Kabanata 35

128 4 0
                                    


Kanina pa kami narito sa loob ng coffe shop ni Josh. Catching up with the lost times. It's just months, but it feels like forever.

"Kamusta na pala sa probinsya?" I asked, then sipped my coffee.

Joshua seems still in state of shocked. Hindi niya man lang magawang tanggalin ang tingin sa akin. Kanina kung hindi ko lang siya niyayang maglakad at pumunta dito, hindi niya pa rin ako tatantanan ng tingin. Pero ngayon naman na nag-uusap kami. Akala mo, anytime mawawala ako sa paningin niya.

"Josh?" snapping my finger in front of him.

"H-ha? Sorry, ano 'yun" sabi niya, nagkakamot ng ulo.

"Forget it," kibit balikat ko. "How are you Josh?"

Pag-iiba ko na lang ng usapan. I chose the wrong word earlier. Mabuti na lang ang hindi niya narinig kanina. I might struggle hearing the answer of my own question.

"Ito, kailangan kong lumuwas ng Manila para magtrabaho,"

Napatango ako. "How long have you been here?" nakatingin pa rin sa kanya.

"Noong nakaraang linggo lang," he politely said.

"Ikaw... kamusta ka na Gracia?" Josh said, dahilan para humupa ang ngiti ko.

Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya. Pero ngayong siya naman ang nagtatanong sa akin, hindi ko man lang alam kung anong sasabihin. Hindi ko mahanap ang dila ko sa simpleng tanong na binato niya sa akin. Looks like I'm not fair to him.

"Ahmmm." all I could say.

Josh, coughed. Maybe he found his question a bit awkward. Tumawa na lang ako para mawala ang tensyon.

"So, may nahanap ka na ba na papasukan mo?" pag babago ko sa usapan.

Josh sipped on his coffee. And talked. "Naghahanap pa rin ako,"

"Oh, if you want I could get y--" I was cut off by him.

"Gracia." serysos niyang sambit.

Nawala ang ngiti ko ng sumersyoso ang boses niya. Feeling uncomfortable, inayos ko ang upo ko at tumikhim. Hindi pa rin ako nag salita at hinintay lang ang sasabihin niya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa anumang lalabas sa bibig niya.

"Gusto kita,"

Humigpit ang hawak ko sa cup na hawak ko. It was supposed to give me warm, pero ang natatanggap ko lang ay lamig. My body stiffened, couldn't utter a single word.

"A-ano Josh--" I sighed.

Tumawa si Josh at uminom ng kape, iniibsan ang naumong tensyon.

"Hindi mo naman ako kailangan sagutin, sorry sarili ko lang iniisip ko. Hindi ako nag-iisip ng tama."

Lumamlam ang ekspresyon ko dahil sa narinig. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin, dahil katulad niya, naguguluhan pa rin ako sa mga bagay-bagay.

"It's fine Josh, b-but I'm still in pain," pag amin ko.

Bumuntong hininga siya, trying to process what I've said. Kung kani-kanina sabi ko maayos lang ako, pero sa tingin ko hindi ko magagawang magsinungaling kay Josh. He's been a good friend to me. Hearing his confession made me feel guilty. Sa tinagal-tagal naming magkasama, ni hindi ko man lang napansin na may gusto pala siya sa akin.

"Mahal mo pa ba?" diretsa niyang sabi.

I was taken aback by his question. Mahal ko pa nga ba? I tilted my head, trying to avoid Josh question.

"... syempre naman, ano bang tanong itong sinabi ko!" pagsagot niya sa sariling tanong.

"J-josh," I was out words.

Along the way ( Province #1 )Where stories live. Discover now