya sa baba niya habang nakatuon ang parehong siko sa lamesa, “Kung gano'n ay nasa tamang edad na pala kayo.” pormal niyang saad sa amin. “Sa tingin ko ay malaki na kayo para makapag-desisyon ng naaayon sa kagustuhan niyo.”

“Papa.” biglang nagsalita ang Mom ni Yuan. “Ano bang sinasabi niyo sa mga bata?” nagtatakang tanong nito. “Hindi ba't napag-usapan na natin 'to?”

“Nasa tamang edad na sila, Miranda.”

“Pero Pa—”

“Ayokong marinig ang opinyon mo.”

Medyo nagulat ako ng marinig ang tono ng pagsasalita niya. “Pinagbigyan ko na kayo noon, Miranda. Hindi na ako papayag ngayon.” tumingin sa amin si Grandpa ng seryoso.

We Must Be NuptialsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα