Chapter XXXI

5.7K 805 61
                                    

Chapter XXXI: Unbelievable!

Hinugot ni Sharkim ang sibat mula sa tiyan ni Finn. Bumwelo siya at muli, buong lakas niyang sinubukan na isaksak sa binata ang kanyang sibat. Subalit, mas naging mabilis ang pagkilos ng binata kahit pa sugatan siya. Nagawa niyang maiharang ang kanyang malaking espada kaya naman nasalag niya ang atake ni Sharkim, pero, nagdulot naman ito ng malakas na puwersa na nagpatilapon sa kanya pabulusok sa buhanginan sa sahig ng karagatan.

Napakunot ang noo ni Sharkim sa ginawang pagsalag ni Finn sa kanyang atake. Ang kanyang tingin sa binata ay para bang interesado siya rito. Dahan-dahan siyang bumaba at tumapak sa buhanginan, pinagmasdan niya ang binata habang dahan-dahan nitong sinusuportahan ang kanyang sarili upang makatayo.

“Hindi ako makapaniwalang sa iyong kasalukuyang kalagayan, magagawa mo pang salagin ang aking atake. Talagang sinurpresa’t pinahanga mo ako, Finn Doria,” nakangising sabi ni Sharkim. “Pero, ikinalulungkot kong sabihin na ang lahat ng iyong pagsisikap ay aabot na sa katapusan.”

Hindi sumagot si Finn, nanatili lamang siya sa pagsuporta sa kanyang sarili gamit ang kanyang espada.

Labis na pag-alala naman ang nararamdaman ni Melissa na kasalukuyang naluluha na dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng binata. Nahihirapan at nagdudusa ang binata dahil sa kanya; at wala man lamang siyang magawa para makatulong. Hindi rin kumikibo si Reden sa kanyang tabi, nananatili lamang itong nanonood na para bang walang pakialam sa nangyayari.

“Subalit, bago kita paslangin. Gusto kong malaman kung saan nagmula ang iyong mga Heaven Armament. Ang iyong mga Heaven Armament ay hindi kilala sa kontinenteng ito kaya naman nahihiwagaan ako sa pinagmulan ng mga kayamanang iyan,” nananabik na tanong ni Sharkim kay Finn habang nakatitig sa malaking espada ng binata.

May kilalang siyam na Heaven Armament lamang sa Dark Continent. Mayroong apat ang mga tao, dalawa sa mga demonyo, dalawa sa mga merfolk at isa sa mga beastman.

Ang Heaven Armament ng Beastman Kingdom ay isang pana na may kakayahang bumuo ng sariling palaso. Ang sa merfolk race naman ay trident at baluting may kakayahang protektahan ang buong katawan nang gumagamit nito.

Tungkol naman sa pag-aari ng Demon Moutain, ang alam lang ni Finn ay isang malaking espada rin gaya ng sa kanya ang isa sa dalawang Heaven Armament ng Demon Mountain. Habang sa imperial family ay wala siyang ideya kung ano-ano ang Heaven Armament na pagmamay-ari nila.

Ngumiti si Finn kay Sharkim at nagsalita, “Gusto mong malaman kung saan nagmula ang aking mga Heaven Armament..? Hindi ko sasabihin sa’yo, pero…”

“Magugulat ka kapag nalaman mo,” nakangiting dagdag pa ni Finn.

Napakunot-noo muli si Sharkim at bahagyang ngumiti, “Sa iyong tono’t ekspresyon sa mukha, halatang wala kang balak sabihin.”

“Sa totoo lang, hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ngayon ay makukuha ko ang mga ‘yan mula sa’yo pagkatapos kitang paslangin!”

“Wala akong pakialam kung may malakas na nilalang na sumusuporta sa’yo! Ang may pakialam lang ako ay pagkatapos kitang paslangin, palalayain ko na ang mga nilalang sa lugar na ito at paghaharian ko ang buong karagatan! Magtutungo rin ako sa karatig na kontinente at walang makapipigil sa aking paghahari!” dagdag pang anunsyo ni Sharkim.

Nanlamig ang ekspresyon ng binata matapos niyang marinig ang mga salitang binitawan ni Sharkim. Umayos siya ng tayo at para bang wala siyang sugat sa kanyang sikmura. Madilim ang ekspresyon ng binata, at nakayuko siya habang umaayos ng tayo. Ikinagulat ito ni Sharkim, at bago pa siya makapagsalita, naunahan na siya ng binata.

“Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang gawin ang mga binabalak mo? At kahit na magtagumpay ka… sa tingin mo ba ay mabubuhay ka kapag ginawa mo ‘yun?” suminghal si Finn at bigla na lamang naging tubig ang kanyang katawan.

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang