Chapter Forty One

13 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang oras pati na din ang araw. Kung kahapon ay para bang last day na ng Sports Festival, ngayon, last month na ng taon. It's already December. Mahigit isang buwan na din ang nakakalipas since ng mangyari ang hindi pagkakaintindihan namin, at ng Grandpa ni Yuan. May mga araw na gusto nila kaming maka-usap pero palaging tumatanggi ang asawa ko sa kanila. Hindi ko na din masyadong nakikita ang mga magulang ko dahil naging busy talaga kami sa school ngayon dahil malapit na ang Christmas break.

At isa pa, malimit na din manakit ang ulo ko ngayon, ibig sabihin, wala ng nangyayari sa akin na kakaiba kapag pupunta kami sa ibang lugar o makakarinig ako ng mga salita. Para bang wala ng bumabalik na ala-ala sa akin tungkol sa lalaking nagnga-ngalang Yovanni. Wala na akong maalala tungkol sa kanya, pero minsan, nangyayari pa din 'yon, sa hindi inaasahang pagkakataon.

Pinilit kong huwag na lamang pansinin 'yon at itinuon na lang ang attention kay Yuan pati na din sa pag aaral. Sa tingin ko kasi ay mas maganda kung hindi ko na iisipin 'yon para hindi na lang ako malito.

“Oh my God! Malapit na ang Christmas break! I'm so excited!” masiglang sigaw ni Alyana habang naglalakad kami papunta sa canteen. Natuwa din ako dahil sa sinabi niya. Yes, malapit na ang pasko, nakakatuwa naman isipin 'yon.

“Ang taray talaga nito.” tinuro ni Pearl ang nadaanan naming malaking Santa Claus sa gitna ng hallway. Nandoon si Santa na may hawak na malaking basket na may laman na mararaming letter para sa crush nila. Tch. Napailing na lang ako ng maalala ang natanggap ni Yuan ni letter. Halos mag away kami no'n sa bahay dahil talagang binabasa niya ang letter ng mga fans niya sa kanya at basta na lang itinatapon ang papel sa sahig kapag natapos siya. Tuloy, ako ang naglilinis ng lahat ng 'yon.

“Nako, 'te. May letter na naman kay Yuan, oh.” tinuro ni Pearl ang papel kung saan may nakasulat na 'Dear Yuan'. Psh. Napairap na lang ako sa hangin.

“Ano nga pala ang plano niyo sa Christmas break?” tanong sa amin ni Lukas habang naglalakad kami papasok sa canteen. “Kami ata ng fam ko ay pupunta sa Korea.” sagot sa kanya ni Pearl.

“Kami naman, as usual, sa Japan na naman.” nauubusan ng pasensya na sagot ni Alyana.

“Ah.” medyo napaisip ako, “Hindi ko pa alam 'yung sa'min, eh.” sagot ko sa kanila. Totoo naman kasi, hindi pa namin napaguusapan nila Mom ang bagay na 'yan kaya hindi ko alam kung saan kami magdadaos ng Christmas.

“Ikaw, Lukas?” tanong ko sa kanya.

“We're staying here.” nakangiting sagot niya sa akin. Napatango tango na lang ako bago umupo sa upuan.

“Ako na ang o-order ng foods natin guys, 'yon pa din, di'ba?” tanong sa amin ni Lukas. Nakangiting tumango naman kami sa kanya bago nagpasalamat sa kanya.

“Ang bait talaga ni Kuya Lukas.” napapangiting bulong ni Alyana sa amin. “Lagi niya tayong nililibre, aw!”

“Tanga, 'di 'yon libre.” singhal sa kanya ni Pearl, “Nakalimutan mo na ba? Libre ang pagkain sa canteen. Dahil binabayaran na 'yon sa tuition fee natin.” dagdag niya pa.

“Ay, oo nga!” napakamot sa ulo si Alyana.

“Xiantel.”

chup!

Nanlaki agad ang mga mata ko ng maramdaman kong may humalik sa pisngi ko mula sa likod.

“Aaaaaaaah! Sweet!”

“Yuan!” hinampas ko agad ito ng makita ko siya. “Ano'ng ginagawa mo dito?” nakangiti kong tanong sa kanya. Tumabi naman siya sa tabi ko bago ngumiti sa mga kaibigan ko.

“Kakain?” pilosopong sagot niya sa akin.

Sumama ang tingin ko sa kanya.

“Just kidding.” humalik ulit ito sa pisngi ko, “Of course, namiss kita. Bawal ba kitang makita, ha?” nakangiti niyang tanong sa akin.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now