Chapter Twenty Three

24 1 0
                                    

“Ang pangit mo umiyak, hon.”

Sumama ang tingin ko kay Yuan. “Nahiya naman ako sa'yo.” singhal ko sa kanya.

“Just kidding.” hinalikan niya ang noo ko at mas hinigpitan ang yakap niya sa akin. “Ano? Hindi pa ba tayo matutulog? Inaantok na ako, hon.” humikab siya matapos niyang sabihin 'yon.

“Sige na, matulog ka na.” bumitaw ako ng yakap sa kanya. “Tatapusin ko lang 'tong movie.” tumingin ako sa malaking screen na nasa harap namin.

“Huwag mo ng tapusin 'yan, matulog ka na din.”

“Hindi pa ako inaantok.” sagot ko sa kanya. “Dali na, lumayas ka na dito.” pagtataboy ko sa kanya.

“Aba, ginaganyan mo na 'ko ngayon, ha?” napanguso siya, “Ang sakit.” humawak pa ito sa dibdib niya na para bang nasaktan talaga siya.

“Masakit na 'yon sa'yo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya bago tumawa ng malakas. “Eto naman, joke lang.” yumakap ulit siya sa akin. “Dali na, hon. Sleep na tayo.”

Hays. Napabuntong hininga na lang ako, “Sige na nga, matulog na tayo.” pagsuko ko sa kanya. Medyo nakaramdam na din naman ako ng antok ngayon.

“Tabi tayo?”

“Oo.”

“W-What?” gulat siyang napatingin sa akin. “S-Seryoso ka, hon?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Oo.” sagot ko ulit, “Matutulog lang naman tayo, di'ba?” inosente kong tanong sa kanya.

“O-Oo naman.” napalunok siya, “Matutulog lang tayo.” bulong niya habang napapaiwas ng tingin.

“Tara na.” tumayo na ako sa upuan ko at pinatay ang screen sa harapan ko. Kinuha ko din ang cellphone ko sa gilid bago tumingin sa kanya. “Matulog na tayo.”

“O-Okay!” hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng Movie Room. Paglabas namin ay pumunta agad kami sa kwarto niya. Eh? “Sa kwarto mo tayo matutulog?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Saan pa ba?” binuksan niya ang pinto ng kwarto niya. “Mas malaki ang kama ko sa'yo, hon.” hinila niya ako palapit sa king size bed niya. “Diyan ka lang, I'll just take a half bath.” paalam niya sa akin bago umalis sa harapan ko.

“Paano ako?” tanong ko sa kanya. Gusto ko din kasing maglinis ng sarili ko though, mabango pa din naman ako, hindi pa pinapawisan.

“Gusto mo sumabay?” ngumisi siya sa akin.

Napairap ako, “No thanks.” sumampa na ako sa kama niya at humiga dito. “Matutulog na ako, bahala ka diyan.” kinuha ko ang isang unan sa gilid at niyakap ito. Pagyakap ko dito ay naamoy ko agad ang pabango ni Yuan. Oh, mukhang mahilig din siyang yakapin ang unan na 'to.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong lamunin ng antok. Naramdaman ko na unti-unti na akong hinihila ng antok pero—

Naimulat ko ang mga mata ko ng maaalala ang nangyari kanina. I heard Kuya Tani's voice. Sigurado ako na siya 'yon. Kung noong una ay nagdadalawang beses pa ako kung si Kuya ba talaga ang narinig ko, ngayon, I'm very very sure. It's him. Gano'n talaga ang boses ni Kuya. Gano'n din siya katangkad.

Kung gusto kang makita ng Kuya mo, gagawin niya. Hindi ka niya pahihirapan ng ganito para lang mahanap siya. Nakalimutan mo na ba? Iniwan niya kayo.”

Muling tinusok ang puso ko ng maalala ang sinabi ni Yuan kanina. Tama siya. Iniwan kami ni Kuya. Siya dapat ang nagiisip sa'min ngayon, siya dapat ang gumagawa ng paraan para magkita kami.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now