Chapter Twenty Three

24 1 0
                                    

“How are you, anak?”

“I'm doing good, Dad.” lumapit ako kay Dad at yumakap, “I haven't seen you for awhile.” sagot niya sa akin bago ngumiti. “Hmm, busy po sa school.” sagot ko.

“Where's your husband? Hindi mo ba siya kasama ngayon?”

Napatingin ako sa wristwatch ko, “I think, papunta na po siya dito.” sagot ko sa kanya.

“May sakit 'yang anak mo.” singhal agad ni Mom kay Dad pag-upo niya sa tabi ko. “What?” napatingin sa akin si Dad. “Maayos na ba ang pagkiramdam mo ngayon?” hinawakan nito ang balikat ko. “Medyo po.” ngumiti ako.

“Dad! You're already here!”

“Oh.” napangiti si Dad ng makita si Kiana. “Hello, sweetie.” binuhat ni Dad ang kapatid ko. “May pasalubong sa'yo si Dad.”

“Omo! Omo! What is it?” natuwa ang kapatid ko.

May kinuha naman si Dad mula sa likod niya at— “Chocolate for my sweetie!”

“Yehey!” nagtatalon sa tuwa si Kiana ng makita ang chocolate na hawak ni Dad.

“Hay nako, Ivan. Ano ba 'yan? Baka naman masira ang ngipin ni Kiana niyan.”

“You're so KJ, Mom.” natatawa kong sabi kay Mom. “Hindi ako kill joy 'no. I'm just worried about her teeth.”

“Minsan lang naman 'to.” natawa si Dad.

“By the way, Dad. Where's Lolo?” tanong ko sa kanya. Matagal tagal ko na din kasing hindi nakikita si Lolo.

“Business trip.” sagot sa akin ni Dad. Aw, “Kailan po ang balik? I kinda missed him na.” that's true, miss ko na si Lolo. Bukod kila Mom and Dad kasi, siya 'yung nakakausap ko palagi when it comes to school. And yes, medyo napag-iisipan ko na din ang sinabi niya noon tungkol sa pagpunta sa ibang bansa for my college career.

“I'm sure he missed you too. Huwag kang mag-alala, maraming pasalubong 'yon sa'yo.”

Napangiti ako sa sinabi ni Dad, “Dapat lang.” natawa ako.

vibrate!

“Excuse me.” tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa sofa at lumayo sa kanila ng kaunti. “Yuan, nasaan ka na?” bungad ko agad sa caller ko.

“Wow! I missed you too, hon.” he said sarcastically. Tch. “Nandito na sa labas ng bahay niyo.”

Eh?

“Mom, Dad, sunduin ko lang po si Yuan sa labas.” paalam ko sa mga magulang ko. Tumango naman sila sa akin that's why nagmamadaling lumabas na agad ako ng bahay. Paglabas ko ay nakita ko na agad si Yuan na nakasandal sa sasakyan niya at may hawak na paper bag.

“Yuan.” lumapit agad ako sa kanya.

“Hon!”

Nagulat ako ng yakapin niya agad ako. “Grabe, miss na miss talaga kita.” bulong niya sa tenga ko. Pft. Natawa na lang ako. “I miss you, too.” sagot ko sa kanya.

“What?” mabilis na bumitaw ito sa yakap at tumingin sa akin, “Tama ba ang narinig ko? You said 'I miss you, too?'” hindi makapaniwalang tanong niya. Natawa na naman ako, “Why? Hindi ba kita pwedeng ma-miss?” natatawa kong tanong sa kanya.

“H-Hindi naman.” nagulat siya, “Nakakagulat lang.” unti unti siyang napangisi, “Ikaw ha? Yung totoo? May gusto ka na sa'kin 'no? Yiee!” sinundot nito ang taligiran ko.

“Yuan.” umiwas ako sa kanya. Natawa naman siya bago hawakan ang pisngi ko, “Oh? Hindi ka na masyado mainit.” napangiti siya, “Wala ka na bang lagnat?”

We Must Be NuptialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon