Chapter XXIII

5.8K 967 95
                                    

Chapter XXIII: The real expert making a move

Isang maganda at malamig na umaga para sa Enchanted Mountain. Tahimik na nakatayo si Dayang sa tabi ni Malina habang siya ay nakatitig sa kawalan. Para siyang nakatingin siya sa mga ulap pero parang hindi. Payapa pa rin ang kanyang ekspresyon gaya ng dati, at napakaganda pa rin talaga ng kanyang maamong mukha at kabuuang hitsura.

“Sa susunod na mga buwan, siguradong yayanig ang kontinenteng ito dahil sa bigat ng mga mangyayari… Maraming mamamatay subalit sa kabila nito, mas magiging maayos naman ang pamumuhay ng mga nilalang na naririto,” malumanay na sambit ni Dayang. “Lalabas na rin ang mga sikretong itinatago ng bawat lahi, at mas magkakaroon pa ng karanasan si Finn Silva dahil sa mga pagsubok na pagdaraanan niya rito.”

Tumingin si Malina kay Dayang at nagsalita rin, “Aalis na tayo, hindi ba?” Sandali siyang nanahimik bago muling magpatuloy, “Hindi problema sa akin ang umalis sa lugar na ito at bumalik sa Divine Realm… pero, kailangan ba talaga nating gawin ang pakiusap ng Black Dragon Emperor?”

“Paano kung malalaman niya?” tanong pa ni Malina.

Ngumiti si Dayang, tumingin kay Malina at tumugon, “Kamumuhian niya ako—at wala akong pakialam kung mangyari man iyon.”

Hindi na nakipagtalo pa si Malina. Tumingin na lang siya sa isang direksyon at nagwika, “Sa nakalipas na mga taon, hindi sila nangangahas na magtungo rito… ngayong nalaman nila na nakaalis dito si Finn Silva ng buhay, nagbabalak na naman silang magpakamatay.”

Napailing si Dayang at bumuntong-hininga, “Kaysa naman maabala tayo sa pagpaslang sa kanila… mas makabubuti kung lilisanin na natin ang planetang ito. Gagawin ko na lang ang pakiusap ni Black Dragon Emperor at babalik na tayo sa Divine Realm. Marahil hinihintay na nila ang ating pagbabalik.”

Tumango si Malina. Tumalikod naman si Dayang at naglakad habang si Malina ay sumunod sa kanya. Nabalutan ng makapal na puting usok ang buong bundok at sa isang iglap lamang, ang buong Enchanted Mountain, na isa sa apat na Forbidden Place ay naglaho sa isang iglap lamang.

Naging bakante ang lugar at wala ng makikitang kahit anong bakas ng mahiwagang bundok sa lugar na iyon.

Napahinto ang sampung kawal at makikita sa kanilang mga mata ang gulat at pagkalito. Bawat isa sa mga kawal ay nasa 9th Level Heaven Rank, at narito sila upang imbistigahan sana ang Enchanted Mountain. Ganoon pa man, wala na ito at bigla itong naglaho sa kanilang paningin.

“Paanong… naglaho ang gano’n kalaking bundok…?” sambit ng isa sa sampung kawal.

Isa itong napakalaking pangyayari sa buong kontinente. Ang biglaang pagkawala ng isa sa pinaka-kinatatakutang lugar ay siguradong gigimbal sa buong Dark Continent.

Siguradong kakalat ang balitang ito at iba’t ibang haka-haka at takot ang mabubuo sa isipan ng mga nilalang sa kontinente.

--

Habang ang balitang paglalaho ng isa sa apat na Forbidden Places ay kumakalat sa imperyo, nagpapatuloy naman ang digmaan sa ilalim ng karagatan.

Walang habas na inaatake pa rin ni Zed ang mga kalaban gamit ang kanyang sibat. Pinupuntirya niya ang mga kalabang kaya niya lamang at ipinapaubaya niya na sa iba ang mas malalakas na kalaban.

Hindi basta-basta pumapaslang si Zed. Inaatake niya lang at pinipinsala ang kanyang mga biktima upang hindi na ito makalaban pa. Ginagawa niya ito dahil unang-una, hindi siya pumapaslang dahil lang masaya itong gawin.

Samantala, ang paglitaw ng isang tao sa kalagitnaan ng digmaan ay gumulat sa mga kalaban. Napatuon ang kanilang atensyon dito at ang ilan pa sa mga Sea General ay namukhaan si Zed.

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Where stories live. Discover now