Chapter Twenty Four

23 1 0
                                    

“Thesis meeting?”

“Yup.” inayos ko ang suot kong simpleng dress. “May thesis na agad kayo?” nagtataka niyang tanong sa akin. “Do'n nga ako papunta di'ba?” natawa ako sa kanya.

“Tch. Thesis meeting lang pero ganyan ang suot?” sumama ang tingin niya sa dress ko, “Kailangan ba maganda ka kapag lumabas ka?” napanguso siya.

“Simpleng dress lang 'to, Mr Rico.” kinuha ko ang shoulder bag sa sofa. “Hindi ba't aalis ka din naman ngayon? Para fair, aalis na din ako.” ngumiti ako sa kanya.

“Hon naman, eh.” tumitig siya sa suot ko, “Ang ganda mo. Ayoko niyan! Baka maagaw ka sa'kin paglabas mo pa lang!”

“Pft.” natawa talaga ako, “Ikaw din naman, ah? Napakarami ko na ngang kaagaw sa school.” natawa ako lalo. “Sige na, aalis na ako.” lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. “Ikamusta mo na lang ako kila Mom, Dad at L-Lolo.”

“Xiantel.” sinakop niya ang buong bewang ko, “You smell so good too.” napanguso siya, “Huwag ka na kayang pumunta?”

Eh? “Yuan.” pinisil ko ang ilong nito, “Huwag kang OA, ha?” natawa ako. “Babalik din ako mamaya.”

“Kiss muna.” pinahaba niya ang labi niya. “E-Eh?” namula ang pisngi ko. “A-Anong kiss?” nagtataka kong tanong. What the hell? Bakit ganito lang kapormal sa kanya ang bagay na 'to?

“Kiss.” ngumuso siya lalo. “Kiss mo 'ko, dali. Para hindi na ako kabahan kapag lumabas ka na mamaya.”

Tch. “B-Baliw.” nagiwas ako ng tingin sa kanya.

“Hon? Dali na. Isang kiss lang.” sinundan niya ang mukha ko. “Isang mabilis lang tapo—”

“Okay na.” lumayo na ako sa kanya ng matapos ko ng halikan ang labi niya. “Sweet.” ngumisi siya, “I love you, mag iingat ka.” hinalikan niya ang noo ko that's why napapikit ako. “T-Take care too.” ngumiti ako sa kanya.

“Huwag ka lilingon sa iba, misis ko!” rinig ko pang sigaw niya paglabas ko ng bahay namin. Natawa na lang ako bago lumabas ng gate at pumara ng taxi ng may dumaan dito. Mabuti na lang at pinapayagan nilang may pumasok na taxi dito sa village namin, that's a good idea. Para naman hindi na kami mahirapan sa pagsakay. Hindi na din ako nagpahatid sa driver ko dahil mas prefer ko naman ang mag commute ngayon.

Pagdating ko sa Mall na sinabi ni Pearl ay pumunta agad ako sa coffee shop kung saan kami magme-meeting. Pagpasok ko pa lang dito ay naamoy ko na agad ang mabangong aroma ng kape na itinitinda nila dito.

“Xiantel!” napalingon ako sa boses na 'yon. Oh? “Lukas.” ngumiti ako bago naglakad palapit sa kanya. “Kanina ka pa dito?” tanong ko bago umupo sa upuan na nasa harap niya.

“Ang ganda mo, ah?” pang aasar niya sa akin. “Matagal na.” natawa ako, nahawa siya. “Okay.” napangiti siya. “Gusto mo ng kape?” tanong niya sa akin.

“Hm, sure.” sagot ko sa kanya.

“Alright. Order ka lang diyan, libre ko na.”

Eh? “Totoo ba 'yan?” tanong ko sa kanya. “Oo.” tumango siya, “This is our shop, Xiantel.” nakangiti niyang saad. Woah. Nagulat naman ako. “Really?” nanlaki ang mga mata ko. “Yes.” ngumiti ulit siya.

Oh. Big time naman pala 'tong si Lukas. Knowing him, sigurado akong hindi siya mahilig magyabang sa mga bagay na mayro'n siya. Just like his visual, his face, gwapo siya pero hindi niya pinagyayabang 'yon hindi katulad ni Yuan, pft.

“You want a dessert too?” tanong niya sa akin pagdating namin sa counter. Tumango na lang ako sa kanya bago ngumiti. Grabe, ang bait niya. Hindi ko akalain na ganito kabuti ang ugali niya.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now