Chapter XIV

6.7K 920 109
                                    

Chapter XIV: Gifts

Isang oras nang walang hinto sa pagpalahaw at pagmamakaawa si Crome. Bawat butas sa kanyang katawan ay dinudugo na rin habang ang kanyang balat habang tumatagal ay nagbabago ng kulay. Pahina na nang pahina si Crome habang ang insekto naman sa kanyang katawan ay dahan-dahan pa rin sa pagkain ng kanyang kalamnan at lamang-loob.

“P-Pakiusap… p-patayin n’yo na lang ako… patayin n’yo na lang ako!” nanghihinang pagmamakaawa ni Crome kina Crypt at Albos.

Takot si Crome na mamatay, pero, kung ang ibig sabihin ng pananatiling buhay ay ganitong paghihirap, mas gugustuhin niya na lang na mamatay kaysa makaramdam ng sakit at pagdurusa.

Ang pakiramdam na kinakain ang kalamnan at lamang loob ay hindi niya na makayanan pa, dagdagan pa ng kirot ng pagkatanggal ng kanyang anit at pagkaputol ng kanyang dalawang kamay.

Malinaw na sa kanya na hindi na siya mabubuhay, pero, hindi niya gustong magpatuloy ang ganitong sitwasyon kung saan unti-unti siyang pinapatay ng sobrang pagdurusa.

“N-Nagmamakaawa ako… P-Patayin n’yo na lang ako… Gusto ko nang mamatay…” ulit pang pagmamakaawa ni Crome habang hinang-hina na nagpapapadyak sa lupa.

Malamig pa rin ang tingin ni Crypt kay Crome habang si Albos naman ay para bang walang naririnig.

Suminghal si Crypt at nakangising nagsalita, “Kahit gustuhin mo pang magpakamatay, hindi mo ‘yun magagawa. Selyado ang iyong soulforce coil at soulforce pathway kaya wala ka nang magagawa kung hindi ang hintayin ang iyong unti-unting kamatayan.”

Nawawalan na ng buhay ang mga mata ni Crome. Hinang-hina na talaga siya at pabagal na rin nang pabagal ang pagpadyak niya sa lupa.

“Isa kang… Isa kang h-halimaw!” pilit na sigaw ni Crome.

Humalakhak si Crypt at agad na tumugon, “Oo. Isa akong halimaw, at hindi ko itatanggi ‘yon. Pero, nais kong ipaalam sa’yo na tuluyan akong naging halimaw dahil ikaw ang gumawa sa’kin nito.”

Hindi na nakatugon pa si Crome. Humiyaw na lang siya nang humiyaw habang mabagal na pumapadyak sa lupa. Lumalalim na ang bawat paghinga niya, at hindi na rin ganoon kalakas ang kanyang pagpupumiglas.

Pagkatapos ng ilang minuto, bigla na lamang huminto si Crome sa kanyang paghiyaw. Hindi na rin siya pumapadyak sa lupa at ang kanyang ulo ay nakatungo na.

Napakahina na ng pagtibok ng puso ni Crome. Nalalapit na siya sa kamatayan. Pagod na rin siyang magkumawala at magsisigaw. Mamamatay na siya, at alam niyang hindi na siya tatagal ng ilan pang minuto.

“Malapit na siyang mamatay,” taimtim na ekspresyong sambit ni Albos.

Tumayo muli si Crypt at hinugot ang isa sa mga sulong nakatarak sa pader. Lumapit siya kay Crome malamig ang mga tingin ni Crypt kay Crome at ilang sandali pa, hinang-hinang tumingala si Crome kay Crypt at halos nakapikit na siya.

Naaaninag niya pa rin ang mukha ni Crypt, at nakikita niya ang sulong hawak nito.

“P-Patayin… mo… na… ako…”

Mayroon pang sinasabi si Crome pero hindi na maintindihan ang mga salita niya. Ganoon pa man, naiintindihan pa rin iyon ni Crypt. Nakikiusap at nagmamakaawa na si Crome, at iyon ang gustong-gusto niyang marinig mula rito.

“Ang makaranas ng buhay na mas malupit pa sa kamatayan ay hindi sapat sa para pagbayarin ka sa iyong masasamang gawain… Ganoon pa man, hayaan mong pagbigyan kita sa iyong pagmamakaawa,” hayag ni Crypt.

Naglabas si Crypt ng alak mula sa interspatial ring na pagmamay-ari ni Crome. Ibinuhos niya ito kay Crome at ilang saglit pa, inihagis niya ang sulo kay Crome na naging dahilan ng pagliyab ng katawan nito.

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Where stories live. Discover now