Chapter Twenty Six

21 1 0
                                    

Please Yuan, sumagot ka. Sagutin mo 'yung call, please!

“The subscriber cannot be reach, please try your call later.”

Shit. He's busy! May practice nga pala sila ngayon!

“Tapos ka na ba diyan, Xiantel? Pwede na ba tayong pumunta sa bahay niyo ngayon?” napalingon ako kay Alyana. Damn. Wala na akong choice. Walang wala na talaga.

“S-Sure.” ngumiti ako sa kanya.

“Yes!” pareho nilang sigaw ni Pearl. “So ano? Sa sasakyan mo na lang ba tayo sasakay?” tanong sa akin ni Pearl. Tumango na lang ako sa kanya dahil feeling ko ay nawalan na ako ng lakas. Grabe. Ano na lang kayang sasabihin sa akin ni Yuan kapag nakita niya ang dalawang 'to sa bahay mamaya.

“Tara na sa parking area! OMG! I'm so excited!” hindi na ako naka-angal ng hilahin ako nila Alyan at Pearl papunta sa parking area. Pagdating namin dito ay hinahanap ko agad ang sasakyan ni Yuan. Ah, thanks God. Mabuti na lang pala at nandito ang driver ni Yuan.

“Eh? Bakit parang pareho kayo ng sasakyan ni Yuan?” nagtatakang tanong sa akin ni Alyana. Shit. “H-Ha? Parehas ba? Hindi naman, ah.” kinabahan na sagot ko sa kanya. “Tara na sa loob.” pinapasok ko na agad sila sa loob ng sasakyan para hindi na nila matitigan ang sasakyan ni Yuan.

“Manong, tara na po sa bahay.” utos ko sa driver ni Yuan. Kahit nalilito man ay tumango ito at pinaandar na ang sasakyan. Habang tumatakbo ang oras ay mas lalo akong kinakabahan dahil sa dalawang kasama ko ngayon. Shit. Paano na lang kung makita nila si Yuan sa bahay mamaya? Ano na lang sasabihin nila? Argh!

“Nandito na po tayo.”

“OMG! Bahay niyo 'to, Peach?!”

“Woaaaaah! As expected! Malaki talaga!” natutuwang nag-apir ang dalawa kong kaibigan. “H-Hehehe.” pilit ang tawa na sagot ko sa kanila. “T-Tara na sa loob.” wow, may lakas ka pa ng loob yayain sila Xiantel, wow.

“Tara!” bumaba agad si Alyana sa sasakyan at sumunod naman sa kanya si Pearl.

Napapabuntong hininga na sumunod na lang ako sa kanila. “Xiantel, pwede na ba kaming pumasok?” nae-excite na tanong ni Alyana sa'kin. Tumango naman ako, “Sige, pumasok na ka—”

Nanlaki ang mga mata ko.

Shit.

“A-Ah, mamaya na pala! M-Medyo makalat kasi sa bahay ngayon, t-teka lang, ha? Aayusin ko lang!” mabilis na tumakbo ako palapit sa main door at binuksan ito. Pagbukas ko dito ay sinara ko agad ito at ni-lock para ma-sure na hindi papasok ang dalawa kong kaibigan. Pagsara ko nito ay tumakbo agad ako sa may living room at kinuha lahat ng picture frame namin ni Yuan na nakapatong sa gilid, nakasabit sa pader at kung ano-ano pa. Nang makuha ko na lahat ng picture frame namin sa baba ay nagpunta agad ako sa second floor at kinuha din ang mga picture frame namin na nakasabit sa pader, nang matapos na ako do'n ay pumasok agad ako sa kwarto ko at niligpit din ang picture frame namin ni Yuan at inilagay lahat sa cabinet ko. Matapos kong gawin 'yon ay pumunta agad ako sa room ni Yuan at ni-lock ito. Sigurado kasi ako na lahat ng room dito sa bahay ay papasukin ng dalawang 'yon, para silang mga detectives pagdating sa bagay na 'yon.

Nang masigurado ko na lahat ng bagay na nasa bahay ay dali dali kong binuksan ang main door at pinapasok agad ang mga kaibigan ko.

“Wow! Ang ganda ng bahay niyo, Xiantel!” namamanghang sigaw ni Alyana ng makita ang kabuuan ng bahay namin.

“Ilang floors 'to?” tanong sa akin ni Pearl, “Tatlo.” sagot ko sa kanya. Napangiti naman siya bago lumapit sa may living area.

“Nasaan ang mga magulang mo, Xiantel?” nagtatakang tanong sa akin ni Alyana. “A-Ah, nasa Pasay sila, remember? May bahay din kami doon, di'ba?” woah, ang galing mag sinuwaling.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now