Chapter XVI

6.6K 911 61
                                    

Chapter XVI: Good Harvest, Spotting an Acquaintance

Habang palalim nang palalim ang pagsisid nina Finn sa karagatan, pa-kaunti rin nang pa-kaunti ang kanilang nakakasagupang halimaw. Ganoon pa man, mas lalong nagiging delikado ang karagatan dahil dumidilim na ang paligid at mas lumalakas na ang mga halimaw. Kakaunti ang bilang pero ang kalidad ng mga halimaw ay malalakas na.

Wala nang matatagpuang First Grade hanggang Sixth Grade Vicious Beast, tanging Seventh Grade na lang hanggang Eighth Grade ang nakakasagupang halimaw nina Finn. Hindi pa sila nakaka-engkwentro ng Ninth Grade Vicious Beast kaya naman hindi pa sila napapasabak sa isang madugong labanan.

Sa kasalukuyan, mabagal na maingat ang paglangoy na ginagawa ng tatlo. Pinakikiramdaman nila ang paligid kung mayroong panganib, pero, wala silang nararamdaman na mga halimaw.

Kanina pa walang umaatake sa kanila, pero, kahit na ganoon pa man, nanatili silang alerto at handa sa pagsalakay ng mga halimaw.

Dahil sa sobrang katahimikan, hindi na napigilan ni Zed na magsalita upang basagin ang katahimikan, “Kung walang mga halimaw sa bahaging ito ng karagatan… siguradong teritoryo ito ng malakas na halimaw. At kung hindi ako nagkakamali, isang Ninth Grade Vicious Beast iyon.”

Seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Zed. Napatango na lang sina Crypt at Finn—malinaw na sang-ayon sila sa sinabi ni Zed.

“Bukod sa mga Forbidden Places, ang Endless Sea ang pinakadelikadong lugar sa kontinenteng ito. Maraming kapangi-pangilabot na halimaw rito, at napakarami ring Ninth Grade Vicious Beast ang naninirahan dito,” seryosong ekspresyong hayag ni Crypt. “Teritoryo ng Underwater Kingdom ang Endless Sea, pero, hindi nila kontrolado ang buong karagatan dahil hindi nila kayang kontrolin ang mga halimaw na naninirahan dito.”

Nakinig si Finn at Zed sa pagsasalaysay ni Crypt. Alam na ni Zed ang tungkol dito habang si Finn naman ay gusto niya pang mas maunawaan kung ano ang mayroon sa Endless Sea at Underwater Kingdom.

“Sa totoo lang, ang mga kalahating-demonyo, vicious beast at beastman ang kawawa sa kontinenteng ito, at iyon ay dahil sa mga taong ganid at sakim—halimbawa na riyan ang imperial family at banal na simbahan na pinupuntirya lamang ang mga vicious beast, kalahating demonyo at beastman. Hindi nila nilalabanan o inaalipin ang mga merfolk sa publiko dahil ayaw nilang magkaroon ng away sa pagitan ng mga tao at merfolk.”

“At ang dahilan?” ngumisi si Crypt at suminghal. “Takot sila sa puwersa ng mga merfolk dahil napapaligiran ng mga merfolk ang buong kontinente.”

“Ganoon pa man, marahil malalakas ang merfolks, pero malalakas din ang mga kalaban nila dahil bukod sa mga vicious beast, hindi rin nagkakasundo-sundo ang karamihan sa angkan ng merfolk.”

“Mayroon silang hari pero, hindi lahat ng angkan ay gustong maglingkod sa hari. Mayroong mga hindi tapat at nagkakanya-kanya; isang halimbawa na riyan ang Sharkmen Clan na pumalit sa Mercrown Clan—sa dating Royal Family. Hindi ko na alam ang iba pang detalye—”

Huminto si Crypt sa pagsasalaysay. Sina Finn at Zed ay napahinto rin dahil mayroon silang naramdamang pagbabago sa kanilang paligid.

Hindi man nila kita, ramdam na raman naman nilang mayroong nakaaligid sa kanilang malaking halimaw, at hindi lang iisa ito, dalawa ang halimaw na nakaaligid sa kanila.

“Parehong may aura ng Ninth Grade Vicious Beast,” malumanay na sambit ni Finn. “Ipaubaya n’yo na sa akin ang dalawang ito. Protektahan n’yo na lang ang inyong mga sarili.”

Nagkatinginan sina Zed at Crypt. May pag-aalinlangan sa kanilang mga mata pero hindi nila pinigilan ang binata.

“Mag-iingat ka,” paalala ni Crypt.

Tumango si Finn at lumangoy pauna. Nakikiramdam siya sa kanyang paligid at ilang saglit pa, ngumiti siya at magsalita, “Maaari ba kaming makaraan ng payapa sa inyong teritoryo? Wala kaming planong manggulo, at sana ay lawakan n’yo ang inyong pang-unawa.”

Nagulantang si Zed at Crypt. Muling nagkatinginan ang dalawa at pareho sila ngayon ng iniisip.

‘Akala ko ay… lalabanan niya ang mga halimaw…’ sa isip ng dalawa. ‘Makikiusap pala siya sa mga iyon?’

Biglang umugong ang malakas at kapangi-pangilabog na halakhak sa bahaging iyong ng karagatan. Ang isa sa halalakhak ay matinis habang ang isa naman ay malalim.

Ilang saglit pa, dalawang dambuhalang pating ang lumantad sa paningin nina Finn. Ang kabuuan ng dalawang pating ay yari sa mapulang kristal. Napakalaki ng dalawang pating dahil bawat isa sa dalawang pating ay doble sa laki na tinataglay ng «Raven». Matatalim ang tingin ng dalawang pating at nakalantad ang kanilang matatalas na ngipin.

Nabigla si Finn nang makita ang dalawang pating. Napakunot ang kanyang noo habang sina Zed at Crypt ay napaisip kung anong klase ng halimaw ito.

‘Crystalized Blood Shark!’ sa isip ni Finn habang pinagmamasdan ang dalawang halimaw. ‘Medyo mahirap kalabanin ang mga ‘to… at sa laki nilang dalawa, mukhang hindi magiging madali sa aming grupo kung magkakaroon kami ng paglalaban.’

“Dalawang tao at isang beastman! HA HA HA! Ngayon na lang ulit may napadpad na ibang nilalang sa lugar na ito! Akala ko ay hindi ko na muli masisilayan ang maliliit at pipitsuging mga tao!”

“Nakikita mo ba ang katawan na ‘yan, mahal? Kayang-kaya kong durugin ang maliliit nilang katawan gamit lamang ang aking malakas na atungal!”

“Matitikman ko na muli ang sarap na tinataglay ng karne ng tao! Hindi na ako makapaghintay!”

Nang marinig ni Finn ang sinabi ng dalawang pating, napangiwi siya pero, agad din siyang makahulugang ngumiti at nagtanong, “Tinawag n’yo kami na pipitsugin at pagkain..? Sigurado ba kayong hindi n’yo babawiin ang inyong panghahamak sa amin?”

Natigilan ang dalawang pating, nagkatinginan sila at muli silang humalakhak nang sobrang lakas.

“Bawiin? Sinabi na namin, at kailanman ay hindi namin babawiin ang mga salitang binitawan namin—lalong-lalo na sa isang pipitsuging 5th Level Heaven Rank na taong gaya mo!” sambit ng mas malaking pating at mas lalong umugong ang halakhakan ng dalawa.

Napabaling si Finn sa mas malaking pating habang nakangiti pa rin. Mas malalim ang tinig ng isang ito kaya sigurado siya na isa itong lalaking Crystalized Blood Shark.

“Bibigyan ko kayong dalawa ng pagkakataon para humingi ng paumanhin. Kung hindi…” ngumisi si Finn at inilabas niya ang kanyang dalawang espadang armament. “Gagawin ko kayong sangkap at materyales para sa aking eksperimento.”

Natigilan sina Zed at Crypt sa biglang pagbabago ng ugali ni Finn. Napanganga muli sila dahil kabaliktaran na siya ngayon ng kanina niyang ipinapakita.

“Akala ko ba ay makikiusap siya..? Bakit pinagbabantaan niya na ngayon ang mga pating na ‘yun?” naguguluhang bulong ni Zed.

Hindi makapagsalita si Crypt at napatitig na lang siya sa dalawang dambuhalang pating na tahimik din at hindi makapagsalita dahil sa gulat.

“Gusto mo kaming gawing sangkap at materyales ng asawa ko..?” tanong ng babaeng pating.

“Humingi kayo ng paumanhin at paraanin n’yo kami ng payapa. Walang dahas na magaganap kung magiging payapa ang transaksyon ng ating bawat grupo,” hindi interesadong sambit ni Finn.

Biglang bumigat ang aura sa paligid. Naging handa sina Zed at Crypt habang pinagmamasdan ang dalawang pating na kasalukuyang marahas ang tingin kay Finn.

Binalewala ni Finn ang tingin ng dalawang pating. Ibinuka niya ang kanyang bibig at nagsalita, “Zed, Crypt, kayo na ang bahala sa mas mahihinang pating. Talagang hinahabol tayo ng gulo.”

Naguluhan sina Crypt at Zed sa sinabi ni Finn. Wala naman silang nararamdamang mahihinang pating sa paligid, at ang tanging nakikita lang nila ay ang dalawang pating na parehong nasa Ninth Grade.

Lilinawin pa sana ni Zed ang ibig sabihin ni Finn pero, hindi niya na naituloy ang kanyang sasabihin dahil biglang sumigaw umatungal ang lalaking pating.

“Nangahas kang pagbantaan kami sa aming teritoryo?! Hambog ka pero wala ka sa lugar!” sigaw ng lalaking pating.

Nagkaroon ng pagbabago sa katawan ng dalawang pating. Nagkaroon ng mga bukol ang kanilang katawan at ilang sandali pa, isa-isang humiwalay ang mga bukol na ito at naging animo’y mas maliit na pating.

Nabigla sina Zed at Crypt sa pangyayaring ito. Ganoon pa man, naintindihan naman nila ang ibig sabihin ni Finn kanina.

“Kung gano’n, ‘yun pala ang dahilan kung bakit sobrang laki ng dalawang pating na iyan,” malumanay na giit ni Crypt.

“Mga anak, oras na para kayo ay kumain! Siguraduhin n’yong hindi kayo magtitira ng kahit isang buto sa kanilang mga katawan!” utos ng lalaking pating sa daan-daang mga pating na lumabas mula sa katawan nilang mag-asawa.

“Yey!!”

“Kainan na!!”

“Ang liliit naman nilaa!”

Naging maliit ang dalawang dambuhalang pating kanina, ganoon pa man, mas malaki pa rin sila ng hamak sa tatlo nina Finn.

Lumangoy ang mga anak na pating patungo sa kinaroronan nina Finn. Mabibilis sila at nagsasalita sila habang sila ay mabilis na sumusugod.

“Akin ka na ngayon, bubwit!”

Mayroong pasugod na pating kay Finn at ito ay isang Eighth Grade. Nang-aasar na tiningnan lang ng binata ang pating at pinalibutan niya ng enerhiya ang kanyang espada.

Nang malapit na sa kanya ang pating, at nang makita niyang ibinuka nito ang malaki nitong bunganga, iwinasiwas ni Finn ang kanyang espada at ang pating na pasugod sa kanya ay nahati sa dalawa.

“Gusto mo akong kainin..? Hindi ka karapat-dapat,” nakangiting sabi ni Finn at agad na itinago sa kanyang walang laman ng interspatial ring ang nahating bangkay ng pating.

Napahinto ang mga pating sa pagsugod kay Finn. Napaatras silang lahat at takot na takot silang tumingin sa binata. Nakita ng kanilang mga mata kung paano balewalang hatiin ng binata ang kanilang kapatid. At hindi sila makapaniwala dahil kilala ang kanilang lahi sa pagkakaroon ng matibay na katawan dahil sa kanilang malakas na depensa.

Nagulat din sina Crypt at Zed sa ginawa ng binata. Balewala lang nitong hinati sa dalawa ang isang Eighth Grade Vicious Beast, at kung hindi sila nagkakamali, maikukumpara sa 5th Level Heaven Rank ang pating na pinatay ng binata.

Pero, ang mas ikinamangha nilang dalawa ay ang pagpaslang ni Finn nang hindi gumagamit ng skill.

“Papa… natatakot ako…”

“Masama ang taong ‘yan, Mama, Papa!”

“Pinatay ng taong ‘yun ang kapatid namin, Papa!”

Muling umalingawngaw ang boses ng mga pating, habang ang mag-asawa namang pating ay nanggagalaiti sa galit habang nakatingin kay Finn.

“Pinaslang mo ang aming anak?! Pangahas ka!” sigaw ng babaeng pating.

Napangiwi ang binata at marahang nagtanong, “Ano’ng gusto n’yong gawin ko? H’wag manlaban at hayaan na lang na lamunin ako ng isang malaking isda? Ano’ng pakiwari n’yo sa akin? Hangal?”

Mas lalong nagalit ang mag-asawa. Umatungal sila at nagbaba ng utos sa kanilang mga anak.

“Mga anak! Ang inyong puntiryahin ay ang dalawang nasa likod ng pangahas na ‘yan! Kami na ang bahalang maghiganti para sa inyong namayapang kapatid!” galit na sigaw ng lalaking pating.

Sumugod ang mag-asawang pating kay Finn habang ang binata ay hindi nagdalawang-isip na salubungin ang dalawang pating.

“ROAR!”

Inihanda niya ang kanyang espada, nilagyan niya ang mga ito ng enerhiya at bahagyang iwinasiwas sa lalaking pating na nangunguna.

BANG!!!

Tumalbog ang espada ni Finn at napaatras siya dahil sa lakas ng pwersa. Naramdaman niyang nanginig ang kanyang kamay pero hindi siya huminto sa pag-atake sa dalawang pating.

Nagsimula na rin ang mas mahihinang pating na umatake. Pinalibutan ng mga ito sina Zed at Crypt, at sa sandaling iyon, mas lalong naging magulo ang bahaging iyon ng karagatan.

CLANG! CLANG! CLANG!

BANG!

Iwinasiwas lang nang iwinasiwas ni Finn ang kanyang espada tungo sa matigas na katawan ng mag-asawang pating. Hindi niya tumatalab ang talim ng kanyang espada pero, hindi naman siya nangangamba dahil hindi naman buong lakas niya ang kanyang ginagamit sa pag-atake.

BANG!!

Pagkatapos umalingawngaw ang malakas na pagsabog, umatras si Finn at nagsalita, “Kahanga-hanga. Kahit ang aking mga espada ay hindi tumatalab sa inyong matibay na pangangatawan.”

Makikita sa likod ng binata ang haligi. Nakatayo lamang siya sa harapan ng haligi habang pinupuri ang depensa ng dalawang pating.

Samantala, humalakhak ang lalaking pating at nagmamalaking tumugon, “Kaming mga Crystalized Blood Shark ay mayroong matibay na depensa—lalong-lalo na kaming mag-asawa. Ano’ng magagawa ng iyong hamak na espada sa aming katawan?”

Nanghahamak na tiningnan ng dalawang pating ang binata habang animo’y nakangisi.

“Tama, kaya pinupuri ko kayo,” sabi pa ng binata. “Ang inyong bangkay ay may mataas na kalidad ng sangkap at materyales. Kahit na mahihina pa kayo, magagamit ko ang inyong bangkay sa hinaharap sa pagbuo ng aking mga kayamanan.”

“Pangahas ka!” sigaw ng mag-asawang pating.

Ibinuka ng mag-asawang pating ang kanilang mga bunganga at may namuong marahas na enerhiya rito. Hindi nagtagal, pinakawalan din nila ang enerhiyang ito at isang linya ng liwanag ang mabilis na sumugod sa binata.

Sobrang bilis ng pag-iipon ng enerhiya. Napakawalan agad ng mag-asawang pating ang kanilang enerhiya habang si Finn naman ay walang kibo at nanatiling nakasandal sa haligi.

SWOOSH!

Hindi siya umalis sa kanyang puwesto, hinintay niya lang na tumama ang atake sa kanyang kinaroroonan.

BANG!!!

Umalingawngaw ang napakalakas na pagsabog. Yumanig haligi at nagbagsakan ang tipak ng lupa. Kumalat ang kayumangging kulay ng tubig at naging malabo ang bahagi ng karagatan kung saan nakatayo kanina si Finn.

Pagkatapos ng sabay na pag-atake, hindi huminto roon ang mag-asawa; nagpatuloy sila sa pagpapakawala ng ganoong uri ng atake at habang tumatagal, mas bumibilis pa sila.

BANG! BANG! BANG!

Lumakas nang lumakas ang pagsabog. Nakabibingi na sa paligid habang kumakapal na ang kulay kayumangging tubig at nagbabagsakan na ang malalaki at maliliit na tipak ng bato.

“Hindi mo dapat kami kinalaban, pangahas na tao!” sigaw ng babaeng pating at muli, ibinuka ng mag-asawa ang kanilang mga bunganga at nag-ipon ng napakalaking enerhiya sa kanilang bibig.

Lumaki nang lumaki ang enerhiya, marahas din ito at kumpara sa mga unang atake, hindi hamak na mas malakas ito.

Ilang saglit pa, bago pakawalan ang atake, umalingawngaw ang malakas na sigaw dalawang pating, “MAMATAY KA NA, PANGAHAS NA TAO!”

SWOOSH!

BANG!!!

Nang mapakawalan ng dalawa ang kanilang pinagsanib na atake, muling nagkaroon ng malakas na pagsabog at na-alarma rito sina Zed at Crypt na kasalukuyang nakikipaglaban sa mas mahihinang pating malayo kay Finn.

Hindi sila makaalis sa kanilang kinaroroonan, ganoon pa man, madali lang sa kanila na labanan ang kanilang mga kalaban dahil sa kanilang malalakas na sandata at atake. Hindi sila nahihirapan, at sa tuwing makapapatay sila ng Crystalized Blood Shark, inilalagay nila iyon sa kanilang interspatial ring.

“Ano kaya ang nangyayari kay Kaibigang Finn? Ayos lang kaya siya roon?” nag-aalinlangang tanong ni Zed.

Hindi sumagot si Crypt, bagkus nanahimik lang siya habang pinagsusuntok ang mga pating na umaatake sa kanya.

“Hmph! Kung hindi ako nagkakamali, ang napakalakas na atakeng iyon ay ang Water Explosion Beam ng aming mga magulang. Paano makaliligtas ang isang tao sa espesyal na atake ng aming mga magulang na nasa Ninth Grade Vicious Beast?” pasinghal na sabi ng isang Eighth Grade Vicious Beast na pating.

Suminghal naman si Crypt at sinugod ang pating na pinanggagalingan ng tinig. Hindi niya pinansin ang mga sumusugod sa kanya dahil ang kanyang puntirya ay ang nagsalitang pating lamang.

Natakot naman ang pating na nagsalita pero, sinugod pa rin niya si Crypt kasama ang iba pang pating .

“Hmph!”

Samantala, humalakhak naman nang humalakhak ang dalawang pating habang nakatitig sa makapal na kulay kayumangging tubig.

Humahalakhak ang mag-asawang pating na para bang nasa kanila na ang tagumpay.

“Sigurado akong kahit isang buto ay wala nang matitira sa pangahas na taong iyon! Sino siya para tingnan tayo bilang sangkap at materyales?!” giit ng lalaking pating.

“Ang mga gaya niyang pangahas na tao ay namamatay ng maaga! Malakas siya, pero, sa lakas ng ating pinagsamang atake, wala siyang kuwenta!” dagdag naman ng babaeng pating.

Humalakhak muli ang dalawang pating. Napakalakas ng paghalakhak nila, pero, kahit na ganoon, napahinto pa rin sila nang may marinig silang mahinang palakpak sa kanilang pagitan.

CLAP! CLAP! CLAP!

Dahan-dahang napatingin ang dalawang pating sa kanilang kaliwa’t kanan. Nakita nila si Finn na malapad na nakangiti habang mabagal na pumapalakpak.

“Ang atakeng iyon ay talagang kahanga-hanga!” masiglang giit ng binata. “Nakalulungkot lang dahil mali kayo ng pinatatamaan.”

Muling inilabas ng binata ang kanyang dalawang espada. Namuo ang enerhiya sa kanyang palibot at sa isang saglit lang, ang kanyang malapad na ngiti ay nagbago; nagkaroon ng panghahamak sa kanyang mga ngiti habang pinagmamasdan ang gulat na gulat na mga mata ng dalawang pating.

“Paanong…”

Nakaramdam ang dalawang pating ng malakas na enerhiya. Sobra silang natakot dahil sobrang lakas ng enerhiya ng dalawang espada ni Finn. Ngayon pa lang nila naramdaman ang ganoon kalakas na enerhiya kaya isa lang ang nasa isip ng dalawa; ang tumakbo at umiwas sa atake ng binata.

Agad na tumakbo ang dalawang pating na para bang pareho sila ng iniisip. Malinaw na takot na takot sila sa binata kaya naman ginamit nila ang kanilang bilis sa paglangoy upang makatakas mula sa kamatayan.

Ngumisi si Finn at nagsalita habang tinitingnan ang paglangoy ng dalawang pating, “Binigyan ko kayo ng pagkakataon na mabuhay, pero, sinayang n’yo iyon.”

Mayroong namuong pilak na liwanag sa dalawang espada ni Finn, nagsimula na rin siyang lumangoy at ang kanyang paglangoy ay hindi hamak na mas mabilis kaysa sa mag-asawang pating.

Hindi diretso ang paglangoy ng binata, mayroon siyang sinusunod na estilo. Umiikot ang kanyang katawan sa kanyang paglangoy at mapapansing naiiwan ang linya ng liwanag na nagbibigay ng magandang disenyo rito.

Nang maabutan ni Finn ang mag-aswang pating, dinaanan niya ang dalawang ito at nilampasan lamang. Huminto siya sa paglangoy, ganoon din ang dalawa.

Ibinababa ni Finn ang kanyang espada at dahan-dahan siyang lumingon sa dalawang pating na nasa likuran niya.

Naging kalmado ang kanyang mukha, at nang makita niya ang nanlalaking mga mata ng dalawang pating, napangiti siya.

[Seven Dual Blade Art, Second Skill: Dance of the Blade Master]

Dumating sina Zed at Crypt sa lugar at nasaksihan nila ang nangyari. Katatapos lang nilang paslangin ang mga natitirang pating at ngayon, gulat na gulat naman sila dahil sa nakikita ng kanilang mga mata.

Nahati ang bawat katawan ng mag-asawang pating sa anim na piraso. Mabagal na lumulubog ang katawan ng dambuhalang mga pating pero naging mabilis si Finn at nakolekta niya agad ang mga ito bago pa ito tuluyang makalayo sa kanya.

Ngiting-ngiti ang binata habang hinahawakan ang kanyang interspatial ring. Napabaling ang binata kina Zed at Crypt na kasalukuyang hindi makapaniwala sa kanilang nakita.

“Hindi na masama ang mga nakolekta nating kayamanan. Sobrang makatutulong ang mga ito, lalong-lalo na sa akin,” nakangiting sambit ng binata.

Nagkatinginan na lang sina  Zed at Crypt. Hindi nila mahanap ang angkop na mga salita para sabihin ang nais nilang sabihin.

Sa huli, naglangoy na lang sila papalapit kay Finn at nagsalita.

“Talagang napatay mo ang dalawang Ninth Gradr Vicious Beast… at nang walang kahirap-hirap…” sabi ni Zed. Kinuyom niya ang kanyang kamao at nagpatuloy, “Makakaya ko rin ‘yun sa hinaharap!”

Tumango-tango si Finn at sumang-ayon, “S’yempre naman! Sigurado akong hindi lang basta-basta Ninth Grade o Heaven Rank ang mapapaslang n’yo sa hinaharap basta magpapatuloy kayo sa pagsasanay ng inyong mga Foundation Art.”

Inilahad ni Crypt ang interspatial ring na naglalaman ng nakolekta niyang mga bangkay ng Crystalized Blood Shark kay Finn.

“Ito ang mga nakolekta kong bangkay ng Crystalized Blood Shark. Tanggapin mo,” seryosong sabi ni Crypt.

Napakunot ang noo ng binata pero hindi niya agad tinanggap ang alok ni Crypt. Seryoso siyang tumingin kay Crypt at nagwika, “Bakit mo ibinibigay sa akin ‘yan? Pinaghirapan mo ang mga kayamanan na ‘yan kaya nararapat lang na itago mo ang mga ‘yan.”

Umiling si Crypt at tumugon, “Wala akong paggagamitan nito. Wala akong ikalawang propesyon, habang ikaw, napakarami mong propesyon na mapaggagamitan ng mga kayamanan na ito.”

“Isa pa, hindi ko kailangan ng mga ganitong kayamanan sa ngayon. Hindi ko naman na kailangang ibenta ang mga ito dahil sapat na sa akin ang mga Heaven Armaments na galing sa’yo,” dagdag pang paliwanag ni Crypt.

Sandaling nag-alinlangan si Finn pero sa huli, tinanggap niya rin ang alok ni Crypt.

“Sa hinaharap, babayaran na lang kita. Kailangang-kailangan ko ito para sa aking mga eksperimento,” nakangiti at nananabik na sabi ni Finn.

Samantala, si Zed naman ay hindi nagdalawang isip na ibigay rin ang interspatial ring niya kay Finn. Kapareho lang ng dahilan ni Crypt ang dahilan ni Zed kaya naman tinanggap na rin ito ng binata.

“Ngayon na wala ng sagabal sa ating paglalakbay, dapat na tayong magpatuloy upang marating ang kahit anong angkan ng merfolk sa Underwater Kingdom,” sambit ng binata.

Tumango sina Zed at Crypt bilang pagsang-ayon at muli, silang tatlo ay nagpatuloy sa kanilang paglangoy at paglalakbay sa ilalim ng karagatan.

Napadaan ang tatlo sa isang maliwanag at payapang bahagi ng kagubatan. May mga halimaw sa paligid pero hindi mababangis ang mga ito. Dumadaan lang ang mga ito at hindi sila umaatake.

Habang patuloy na naglalakbay, may biglang napansin si Finn hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan.

Napukaw ng isang grupo ng animo’y mga taong-lobster kanyang atensyon. Napakarami ng mga ito at hindi lang purong mga taong-lobster ang kasama sa grupo. Mayroon ding mga halimaw na maihahalintulad sa lobster at iba pang uri ng halimaw.

Natuwa si Finn, pero, mas natuwa siya nang may makita siyang pamilyar na hitsura ng isang halimaw na kasa-kasama ng mga taong-lobster at ng iba pang halimaw.

Nagbago ang laki ng halimaw na ito pero kitang-kita pa rin ni Finn ang pagkakapareho nito sa halimaw na nagdala sa kanya sa Dark Continent.

“Isang grupo ng merfolk!”

“… at hindi ako maaring magkamali, si Emilia ‘yun!” sambit ni Finn habang nakatitig sa isang malaking balyena na kasa-kasama ng mga taong-lobster.

--

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz