Chapter Thirty

22 2 0
                                    

“Pasok kayo.”

“Salamat, Leo.” nakangiting pasasalamat ni Pearl sa kanya. “Ma! May bisita po ako dito!” malakas na sigaw niya pagpasok namin sa bahay nila.

“Oh? Sino naman ang mga 'yan?” may lumabas na isang babae mula sa kusina. “Hello po.” halos sabay sabay na bati namin sa kanya. “Magandang gabi.” ngumiti ito sa amin. “Halika, pasok kayo—”

“Leo! Sino naman ang mga 'yan?!”

“M-Ma?” gulat na napatingin si Leo sa ina niya, “Nandito pala si Papa?” mahinang tanong nito. “Oo, anak. Umuwi kasi siya kanin—”

“Ano naman gagawin ng mga 'yan dito?! Mag iingay?!”

Oh, shit. Bad mood ata siya.

“Pa!” sigaw ni Leo. “Hindi sila mag iingay, may gagawin kaming thesi—”

“Wala akong pake sa sinasabi mo, Leo! Palayasin mo ang mga 'yan dahil ayaw ko ng maingay dito!”

“Fuck.” rinig kong mura ni Leo, “Ma, aalis na po kami.” lumapit ito sa ina niya at humalik sa pisngi. “Babalik na lang po ako bukas ng umaga.” humarap ito sa amin, “P-Pasensya na guys, hindi tayo makakagawa ng thesis dito sa'min.” nahihiyang ngumiti ito.

“A-Ano ka ba, okay lang. Sa iba na lang tayo gumawa.” sagot sa kanya ni Pearl. Mabilis na nagpaalam kami sa Mama ni Leo bago kami lumabas ng bahay nila.

“Hala, paano na 'yan? Saan tayo mag o-overnight ngayon?” malungkot na tanong ni Alyana sa amin.

“Doon na lang tayo sa'min.” sabay sabay na napatingin kani kay Lukas.

“Tch. Pabida.” rinig kong bulong ni Yuan, siniko ko naman siya dahil do'n. “Sa inyo, Lukas?” tanong sa kanya ni Pearl. “Malapit lang ba 'yon dito?”

“Hmm, 30 minutes ang byahe.”

“30 minutes?” napatingin si Pearl sa wristwatch niya, “Sige, do'n na lang tayo. Maaga pa naman.”

“Okay.” ngumiti siya sa amin. “Tara na, habang hindi pa traffic.” sumakay na agad siya sa sasakyan niya kaya naman sumunod na lang kami. Pagsakay ko sa sasakyan ni Yuan ay narinig ko agad ang matunog niyang pag ngisi, “Ano na naman?” tanong ko sa kanya.

“Wala.” ngumuso ito, “Nagugutom na ako, hon.”

“Ako din.” sagot ko sa kanya, “Hayaan mo, pagdating natin sa bahay nila Lucas, kakain na agad tayo.” ngumiti ako sa kanya.

“Gano'n kayo ka close?” tanong niya sa akin. “Ha?” nangunot ang noo ko. “Anong sinasabi mo?”

“Tch. Wala.” umiwas ito ng tingin bago sinimulan paandarin ang sasakyan niya. “Mahal mo ako, di'ba?” biglaang tanong niya.

“Oo.” sagot ko.

“Gusto kong marinig, sabihin mo nga.”

“Eh?”

“Dali na.” ngumuso ito.

Psh. “I love you.” kumabog ang dibdib ko.

“I love you more.” napangiti ito.

“Tch. Tara na.” singhal ko sa kanya. Tumawa naman siya bago sumunod sa sasakyan nila Lukas.

Makalipas ang higit kumulang na 30 minutes, nakarating na din kami sa bahay ni Lukas. Halos mamangha pa kami ng makita kung gaano kalaki ang bahay nila. I mean, malaki din naman ang bahay namin, pero 'yung sa kanila kasi, kakaiba talaga. “Welcome to my house.” nakangiting binuksan ni Lukas ang main door.

We Must Be NuptialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon