Kabanata 21

125 2 0
                                    

The fiesta ended smoothly. Pinabaunan pa kami ni Apo idad ng mga iba't ibang klase ng putahe. Papasakay na kami sa Owner jeep ng mapansin kong nakasunod sa amin ni Joshua si Abel.

Lumingon ako sa kanya ng nagtataka. "Bakit ka sumusunod sa'min!?" pagsaring ko.

Huminto si Abel at kumunot ang noo. "Sasabay ako sa inyo, puno na yung isang sasakyan."

I raised my eyebrow. "Puno na rin kami," pagsisinungaling ko.

Abel chuckled. "I see, sa bubong ako." pagbato niyang tanong.

Hindi ko alam kung binibiro niya ako o nagsasabi siya ng totoo. Dahil nang makarating kami sa sasakyan, hindi siya pumasok sa loob. Tinignan ko si Joshua ng nagtatanong. Akala ko'y aalis na si Abel, pero tinungtong niya ang paa sa katawan ng owner jeep at sinimulan ng iakyat ang katawan sa bubong nito.

I gasped in horror. Nagbibiro lang ako na puno na ang sasakyan, bakit naman tinotoo ng isang ito! Napapangiwi pa ang mukha nito tuwing nagagamit ang isang braso na may nakapulupot na benda.

"A-abel!" pagtawag kong atensyon. He looked at me. "A-ano, I was just joking, hindi naman talaga puno yung sasakyan, pwede ka na sa loob." pagbawi ko mula sa pagsisinungaling.

Baka may mangyari pa sa kanya, kasalanan ko pa pag nahulog siya ng wala sa oras. Mas lalo lang nadagdagan ang pagaalala ko ng tumanggi itong sumakay sa loob. I'm doomed! Tinignan ko si Josh at nanghingi ng tulong.

"Kaya niya yan! Mas malakas pa sa kalabaw ang isang 'yan" kibit balikat niyang sabi.

Hindi naibasan ang pag-aalala ko sa sinabi nito. Mas malakas pa sa kalabaw? Eh halata mo ngang nahihirapan siya sa pagkapit sa magkabilang gilid ng sasakyan para hindi mahulog. I tooked a one last glance before I hop in.

Buong byahe ay hindi ako mapakali, pabalik-balik ang tingin ko sa taas ng bubong kahit alam kong hindi ko siya nakikita. Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang mga daliri ko dahil sa kaba. Parang ang tagal naman.

"Malayo pa ba tayo Josh?" I asked.

He looked at me and his grip on the steering wheel tightened when he looked up. "Malapit na,"

Binilisan pa niya ang pagpapatakbo at nakarating na kami sa bahay. I immediately come out and look for Abel. Pababa na ito ng bubong ng sasakyan and landed on the ground smoothly. Bumagsak ang tingin ko sa braso nito.

Lalapit sana ako, pero sumulpot mula sa kung saan sila Christian kasama sina Ernesto at Aaron. Hindi ko sila pinansin at tinignan na lang si Abel, hoping that he's fine.

"Ang tagal niyo," reklamo ni Christian.

"Hala! Abel, yung braso mo dumudugo," Aaron said in horror.

My stomach became rigid because of what I heard. Bumaling ang tingin ko sa dumudugong braso ni Abel! It's my fault! Kung hindi sana ako nagsinungaling. Hindi sana mangyayari sa braso niya iyon.

"Ano bang ginawa mo't nagdugo 'yan?" Ernesto asked.

I can feel my heartbeat beating so fast, I avoided my gaze, kasalanan ko. I want to utter those words. Pero hindi ko mahanap ang dila ko.

"it's nothing, tara pasok na tayo sa loob," pag-aya nito.

My eyes widened in surprise, bakit hindi niya sinabi? Mas lalo akong nakokonsensya alam niya ba iyon! of course! he isn't! I tooked a deep breath and stalked behind them.

"Hindi mo na sana ginawa yung bakod Abel! Nasugatan ka tuloy,"

I was glued on my spot and cannot move my body when I heard Ernesto said those words, siya yung gumawa ng bakod? I thought it was my cousin who did those fence? Tinignan ko ang papalayo nilang mga likod.

Along the way ( Province #1 )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu