Chapter Thirty One

22 1 0
                                    

“X-Xiantel? A-Anong ibig sabihin no'n?”

“A-Ah...” napatungo ako.

Shit!

Ano'ng sasabihin ko?

“A-Alyan—”

“Mali kayo ng iniisip.”

Gulat akong napatingin kay Yuan. “Walang namamagitan sa'min ni Xiantel.” seryoso niyang sagot kay Alyana.

“H-Ha?” naguluhan si Pearl. “Eh bakit...” napatingin siya sa akin, “Bakit magkahawak kayo ng kamay kanina?”

“Sa tingin ko, she unconsciously do it because she's singing.” paliwanag ni Yuan, “And I do hold her hand because I got carried away.” dagdag niya pa.

“T-Totoo ba 'yon, Xiantel?” napatingin sa akin si Alyana.

Dahan dahan naman akong tumango, “Y-Yes.” I lied. Shit. Mabuti na lang at iniligtas ako ni Yuan.

“Hindi ako naniniwala.”

“P-Pearl?” napatingin ako sa kanya. Ano? Hindi siya naniniwala?

“Yung totoo nga? Yuan, may gusto ka ba sa kaibigan namin?” wala ng pagdadalawang isip na tanong niya kay Yuan. Shit. Ano ba'ng ginagawa niya? “Pearl? What are you doing—”

“Wala.”

Mabilis na napatingin ako kay Yuan. W-What? Ililigtas niya na naman ba ako?

“Wala pa akong gusto sa kanya.” napatingin siya sa akin.

“Kung wala? Bakit ka sumama dito?” hindi pa din tumitigil sa pagtatanong si Pearl.

“Kasi gusto ko.” sagot ni Yuan, “Gusto ko din makasama si Xiantel.”

“B-Bakit gusto mo makasama si Xiantel?” naguguluhang tanong ni Alyana kay Yuan. Hindi naman sumagot si Yuan at napatingin na lang sa akin.

“Guys, ano ba kayo? Masyado niyo namang hina-hot seat ang dalawang 'to.” bigla na lang nagsalita si Lukas, “Hindi niyo ba halata? Masyado na silang nate-tense sa tanong niyo. Cool off, please.” natawa siya ng mahina.

Oh, God. Thank you, Lukas! Gusto kong yakapin si Lukas dahil sa pagliligtas na ginawa niya sa'min ni Yuan.

“S-Sorry Peach.” bulong ni Pearl, “Naguluhan lang kasi kami.” napaiwas siya ng tingin. “P-Pasensya na Xiantel, Yuan. Masyado ata kaming naging OA.” napatungo si Alyana.

“N-No.” ngumiti ako sa kanila, “It's okay. H-Hindi niyo naman kasalanan.”

“Hoy! Hoy! Hoy! Ano naman drama 'yan? Kantahan na ulit tayo!” bigla na lang sumigaw si Leo. “Ako na ang kakanta, ha?” kinuha niya song book at pumili ng kanta doon. Natawa na lang kami bago tumango sa kanya.

“Isang kanta na lang, okay? Balik thesis na ulit tayo.” paalala sa amin ni Pearl. Tumango naman kaming lahat sa kanya.

“Alright! Let the concert begin!” sigaw ni Leo bago tumayo sa upuan niya. Pagtayo niya ay nagsimula na agad siyang kumanta.

Oh?

Pinigilan ko ang tawa ko ng marinig ko ang boses niya. Pft. Pareho sila ni Yuan, parehong sintunado.

“Wow! Ang ganda ng boses mo, Leo!” napapapalakpak pa na sigaw ni Alyana sa kanya. Natawa naman kaming lahat dahil doon.

“Tch. Mas maganda pa boses ko sa kanya.” rinig kong natatawang bulong ni Yuan. “Ano?” tumingin ako sa kanya, “Sa pagkakaalam ko, pareho lang naman kayong sintunado.” natawa ako.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now