Chapter XXXII

5.7K 838 84
                                    

Chapter XXXII: Plotted, Reunite

Tumarak ang sibat ni Serpentos sa leeg niya. Bumulwak ang dugo sa kanyang bibig habang gulat na gulat pa rin siya sa surpresang atake sa kanya ng kanyang pinaka pinagkakatiwalaang tauhan. Hindi niya inaasahan na tatraydurin siya ni Serpentos. Gusto niyang itanong kung bakit niya ito nagawa, pero, hindi siya makapgsalita dahil butas na ang kanyang lalamunan.

Malamig namang tiningnan ni Serpentos si Sharkim sa mga mata nito. Itinuon niya ang kanyang enerhiya sa kanyang sibat at buong lakas niyang hiniwa ang leeg ni Sharkim upang putulin ang ulo nito.

SWOOSH!!!

Dahil sa lakas ng puwersa, nahiwa ang leeg ni Sharkim at tumilapon ang pugot nitong ulo palayo. Mulat na mulat pa rin siya at halatang-halata naman na hindi niya matanggap ang kanyang kamatayan.

Hindi niya napansing buhay pa si Serpentos. Hindi niya ito naramdaman kanina at inakala niyang namatay na ito dahil kay Finn. Hindi niya rin ito napansin noong nagtatago ito sa ilalim at noong pasugod ito sa kanya dahil ang kanyang atensyon ay kay Finn lamang.

Ngayon, dahil sa kanyang pinaka pinagkakatiwalaang tauhan, ang lahat ng kanyang pangarap at hangarin ay rito na nagtatapos. Wala na siya, patay na siya at kasabay ng pagbagsak ng Trident of the Sea at ng katawan niya sa buhangin ay ang paglalaho ng kanyang marka sa mga pag-aari niyang kayamanan.

Samantala, sakto namang pagbagsak ni Sharkim sa buhangin ay ang pagdating nina Marayon at ang kanyang mga tauhan. Pagkatapos ng halos anim na araw na paglalakbay, sa wakas nakaabot sila rito. Kasa-kasama nila ang grupong Dark Crow at ang kanilang naabutang tanawin ay talaga namang gumulat sa kanila.

Ginamit na nila ang kanilang pinakamabilis na paraan ng paglalakbay para lamang marating ang Dark Sea. Hindi sila nagpahinga kahit sandali dahil alam nilang ang kaharian at si Melissa ay nasa panganib.

“Ano’ng nangyayari..? Ang lahat ba ng ito ay ginawa ni Finn mag-isa?” tanong ni Gin sa kanyang sarili.

Nagkalat ang mga nagkalasog-lasog na bangkay sa buhanginan. Patay na rin si Sharkim habang si Melissa, kasalukuyang papunta si Melissa sa kanilang direksyon at kasunod niya si Reden.

Naalerto ang mga naroroon, pero, agad na nagsalita si Zed, “Kapitan. Ang nilalang na iyan ay si Reden, ang manika ni Kaibigang Finn. Siya ang sinasabi kong nagbantay sa akin habang ako ay nagpapagaling sa isang kuweba.”

Napatango si Gin at nakahinga siya ng maluwag. Nakararamdam siya ng panganib tungo kay Reden, pero, nang mapag-alaman niyang manika ito ni Finn, napanatag na rin siya.

Dumating sina Melissa at Reden sa kinaroroonan ng Dark Crow. Makikita ang labis na galak at tuwa sa mukha ni Melissa habang pinagmamasdan na kumpleto na ang kanilang grupo.

“Masaya ako dahil kompleto kayo… masayang-masaya talaga ako…” naluha si Melissa at hindi niya na napigilang mapahagulgol.

Sa kabilang banda, pinanood ni Marayon ang pangyayaring ito nang may malungkot na ekspresyon. Para bang sumikip ang kanyang dibdib nang makita niyang hindi sa kanya nagtungo ang kanyang anak. Malungkot siya, pero, wala siyang magagawa dahil inaasahan niya nang may lihim na galit pa rin sa kanya ang kanyang anak.

“Kamahalan…” hindi na napigilan ni Emilia ang kanyang sarili.

Tumango si Marayon kay Emilia at bahagyang ngumiti, “Pumunta ka na sa tabi niya. Sigurado akong hinihintay ka na rin niya, Emilia.”

Makikita ang pasasalamat sa mga mata ni Emilia noong tumingin siya kay Marayon. Agad din siyang mabilis na lumangoy patungo sa kinaroroonan ng Dark Crow habang sina Marayon naman ay sumeryoso ang ekspresyon habang nakatingin kay Finn at Serpentos.

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें