Chapter Twelve

30 1 0
                                    


“Aish! Nakakainis! Bakit ba naunahan na naman ako?!”

Napatingin na lang kami kay Alyana dahil puro reklamo ang lumalabas sa bibig niya kanina pa. Paano, gustong gusto niya daw kasing isayaw si Yuan pero—

kanina pa siyang nauunahan ng mga babae.

Aw. Naaawa naman ako sa asawa ko. Kanina pa kasi siyang nakatayo sa gitna habang nakikipagsayaw sa mga babaeng may gusto sa kanya. Tch. Hindi pa 'yan kumakain, kapag 'yan talaga nagutom, lagot kayo sa'kin.

“Bakit kasi hindi ka pa pumila, ha? Kita mo naman na may papila ang mayor.” tinuro ni Pearl ang pila sa gilid ng stage. Grabe. Baka naman mapagod si Yuan niyan?

“Duh! Ayoko nga! Mangangalay lang ako do'n 'no!” pasiring siyang tumingin sa akin. “Mabuti pa 'tong si Xiantel, first dance niya si Yuan! Waaah!”

Ah, yeah. Nakita lang naman ng lahat ang pagsayaw namin ni Yuan kanina.

“Ay! Ang sweet niyo kanina, ha!” pang aasar sa akin ni Pearl.

“Ehem.” napatingin kami kay Lukas ng bigla siyang tumikhim. “Pearl, pwede na ba kitang isayaw ngayon?” nakangiti niyang tanong kay Pearl. Natigilan naman ang kaibigan ko bago tumango tango. “S-Sure! Ako ang partner mo ngayon di'ba?” natatawang saad nito bago lumapit kay Lukas. Natawa naman si Lukas bago niya hinila papunta sa gitna si Pearl.

“Huhuhu! Buti pa kayo nakasayaw na!” naiiyak na singhal ni Alyana sa akin. Pft. “Ang dami daming lalaki diyan, Alyana.” natatawa kong sabi sa kanya. True. Kanina pang may nagaaya sa aming tatlo na sumayaw pero, puro tanggi lang ang ginawa namin. Lalo na si Alyana, sinabi niya pa sa mga lalaki na, ‘Hindi ako sasayaw hanggat hindi ko nahahawakan si Yuan! Hmp!’

“Ayoko nga sa kanila, huhuhu!” nanlulumong napayuko na lang siya sa lamesa. “Hindi ko na ata makakasayaw ang baby ko.” malungkot niyang bulong.

Aww.

“Do you really want to dance with him?” tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin bago nakangusong tumango, “Matagal ko ng gustong maka-sayaw si Yuan.” malungkot na saad niya. “Alam mo naman na Grade 11 pa lang, crush ko na siya.”

Medyo natahimik ako sa sinabi niya. Yeah, alam ko ang tungkol diyan. Matagal tagal na din siyang may gusto kay Yuan, at dahil doon, natatakot ako. Natatakot ako na baka magalit siya sa'kin once na malaman niya na asawa ko ang ultimate crush niya.

Argh. Hindi ko naman kasalanan.

“Don't worry.” ngumiti ako sa kanya. “Just wait here, okay? Isasayaw ka din ni Yuan.”

Dahan dahan naman siyang napangiti sa akin. “Sure ka diyan, ha?” umaasang tanong niya sa akin. “Oo naman.” ngumiti ulit ako sa kanya. Madali lang naman humingi ng favor sa asawa ko. “Basta maghintay ka lang, pupunta siya dito.” tumingin ako sa direksyon kung saan sumasayaw sila Yuan.

Halata sa mukha niya na pagod na pagod na siya pero hindi pa din siya tumitigil sa pag sasayaw kasama ang mga fans niya, tch. Hindi pa 'yan kumakain, eh!

“Kawawa naman ang baby Yuan ko, pagod na ata siya.” rinig kong bulong ni Alyana habang nakatingin kay Yuan. “Bakit kaya hindi mo siya lapitan, Xiantel? Sunduin mo na dali, hindi ba't partner mo naman siya?”

Ah, yes. Alam na nga pala nila na si Yuan ang partner ko. Tanong sila ng tanong kanina kung paano daw nangyari 'yon, halos gustong gusto na nilang malaman kung ano ba talagang mayro'n sa'min ni Yuan pero sinabi ko lang sa kanila na—kaibigan ko siya. Malapit na kaibigan ko lang siya.

“Sa tingin mo papayag ang mga babaeng 'yan kapag kinuha ko si Yuan sa kanila?” tinuro ko ang mga nakapilang mga babae sa gilid. “Duh! Ano naman karapatan nilang magalit? Sila ba ang partner, ha? Sila ba?” maarte niyang tanong sa akin. Napangiwi na lang ako bago tumayo sa upuan ko.

We Must Be NuptialsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin