Chapter Sixty Two

15 1 0
                                    

Ito na ata ang pinaka-nakakakabang bagay na gagawin ko sa buong buhay ko. Hindi ko naisip na gagawin ko 'to para lang isang lalaki.

Para lang kay Yuan.

Puntahan mo na siya, Xiantel. Huwag mong hayaan na sumuko siya sa'yo.”

Narinig ko pa ang boses ni Kuya Tani sa tenga ko habang nakatayo ako sa labas ng bahay namin ni Yuan. Nakaramdam ako ng kaba ng makitang nakapatay ang ilaw sa buong bahay. Shit. Nandito kaya siya?

Sana. Sana.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Nagsimula na agad akong maglakad palapit sa gate at sinubukang buksan ito. Halos mapapikit pa ako sa kaba ng malaman ko na hindi ito nakasara. Oh, God. Sana nandito si Yuan, please. Sana nandito ang asawa ko.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng gate namin ay nadagdagan na agad ang kabang nararamdaman ko. Halos mapalunok pa ako habang dahan dahan na naglalakad papunta sa main door ng bahay namin. Napahinga ako ng malalim ng sa wakas ay mahawakan ko na ang door knob ng pinto, halos manghina ako ng mabuksan ko na ito at makapasok na ako sa loob ng bahay.

Shit.

Nakaramdam agad ako ng kakaibang pakiramdam ng makita ko muli ang itsura ng bahay namin. God. Halos isang buwan ko rin hindi nakita ang lugar na 'to.

“Yuan?” mahina kong bulong habang iniikot ang paningin sa buong bahay. Nakapatay talaga ang ilaw dito kaya halos wala na akong makita, ang tanging nakikita ko lang ay ang white dress na suot ko. “Yuan?” dahil kabisado ko na ang bahay namin, nagawa kong maglakad papunta sa hagdanan ng walang kahirap hirap.

Ilang minuto ang itinagal noon ng sa wakas ay makarating na ako sa second floor. “Yuan?” muli kong tinawag ang pangalan niya habang nagsisimula akong maglakad palapit sa kwarto niya. Oh, God. Sana nandito siya. Sana nandito ang asawa ko, please.

“Yuan?” nilakasan ko pa lalo ang boses ko habang naglalakad papunta sa kwarto niya. Shit. Mas nadagdagan ang kabang nararamdaman ko ng makalapit na ako ng tuluyan sa pinto ng kwarto niya.

Relax, Xiantel. Relax.

Napahinga muna ako ng malalim bago pumikit at nagsimulang kumatok sa pintuan niya. “Yuan?” malakas na tawag ko habang kumakatok ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto niya.

“Yuan?” hindi na ako nakatiis pa at hinawakan ko na agad ang doorknob niya. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko ng malaman na hindi naka-lock ang kwarto niya. Fuck.

“Yuan?” hindi na agad ako nagdalawang isip pa at pumasok na agad sa kwarto niya. “Yua—”

Shit.

Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Yuan na naka-upo sa kama niya at nakatungo habang nakatingin sa baso ng alak na hawak niya.

Damn.

Napalunok ako, “Y-Yuan.” mahina kong tawag sa kanya.

Nakita kong dahan dahan na iniangat niya ang ulo niya paharap sa direksyon ko at—

Fuck.

Parang sinaksak ng ilang beses ang puso ko ng makita ang itsura ng mukha niya.

H-He's crying.

Kitang kita ko kung paano tumulo ang luha niya galing sa mga mata niya. Nakita ko din ang maliit na sugat sa pisngi niya at ang malaking mantsa ng alak sa puting damit na suot niya.

Shit.

“Y-Yuan.” hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na agad palapit sa kanya. Fuck. Fuck. Fuck. Gusto kong sampalin ang sarili ko ng makita ko ng malapitan ang mukha niya.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now