PROLOGUE

1.9K 258 309
                                    

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the my imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Uulitin ko, ang istoryang ito ay kathang-isip lamang na nababase sa kung anuman ang nilalaman ng aking imahinasyon.

Enjoy reading, everyone!


SIMULA:

Maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw ng klase ko. Tulog pa ang aking mga magulang pati ang aking kapatid. Dumiretso na agad ako sa kusina upang maghanda ng aming pagsasalu-saluhang agahan para sa umagang ito.

Nagluto ako ng paborito naming tuyo, itlog at fried rice. Ipinagtimpla ko rin ng kape ang aking nanay at tatay.

Napatigil na lamang ako sa aking ginagawa ng may kumulbit sa aking likuran. Ang kuya ko lang pala.

"Magandang umaga, prinsesa." panunudyo ng aking kapatid, aba! Mukang maganda ang gising ni mokong.

"Nasa mood ka yata ngayon?" sabi ko sabay niya naman akong inirapan. "Bakla ka talaga, kuya."

"Tsk." angil niya.

"Kumain na tayo, may pasok ka pa." malamig niyang tugon.

"Kuya naman, parang isip-bata lagi binibiro ka lang naman." ngunit hindi na ako nakatanggap ng tugon mula sa kaniya. Kung sabagay sanay naman na ako sa mga maliliit na bagay na pinagaawayan namin ni kuya. May period na naman kasi siya kaya ganyan, charot.

Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ng aking sarili ay naagdesisyunan ko ng umalis upang hindi ako malate sa aking unang araw sa paaralan. Scholar ako sa isang sikat na paaralan sa Manila. Hindi kami ganoong kayaman upang makapag-aral ako sa mamahaling eskuwelahan, sadyang nabiyayaan lamang ako ng Maykapal ng katalinuhan.

Hindi ko naman pinangarap na makapag-aral sa eskuwelahang pangmayaman ang mga nag-aaral, ngunit napag-isipan ko na ituloy ang pagpasok dito sapagkat, ito ay isang napakagandang oportunidad na nagbukas para sa akin, kaya hindi ko dapat tanggihan.

Sumakay na ako agad sa jeep na papunta sa aking paaralan, ayoko pa naman ang late dahil naturingan pa naman akong libreng nag-aaral tapos ako pa ang hindi sumusunod sa oras ng klase nila.

Mabilis naman akong nakarating sa paaralan namin, at halos tumulo ang laway ko sa kakanganga, at hangang-hanga sa ganda ng paaralang ito. Engrande kumbaga, at parang nanliit naman ako sa sarili ko dahil halos lahat yata dito na estudyante ay mayayaman. Pero parang iba ang pakiramdam ko sa paaralang ito, na para bang napakalakas ng pintig ng puso ko at hindi ko maipaliwanag.

"As in girl, bumalik na ulit siya, omooo!" nagulat ako sa tili ng isang babae na bumangga pa sa akin.

"Aray naman miss, magdahan-dahan ka naman." sabi ko naman sa kaniya ngunit inirapan lamang ako nito. Oo palaban ako sa mga ganyang klase na tao pero dapat kong ilugar muna ang sarili ko dahil bagong salta pa lamang ako dito.

"Goshh, he is so gwapo na! Like yah, kahit dati pa naman but mas lalo yatang nadagdagan."

"Kyahhhh, you're so hot."

"Girl, that is my boyfriend."

"OMG girl, wag ka ng mangarap dyan, hot and sexy girls lang ang pinapansin niyan."

Yan ang mga naririnig ko sa mga tili at sigawan ng mga kababaihan dito sa loob ng school, ewan ko ba out of place ako syempre baguhan. Pero ano ba yung pinagkakaguluhan nila?

Anyways, ayoko namang makisali pa, kaya mabuti pa't hanapin ko nalang yung room ko at baka malate pa ako sa unang klase ko mamaya.

"Excuse me, miss." sabi ko naman, sa mga babaeng nagsisiksikan sa daan. Jusko naman itong mga babaeng ito bakit parang patay-patay sa mga lalaki, parang timang amp.

"Excuse me, please." naiinis ko ng sabi dahil hindi ko na alam kung makakadaan pa ba ako dito kung saan-saan na ako napupunta at pinagpapasa-pasahan pa ako makita lang nila yung lalaking yon.

Bwisit, kung hindi dahil sayo nakarating na sana ako ngayon sa room ko.

Nagulat na lamang ako ng may biglang tumulak sa akin ng malakas.

"Ahhh." inaasahan ko ng sa semento ang bagsak ko, ngunit nagkamali ako. Sa isang matigas na bagay ako bumagsak. Napapikit na lamang ako sa sobrang sakit ng likod ko dahil sa lakas ng pagkakatulak. Pisteng yawang buhay naman.

"Are you enjoying, huh?" doon ko lamang iminulat ang mga mata ko. At nagulat ako ng malamang hindi pala kung anong bagay ang basta lang binagsakan ko. Mygoodness, kaya pala sa abs ako ng lalaking tinitiliian ng mga kababaihan dito sa campus.

Jusko Lord, ano naman po itong pinasok ko? Napakamalas ko talaga ngayon, pisti ka talaga.

"Sorry, naitulak lang kasi ako." maikling tugon ko. Hindi ko man lang siya magawang matitigan dahil siguro sa sobrang attractive ng mukha niya. Kaya naman pala.

"Naitulak nga ba, o nagpatulak?" napanting ang tenga ko sa sinabi niya sa akin. At talaga namang sinusubukan ako ng lalaking ito? Tingnan natin, baka hindi ko ito matantsa at nako sinasabi ko talaga.

(A/N: shh, kalma lang gurl gigil ka dyan.)

Author naman, moment ko to wag kang makialam.

"Hah, sino kaba sa akala mo? Kung etong mga babaeng ito nadadala mo," turo ko sa mga babaeng kanina pa nakatingin sa live show namin dito. "Pwes ako, never. Kilalanin mo muna ako bago ka makipag-usap sa akin." mataray ko namang sabat sa kaniya, with matching tapik pa ng balikat. Sa paraan kong iyon ay mabilis na akong nakaalis sa kaguluhan na yon.

Buti kung kanina hindi na siya nagsalita pa, edi sana hindi ko siya natarayan. Iba yata ako. Isang De Jesus yata ang kinakalaban mo.

Hmm, let the fight begin.

(A/N: Anong masasabi niyo sa prologue? Hmm, just comment down below and your votes will be highly appreciated. Thank you!)

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now