Chapter Sixty

14 1 0
                                    

“Where are we going, Kuya?” nagtataka kong tanong kay Kuya habang sumasakay sa sasakyan niya.

“You'll know.” ngumiti siya sa akin bago paandarin ang sasakyan.

Eh? “Saan nga?” nangunot ang noo ko. “Hindi mo naman ako ibabalik sa bahay, di'ba?” kinakabahan na tanong ko sa kanya.

“No.” natawa siya, “Bakit? Gusto mo ba?” sumilip siya sa'kin.

“Ayoko.” tumingin ako sa bintana ng sasakyan. “Hindi po ako handang makita sila.” seryoso kong sagot.

“How about your husband?”

Tch. Yung totoo? May gusto ba siya kay Yuan? Bakit puro siya na lang ang tinatanong niya palagi sa'kin?

“Birthday niya na bukas, am I right?” ngumiti siya.

“Yeah.” napabuntong hininga ako. It's already January 2. Halos isang araw na din ang tinagal ko kasama si Kuya.

“Wala ka bang balak magpakita sa kanya?” nagtataka niyang tanong.

“Hindi ko alam.” mahinang sagot ko, “Don't ask me.”

“Pft, bakit?” natawa siya, “Ewan ko sa'yo, Xiantel. Mabuti ka pa nga may asawa, eh ako? Wala.” mapaklang singhal niya sa'kin.

Oh. “Bakit ba kasi ayaw mo kay Ate Yna?” pang aasar ko na naman sa kanya. Grabe. Halos kahapon ata ay wala na akong ibang ginawa kung hindi ang asarin siya kay Ate Yna. Natutuwa kasi ako kapag nakikita ang asar niyang mukha.

“There you go again.” mabilis na nagbago ang mood niya. “Tantanan mo na nga ako sa Yna na 'yan.”

“Bakit?” ako naman ang natawa ngayon, “Ang arte mo, Kuya. Halos lahat na nga ata ay na kay Ate Yna na.” singhal ko sa kanya.

“Oo, kaya pati kaingayan at kabaliwan ay nasa kanya na din, tch.”

Pft. “I'm sure, hanggang salita ka lang ngayon, Kuya.” natawa ako, “Kapag talaga nalaman ko kay Ate Yna na nililigawan mo siya, tatawanan talaga kita.” natatawa kong singhal sa kanya.

“Hindi mangyayari 'yan.” seryoso at inis na sagot niya. “Nandito na tayo.” saad niya bago itigil ang sasakyan.

Ha?

Napalingon naman ako sa bintana dahil sa sinabi niya. Eh? Bakit parang ang bilis ata? Halos 10 minutes pa lang ata kami nagbyahe, nandito na agad kami.

“Nasaan tayo, Kuya?” nagtataka kong tanong sa kanya. Nangunot ang noo ko ng makita na parang sementeryo ang lugar na pinuntahan namin.

“Xiantel.”

Napatingin ako kay Kuya ng tawagin niya ako. “We're here.” ngumiti siya sa'kin. “Bumaba na tayo.” nakangiti pa din na saad niya bago bumaba sa sasakyan.

Kahit nalilito ay sumunod na lang ako sa kanya, bumaba na din ako ng sasakyan. “May dadalawin ka ba dito, Kuya?” nagtataka na talagang tanong ko.

Sino naman ang dadalawin namin dito?

“Hmm.” tumango siya sa'kin bago hawakan ang braso ko at hilahin papasok sa entrance ng lugar. “I'm sure, gagaan na ang loob mo kapag nakita mo kung sino ang dadalawin natin.” nakangiti niyang saad habang hinihila ako.

Eh? “Bakit?” nangunot ang noo ko, “Kilala ko ba ang taong dadalawin natin?”

Mas lalo siyang napangiti, “Kilalang kilala.”

Okay? Mas lalo akong nalito dahil sa sinabi niya. Kilalang kilala ko daw ang dadalawin namin dito?

Ha?

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now