Chapter Twenty One

26 1 0
                                    

“Finally! We're here!”

“Wooooah! Grabe, ang lamig!”

Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ko agad ang lamig ng hangin dito sa Baguio. Nandito na kami sa place kung saan kami magha-hike, actually nasa baba pa lang kami dahil kailangan daw magtipon tipon ang lahat dahil may orientation pa daw na gagawin sabi ng mga teachers. 

“Oh, shit. 6 degree?”

Napalingon kami kay Lukas. “Weather temperature?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya habang nakatingin sa cellphone niya. Ah, grabe. Lumalaban ba sa Korea ang temperature dito? Ang lamig!

“Kailangan ko ng kayakap!” sigaw ni Alyana bago lumapit sa amin at yumakap. Aaaah, sobrang lamig talaga dito. Halos lahat kami ay naka-jacket na at gloves pati na din bonet may suot na sila, nabili nila 'yon kanina sa Plug DENR sa baba, may mga gamit kasi doon na pwedeng mabili para hindi kami lamigin, kumbaga pang-sangga sa lamig.

“Okay! Students! Students! Listen up!” napatingin kami lahat kay Dean na nasa harapan namin ngayon. Habang nagsasalita siya tungkol sa gagawin namin sa hiking ay kanina ko pa hinahanap si Yuan. Where is he? Suot niya na kaya ang jacket niya? Aish.

“Ah? SSG officers pala at mga teachers ang makikita natin sa bawat camp?” tanong ni Pearl habang nakatingin sa unahan. She's right. Ang sabi ng Dean sa unahan ay kailangan daw namin sagutan ang tanong na itatanong sa amin ng SSG officers at ng mga teachers, gaya ng narinig ko kahapon, sa bawat camp ay nandoon sila para tignan kami.

“Alright! Students! Are you all ready?!”

“YEEEEEEEEEEEES, MA'AM!”

“Okay! Ready! Let's Hike!”

“Woaaaaaaaaaaaaah! Takbuhan na 'to!” rinig kong sigaw ni Alyana bago patakbong pumunta sa mga teachers na nasa first station. Nakita ko agad ang mga estudyante na sumasagot ngayon sa mga ibinigay na papel ng teachers at SSG sa kanila. Grabe, para sa 5,000 pesos + date kila Yuan at Nathalie, gagawin nila 'yang lahat?

“Let's go?”

Ngayon ko lang napansin na si Lukas na lang pala ang katabi ko ngayon. “Where's Pearl?” tanong ko sa kanya habang nagsisimulang maglakad papunta sa mga teachers at officers. “Nagsasagot?” patanong na sagot niya bago ituro ang isang babae na nagsasagot ngayon sa papel niya. Natawa naman ako. “I'm sure gusto niya lang sagutan 'yan.” knowing Pearl,  wala naman 'yang pake sa prize, ang gusto niya lang ay malaman ang tanong na nakasulat sa papael. She's quite genius.

“Magsasagot ka ba?” tanong sa akin ni Lukas. Tumango naman ako, “Gusto ko din naman pumunta sa summit.” sagot ko sa kanya. Natawa naman siya, “Okay, then. Sasamahan kita.” napatingin ako sa kanya.

“Oh? Huwag mong lagyan ng malisya, okay? Mabuting kaibigan lang talaga ako.” natawa siya. Tch. “Okay.” medyo natawa din ako.

“Hello.” pagdating pa lang namin sa bukana ng station ay sumalubong na agad sa amin ang SSG officer. May inabot siya sa amin na papel at ballpen kaya naman nagsagot agad kami doon.

“Aaaaaaah! Bakit ang hirap naman nito?!” rinig kong sigaw ng karamihan sa mga estudyante. Halos matawa na lang ako dahil sa kanila. Pft. Hindi naman kasi mahirap ang tanong, it's all about Philosophy, medyo madali ito kung nakikinig sila sa mga teachers tuwing nagtuturo.

“Kyaaaaaaa! Nasagutan ko na din! Aaaaaah!” sigaw ng isang estudyante bago nagsimulang tumakbo papunta sa camp 1. Oh, good luck sa'yo sis. I heard isang oras daw ang hike papunta sa camp 1, woah, pretty rough.

“I'm done.” sagot ko bago ibigay ang papel sa SSG officer. “Same.” binigay din ni Lukas ang papel niya sa officer. Natawa na lang kami ng makita ang gulat sa mukha ng officer, para siyang nagulat dahil ang bilis namin magsagot ni Lukas.

We Must Be NuptialsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora