Chapter IX

7K 929 73
                                    

Chapter IX: City of Erdives, Again

Komplikadong ekspresyon na tinitigan ni Zed si Finn Doria. Kahit na hindi niya nararamdaman ang aktwal na antas at ranggo ni Finn, alam niyang malaki ang ipinagbago at inilakas ng kanyang kaibigan. Gusto niyang pakiramdaman ang aura ni Finn Doria pero masyado pa siyang pagod, at hindi niya pa rin mapagana ang kanyang enerhiya. Masyado siyang mahina ngayon dahil sa pag-abuso niya sa kanyang enerhiya.

‘Mas lumalakas si Finn habang tumatagal habang ako… naging ordinaryo na lang ang talento ko dahil sa ginawa kong pagmamadali… hirap na akong lumaban ngayon sa mas mataas ang antas sa akin..’ dismayado sa isip ni Zed.

Sandali lang ang pagkadismayang ito dahil agad din nabuhayan ang kanyang mga mata. May kaunting bakas ng pag-asa ang makikita rito habang siya ay patuloy na nag-iisip. ‘Ganoon pa man, hindi ako susuko! Kung talagang gusto ko, may paraan! Sigurado naman akong may kayamanan na makapagpapabalik sa aking matibay na pundasyon… maibabalik ko ang talento ko basta mahanap ko ang kayamanan na iyon!’

‘Gagawin ko ang lahat para mahigitan ang lahat!’ determinadong sabi ni Zed sa kanya pa ring isipan.

Hindi niya gustong ibulalas ang mga salitang ito dahil natatakot siyang baka kaawaan siya ni Finn Doria.

Habang si Zed ay may sariling iniisip, si Finn Doria naman ay hindi napigilang magtanong.

“Oo nga pala, ano’ng nangyari sa’yo? Bakit ka hinahabol ng mga assassin na ‘yon?” seryosong tanong ni Finn Doria.

Natigilan si Zed pero agad din siyang nakabawi. Huminga siya ng malalim at naging matigas ang kanyang ekspresyon. Ibinuka niya ang kanyang bibig at nagsalita, “May inatake ako na mansyon ng isang maharlika sa isang maliit na bayan. Napag-alaman kong gumagawa ng masamang gawain ang maharlika na iyon kaya umaksyon ako.”

“Iniipit niya ang mga ordinaryong tao, pinapalubog niya sa utang ang mga ito at ’pag hindi nakapabayad, ginagawa niyang alipin ang mga ito bago ibenta sa mga mayayamang indibidwal. Nagtagumpay ako sa pagpaslang sa kanya dahil mahina lang naman siya. Pero…” huminto sandali si Zed at napatungo siya. “May hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Naabutan ako ng mga miyembro ng Assassins Guild. Hindi ko inaasahan na may nakahanda nang limang 6th Level Heaven Rank na nagbabantay roon. Nilabanan ko sila pero noong mapagtanto kong wala akong laban sa marami, agad akong tumakas. At ang kasunod na nangyari ay alam mo na.”

Tumango si Finn Doria. Pinuri niya sa loob-loob niya si Zed dahil sa katapangan at kabayanihan nito. Masaya siya dahil kahit papaano, ginagawa talaga ni Zed ang sinumpaan ng kanilang grupo na pabagsakin ang imperyo at ang masasamang indibidwal dito.

“Isang taon ko na itong ginagawa at ito na ang pinakamalalang nangyari sa akin,” Biglang kinuyom ni Zed ang kanyang kamao at nagpatuloy, “Kung mas malakas lang sana ako… hindi sana ang mga gaya ng pipitsuging maharlika na iyon ang aking mga pupuntiryahin! May mas malala pa sa kanila pero… pero siya lang ang kaya ko dahil sa banta ng mga guild na nasa ilalim ng pamumuno ng imperial family!”

“Napansin na nila ang pagpuntirya ko sa mga maharlikang namumuno sa mga bayan kaya naghanda na sila ng patibong,” buntong-hiningang pag-iling ni Zed.

“Huwag kang mag-alala, sinisigurado kong ang kanilang araw ay nalalabi na. Pagkatapos kong iligtas si Crypt, sama-sama nating ililigtas ang ating mga kasama, at pagkatapos noon… magsisimula na tayong maglinis hindi lang sa imperyong ito, maging sa buong kontinente,” determinadong hayag ni Finn Doria.

Natahimik si Zed pero agad din siya ngumiti. Tumango siya at sumang-ayon, “Gusto ko nang masaksihan ang pangyayaring iyon. Pero, bago iyon… Sa’yo, Kaibigang Finn, ano’ng nangyari sa’yo? Kumalat ang balita na patay ka na dahil napunta ka sa Enchanted Mountain. Ano ba talagang nangyari sa’yo pagkatapos mong mapahiwalay sa amin?”

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Where stories live. Discover now