Chapter Twenty

23 2 0
                                    

“Eh! Yuan! Huwag na kasi tayo diyan. Ang daming taga-school oh?” reklamo ko kay Yuan habang nakaturo pa sa mga estudyanteng naka-uniform din katulad ng suot namin ni Yuan ngayon.

“Hon, wala naman akong pake sa mga 'yan, eh.” muling hinawakan ni Yuan ang kamay ko. “Dali na, para maka-uwi na tayo.”

Wala na akong nagawa ng hilahin niya na ako papasok ng Groceries store. Aish. Bakit ba kasi dito pa kami pumunta sa Mall na 'to? Hindi ko naisip na marami pala ang mga estudyante na pupunta dito dahil malapit lang 'to sa school namin.

“I'm sure makikita nila tayo.” singhal ko sa kanya. “I know.” mayabang na sagot sa akin ni Yuan. “Hon naman, ang mukhang 'to,” itinuro niya ang mukha, “Agaw attention 'yan palagi.” napangisi siya.

“Okay.” walang gana na sagot ko sa kanya. Humilay ako sa hawak niya at mabilis na naglakad papunta sa stall ng  snacks. Aaaaaaaah, junk foods!

“Huwag mo naman akong iwan, misis.”

“Shut up.” singhal ko sa kanya. “Kapag talaga sa'yo may nakarinig—”

“Ano? Hahalikan mo ako dito?”

“Yuan!” napaharap ako sa kanya. “Shut up.” I glared at him.

“Sus. Nahiya ka pa sa'kin.” lumapit ito sa parte kung saan makikita ang malakaking snacks at kumuha ng marami. Habang ginagawa niya 'yon ay hindi ko maiwasan maalala ang sinabi sa meeting ng SSG kanina.

Hmm. Ano kaya ang magiging pwesto nila sa bus bukas? Magkatabi kaya si Yuan at Nathalie sa upuan? Share ba sila sa pagkain na binibili ni Yuan ngayon? Makakatulog ba si Nathalie sa balikat ni Yuan ng hindi namamalayan dahil—

“Hey, Xiantel? Bakit mo binuksan 'yang Piattos?”

“H-Ha?”

Napatingin ako sa Piattos na hawak ko. Shit. Bakit bukas 'to?

“Hala, lagot ka! Hindi mo pa binabayaran 'yan!” pang-aasar sa akin ni Yuan. Tch. Inirapan ko na lang siya bago ilagay ang Piattos sa tray na hawak ko. Matapos kong kumuha ng mga snacks dito ay lumipat ako sa beverage area para kumuha ng mga inumin dito.

“By the way, hon. Sino nga pala ang katabi mo sa upuan ng bus bukas?” tanong sa akin ni Yuan habang kumukuha din siya ng drinks sa tabi ko.

“I don't know. Baka si Alyana o si Pearl o si Lukas.” sagot ko sa kanya.

“Ano?” tumingin siya sa akin. “Bakit kasali si Lukas sa choices?!” reklamo niya sa akin. Sumama ang tingin ko sa kanya, “Ang boses mo.” paalala ko sa kanya.

“Hon naman! Huwag kang tatabi sa lalaking 'yon, okay?!”

Nangunot ang noo ko. “Why not?”

“Anong why not, why not? Basta! Hindi ka pwedeng tumabi sa kanya! Naintindihan mo?”

Tch. Tumango na lang ako sa kanya bago tumalikod. “Basta 'wag ka din tatabi kat Nathalie.” bulong ko habang naglalakad papunta sa counter. Pagdating ko dito ay may isang lalaki na nakapila sa unahan ko.

“276.00 po lahat, Sir.”

“Here.”

Napatigil ako ng marinig ko ang boses na 'yon.

Shit.

“Ito po ang sukli niyo, Sir.”

“Thank you.”

No way.

No way!

Mabilis na napatingin ako sa lalaking nasa unahan ko. 

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now