Chapter XIX

6.2K 936 109
                                    

Chapter XIX: The Gathering

Nang makarating sina Finn sa pribadong gusali na nakalaan para sa Monster Lobster Clan, agad na nagtungo sina Finn, Zed at Crypt sa isa sa mga silid at sabay-sabay nilang inalis ang kanilang saklob ng kanilang mga balabal. Kakausapin pa nina Monroe at Emilia ang pamunuan ng Monster Lobster Clan at ang ibang angkan tungkol sa pagsama nila sa bubuuing alyansa ng mga merfolk at vicious beast pang-karagatan kaya naman pinayuhan muna ng mga ito sina Finn na magpahinga.

Tumingin ang tatlo sa isa’t isa at kasalukuyang may taimtim na ekspresyon ang makikita sa kanilang mga mukha.

Walang tubig sa loob ng gusali kaya naman mas komportable na ang tatlo, ganoon pa man, kahit komportable na sila sa kanilang kapaligiran, hindi sila natutuwa sa nangyari kanina.

“Ang dalawang isdang iyon ay talaga namang nakakapag-painit ng dugo ko,” malamig na sabi ni Crypt habang nakatingin sa ibang direksyon.

Ang tinutukoy niya ay walang iba kung hindi sina Ranko at Hason.

“Hmph. Halatang wala silang pakialam sa pagdating ng grupo nina Emilia. Ginawa pa nila tayong dahilan para pa-komplikaduhin ang sitwasyon,” pasinghal na pagsang-ayon ni Zed. “Tama nga talaga si Melissa—mapagmalaki nga talaga ang mga miyembro ng Jawfish Clan.”

Umiling si Finn at nagkomento, “Pero mas mabuti kung mananahimik na lang tayo at magtitiis. Taga-labas tayo at mayroon silang batas na sinusunod. Kung talagang hindi tayo tanggap ng iba pang angkan, aalis tayo at kikilos tayong tatlo ng tayo lang.”

“Kahit na mas maganda ang may kinabibilangang alyansa, kaya naman nating gumawa ng sarili nating paraan para iligtas sina Kapitan. Hindi natin sila kailangan lalo na kung sasagabal lang sila sa atin,” dagdag pang sabi ni Finn.

Habang pinagmamasdan si Finn, hindi mapigilan ng dalawa na balikan ang pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hinarap ni Finn ang dalawang Ninth Grade na Crystalized Blood Shark at pinaslang niya ang dalawa nang walang kahirap-hirap gamit ang isang kahanga-hangang atake.

Isa pa, mas lalo silang humanga sa tinataglay ni Finn na dalawang elemento. Pareho na nilang nasaksihan iyon at talaga namang napanganga sila dahil sa galing ni Finn sa paggamit ng kanyang dalawang elemento.

“Dahil sa ibinigay mong mga Heaven Armament at Foundation Art, kayang-kaya ko na ring lumaban sa 9th Level Heaven Rank o Ninth Grade Vicious Beast. Kaunti na lang at magagawa ko na ring paslangin ang mga nasa gano’ng antas nang walang kahirap-hirap,” sabi ni Crypt habang nakakuyom ang kanyang kamao.

Tumango si Zed at sumang-ayon, “Kahit na hindi ko pa kaya ang isang 9th Level Heaven Rank, kaya ko namang labanan ang mga 7th Level at 8th Level Heaven Rank. Kakailanganin ko pa rin ng kaunting panahon para maibalik sa dati ang pundasyon ko.”

Tumango si Finn sa dalawa at ngumiti, “Alam kong hindi kayo pangkaraniwan lang. Ang pakiusap ko lang ay h’wag n’yo munang ilabas ang inyong mga Heaven Armament hangga’t maaari upang hindi tayo maka-imbita ng kalamidad.”

“Nasa teritoryo tayo ng isang angkan kung saan hindi natin alam kung kalaban o kakampi. Kailangan pa rin nating mag-ingat,” dagdag pa ni Finn.

“Naiintindihan namin,” agad na pagsang-ayon nina Zed at Crypt.

Pinagmasdan ni Finn ang buong silid. Bukod sa ilang upuan, lamesa at mga palamuti, wala nang ibang makikita pang kagamitan doon. Napahawak si Finn sa pader at napangiti siya.

“Kahit na hindi kanais-nais ang pag-uugali ng mga miyembro ng Jawfish Clan, maayos naman sila pagdating sa mga silid na kanilang ipinapagamit,” nakangiting sabi ni Finn habang pinipitik ang haligi.

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Where stories live. Discover now