Chapter Thirty Two

18 1 0
                                    

“Bibigyan kita Peach ng limang minuto para mag explain.”

Napatingin ako kay Pearl. “Sabihin mo sa'min,” dahan dahan siyang lumapit sa akin, “Yung totoo,” tumigil siya sa harapan ko at tinitigan ang mga mata ko.

“Ano'ng relasyon niyo ni Yuan?”

Napalunok ako. “P-Pearl—”

“Sorry to interrupt you, girls. But we really need to go right now.” nagulat ako ng hilahin ako ni Yuan paalis sa harapan ng mga kaibigan ko. Mabilis na pinapasok niya ako sa loob ng sasakyan niya dahilan para mapatitig na lang ako sa kawalan.

“Let's go.” pinaandar niya agad ang sasakyan niya at umalis ng parking area ng walang pagdadalawang isip.

“Y-Yuan.” ngayon lang ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay nagulat ako sa lahat ng nangyari. Ngayon lang nag sink-in sa akin ang ginawa niya para sa akin. Again. Niligtas niya na naman ako sa mga kaibigan ko.

“Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo, Xiantel. Ayokong nahihirapan ka dahil sa sitwasyon natin ngayon.” seryoso niyang saad habang nakatingin sa kalsada. “Gaya ng palagi kong sinasabi sa'yo, kung ako ang tatanongin mo, handa akong ipagsigawan sa lahat na asawa kita.”

“Y-Yuan...”

“Pero syempre, dahil asawa kita. Kailangan kong irespeto ang desisyon mo. Hindi ako gagawa ng bagay ng ikakagalit mo.”

Tuluyan na akong hindi nakasagot. Napatitig na lang ako sa kanya dahil feeling ko ay nauhaw ako ng todo dahil sa sinabi niya. Nawalan ako ng pagkakataon na magsalita dahil ang mga salita niya ay unti-unting pumapasok sa isip ko at pilit na pinapaintindi sa akin ang mga bagay na hindi ko maintindihan.

“M-May pumipigil sa akin.” wala sa sariling bulong ko. “May mga oras na gusto kitang ipakilala sa kanila pero—” napatungo ako, “—may pumipigil talaga sa akin.”

“P-Pumipigil?” sumilip siya sa akin.

Napalunok ako, “Oo.” seryoso kong sagot. “H-Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang bagay na 'yon sa akin. Kasi sa tuwing natatahimik ang isip ko. Doon siya pumapasok. Doon nagsisimulang malito ang lahat ng sistema ng utak ko.”

SCREEEEEEEEEEEECH!

Kumabog ng mabilis ang puso ko ng biglang itigil ni Yuan ang sasakyan sa gilid.

“Y-Yuan?” kinakabahan na napatingin ako sa kanya.

“X-Xiantel.” lumapit siya sa akin at hinawakan ang pareho kong pisngi. “W-What do you mean?” naramdaman ko ang nanginginig niyang kamay, “A-Ano'ng ibig mong sabihin sa sinabi mo?” hindi mapakali na tanong niya sa akin.

“Y-Yuan.” napatigil ako, “Hindi ko din alam.” seryoso kong sagot sa kanya. “Hindi ko pa lubos na maintindihan ang nangyayari sa'kin.” mas lalo akong nalito.

“H-Hon...” hinaplos niya ang mukha ko, “M-Mahal mo 'ko, di'ba?” umaasang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napatigil ako ng makita kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Nakangiti siya sa akin ngayon pero ang mga mata niya ay malungkot, nagiisa at nagmamaka-awa. “Y-Yuan.” hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko, “What's wrong?” nag aalalang tanong ko. Alam ko na kahit hindi niya sabihin, may problema siya.

“S-Sabihin mo sa akin na mahal mo ako, X-Xiantel.” nagmamaka-awa ang tono na bulong niya sa akin. Nasaktan ako sa paraan ng pagsasalita niya. Para siyang isang bata na naghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang ina, gano'n siya nakaka-awa sa oras na 'to.

“Mahal kita.” walang pagdadalawang isip na sagot ko. “Ayokong ginagawa mo 'to para lang marinig ang salitang gusto mong marinig galing sa'kin, hon.” nalungkot ako, “Kaya kong sabihin sa'yo na mahal kita ng paulit-ulit.” ngumiti ako sa kanya.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now