Chapter Forty Five

11 1 0
                                    


“Guys.” panimula ko. Tumingin ako kay Yuan at hinawakan ang kamay niya.

“I want y'all to meet my—” napalunok ako bago tumingin ng seryoso sa mga kaibigan ko, pati na din sa mga kaklase ko.

“—husband—” ngumiti ako, “—Yuan.”

“Ha? Ano daw? Husband?”

“What?! Husband?!”

“Eh? Totoo ba ang sinasabi ni Xiantel?”

“Totoo ba 'yon?”

“Peach!”

Lumapit agad sa amin si Pearl. “Ano ba'ng sinasabi mo diyan? Ano'ng husband? Nababaliw ka na ba?”

“Hindi.” seryoso kong sagot sa kanya. Shit. Kung sana lang ay dinala ko ang wedding ring namin ni Yuan ngayon, argh! Matagal na kasi 'yon nakatago sa cabinet namin pareho. Hindi naman 'yon isinusuot araw araw dahil nga pumapasok kami sa school.

“H-Ha? Anong hindi?” natawa si Pearl, “Yung totoo? Kumain ka ba ng breakfast, ha?”

“Pearl.” seryoso akong tumingin sa kanya, “Totoo ang sinasabi ko. Asawa ko talaga si Yuan.” 'yon na ata ang pinaka-seryosong salita na nasabi ko.

“HAHAHAHAHAHAHAHA!” tumawa siya ng malakas. “Hoy Yuan, ano'ng sinasabi nitong girlfriend mo?” natatawa niyang tanong kay Yuan.

Hindi naman sumagot sa kanya ang asawa ko at napatingin na lang sa akin. Halatang gulat na gulat pa din siya dahil sa ginawa ko. Ako din naman, gulat din ako, gulat na gulat. Pero hindi ko na lang pinansin 'yon dahil desidido na talaga akong sabihin sa lahat ang tungkol sa'min.

“Xiantel! Ano ba'ng sinasabi mo diyan?” lumapit na din sa amin si Alyana. “Lumabas lang kayo kanina ni Yuan tapos ngayon—mag asawa na kayo? Ano 'yon!” natawa din siya.

Shit. Hindi sila naniniwala sa akin.

“Totoo nga ang sinasabi ko.” medyo nainis na ako, “Asawa ko talaga si Yuan.” tumingin ako kay Yuan na gulat na gulat pa din.

“Ay, Xiantel? Asawa mo si Yuan? Sige! Ako din! Asawa ko din si Yuan!”

“Me too!”

“Hala ako din! Asawa ko siya!”

“Aaaaaaah! Ako din!”

Aaaargh! Damn!

“Maniwala kayo sa'kin! Totoo ang sinasabi ko! Asawa ko si Yuan!” sumigaw na talaga ako para maniwala sila sa akin. Gosh! This is frustrating!

“Kung asawa mo si Yuan, bakit wala siyang reaction? Bakit parang gulat na gulat siya?” seryosong tanong sa akin ni Pearl.

“Yuan.” tumingin naman ako sa asawa ko, “Tell them. Sabihin mo sa kanila na asawa mo ako.” seryoso kong saad sa kanya.

Nakita ko naman na nagulat ulit siya. “X-Xiante—”

“Ano? Hindi ba't ito ang gusto mo? Gusto mong ipakilala kita bilang asawa ko, di'ba? Oh, ngayon. Ginagawa ko na.”

Mabilis na nagbago ang itsura ng mukha niya. Kung kanina ay gulat na gulat siya, ngayon, nakangiti na siya ng matamis sa akin.

“Okay.” hinapit niya ako palapit sa kanya bago tumingin sa mga kaklase ko, “It's true guys.” ngumiti siya ng matamis, “This girl in front of you is my...” tumingin siya sa akin at hinalikan ang noo ko, “... wife.”







.












..



















We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now