Chapter Forty

18 1 0
                                    

“Y-Yuan..” pagmulat pa lang ng mga mata ko ay nakita ko na agad si Yuan na naka-upo sa tabi ng kama ko at nakatungo sa kamay ko.

“Y-Yuan.” tinawag ko siya. Nangunot ang noo ko ng makaramdam ako ng pagtulo ng kung anong basa sa kamay ko.

“X-Xiantel.” dahan dahan niyang inangat ang mukha niya. “Y-You're awake.”

Oh, God.

Napa-upo agad ako sa kama ko ng makita ang itsura niya. “Y-Yuan.” hinawakan ko agad ang pisngi niya, “Why are you crying?” nag aalalang tanong ko kanya. Unti unting tinusok ang puso ko ng makita ang luhang pumapatak sa pisngi niya. “H-Hon.” pinunasan ko ang pisngi niya. Shit. Hindi ko kayang makita siya ng ganito.

“H-How are you?” walang tigil sa pag-iyak na tanong niya.

“Why are you crying?” hindi ko pinansin ang tanong niya at tinitigan ang mga mata niya. “Tell me, bakit ka umiiyak?” nagaalala man ay seryoso ko pa din na tanong sa kanya.

“N-Nothing.” ngumiti siya ng pilit sa akin. “A-Akala ko kasi...” napaiwas siya ng tingin.

“Ano?” nagtataka kong tanong.

“W-Wala.” pinunasan niya ang luha sa mga mata niya pati na din sa pisngi, “Kamusta ang pakiramdam mo?” nakangiti ng tanong niya sa akin.

“Yuan.” tumingin ako sa kanya ng seryoso, “Bakit ka umiyak?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Wala 'yon, hon.” ngumiti siya sa akin. “B-Balak ko kasi sanang mag artista, alam mo na? Nag practice lang ako.” pilit siyang tumawa sa akin.

Hindi naman ako natuwa dahil do'n. He's lying again. Nakikita ko na naman ang lungkot sa mga mata niya.

“Yuan—”

“Mahal mo ako, di'ba?”

Napatigil ako sa tanong niya. “May problema ka ba?” hindi ko sinagot ang tanong niya.

“Mahal mo ako, di'ba?” paguulit niya sa tanong niya.

“Yuan.” sumeryoso ako, “Ano'ng problema—”

“Sabihin mo sa'kin na mahal mo ako, Xiantel. S-Sabihin mo.” pagmamaka-awa niya sa akin.

Fuck.

“Yuan.” hinawakan ko ang mukha niya, “Mahal kita. Mahal na mahal kita, alam mo 'yan.” hinaplos ko ang pisngi niya.

“H-Hindi mo ako iiwan, di'ba?” parang bata na tanong niya sa akin.

Kahit nagtataka ay tumango na lang ako sa kanya, “Bakit kita iiwan?” natatawa kong tanong sa kanya, “Wala naman dahilan para iwan kita.” sumeryoso ako, “Tungkol ba 'to sa sinabi ng Grandpa mo?” nangunot ang noo ko.

Hindi naman siya nakasagot sa akin.

“Hon.” hinila ko siya pa-upo sa kama ko. “Hindi ko alam kung bakit sinabi 'yon ng Lolo mo. Ang sabi niya ay gusto kong makipaghiwalay sa'yo noon pero, wala naman akong matandaan na sinabi ko 'yon sa kanya.” seryoso kong saad sa kanya.

“I'm sure nagkakamali lang ang Lolo mo.” dagdag ko, “Oo nga, hindi pa kita mahal noon kasi mga bata pa tayo. Pero ngayon—” ngumiti ako sa kanya, “—mahal na kita. Mahal na mahal.” lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

Akala ko ay sasagot na siya sa sinabi ko pero—hindi. Hindi pa din siya nagsalita. Tahimik lang siya habang yumayakap sa akin pabalik.

“Yuan?” itinulak ko siya ng kaunti, “What's wrong? Bakit hindi ka nagsasalita?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now