Chapter Fourteen

26 2 0
                                    

“Yuan wait—”

“Why are they like this? Bakit ba ikaw ang pinili nila, ha? Alam ko naman na maganda ka, in fact, you're so beautiful to me. But—hindi ba nila alam na—”

“Na ano?” hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. “Na asawa mo ako?” pabulong kong tanong sa kanya. “Yuan.” napabuntong hininga ako. “Dapat hindi mo na ako hinila palayo sa kanila. Hindi naman talaga ako papayag sa offer nila, eh.”

“I know. Kaya nga hahanap ako ng kapalit m—”

“Paano ka naman hahanap?” tumaas ang kilay ko. “Don't tell me, hahanap ka ng maganda sa buong campus tapos—” napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang ngiti sa mukha niya. “What?” inis kong tanong.

“Pft, are you jealous?” nakangisi niya ng tanong. “Bakit ganyan ang kilay mo, ha? Bakit salubong sila?”

Umiwas ako ng tingin. “Wala. Gusto mo ba tulungan pa kitang maghanap ng babae?”

“Ano?”

“Pabor naman ako do'n. Okay lang sa akin kung—”

“Xiantel.”

Tumingin ako sa kanya. “Ano?”

“About me, being the prize.” lumapit siya sa akin. “Is it okay to you? Hindi ka naman ba galit?” seryoso niyang tanong sa'kin.

Umayos ako ng tayo, “Ikaw, bakit ka pumayag do'n?” binalik ko ang tanong sa kanya. “I don't have any choice.” he sighed. “Para naman 'to sa school that's why okay lang sa'kin 'yon. It's just a date.” normal ang boses na saad niya.

“It's not a big deal for you?”

“No.” ngumiti siya, “Ang importante lang naman sa'kin ay ang opinyon mo. Kapag nagalit ka dahil sa favor na 'yon then, hindi ako papayag.”

Nangunot ang noo ko. “Bakit naman mahalaga ang opinion ko?”

“Ano ka ba?” tumawa siya, “Of course, you're my wife. Kailangan lahat ng gagawin ko ay alam mo.”

“Yuan.” tumingin ako sa paligid. Ah, thanks God, wala naman masyadong estudyante dito. “Okay lang sa'kin. Hindi din naman big deal ang date na 'yon.”

“I know.” he smiled. “Hmm, gutom ka na ba?” tanong niya habang inihahawi ang tumakas kong buhok sa tenga ko. “Sorry, dahil kay Marga naudlot pa ang pagkain mo.”

“It's okay.” ngumiti ako sa kanya. “How about you? Are you hungry?”

“Hungry.” sagot niya, “Pero gaya ng sinabi ko kanina, kailangan ko pang maghanap ng babae.” napangiwi siya.

“Hay nako.” medyo natawa ako, “For sure, maraming lalapit sa'yo.” iniisip ko pa lang ang mangyayari, natatawa na ako. Yuan is a type of guy na hindi mahilig makipag-interact sa ibang tao. Hindi talaga siya lalapit kung wala siyang kailangan sa isang tao pero, kapag may kailangan siya, he's the one who will make the action.

“Tch.” napanguso siya. “Can you help me?” nagpa-cute siya sa akin.

“Hmm.” kunwari akong nag isip. “Hon?” lalong humaba ang nguso niya.

Natawa ako, “Sige na, sige na.” sagot ko sa kanya. “Kailan mo bang balak maghanap ng babae?” tanong ko sa kanya.

“Xiantel.” seryoso niyang saad, “Ang pangit naman ng term mo. Para mo namang sinasabi na maghanap ako ng ibang babae.”

“Ha? Eh 'yon naman talaga ang gagawin mo di'ba?” naguguluhan kong tanong.

“Aish!” ngumiwi siya, “Basta.” bulong niya bago hinawakan ang braso ko, “Tara na maghanap.”

We Must Be NuptialsOn viuen les histories. Descobreix ara