Chapter XXII

5.9K 890 74
                                    

Chapter XXII: Attack!

Sa Kaharian ng Beastman, malapit sa tarangkahan, mapapansin ang napakaraming beastman na nakahanay ng matuwid at maayos. Daang-libong mga beastman ang nakahanay at lahat sila ay nakayukod. Mayroong mga dalang bandila ang mga kawal na nasa unang hanay at nakaburda sa bandilang ito ang simbolo ng Kaharian ng Beastman. Bawat isa sa beastman ay may seryosong ekspresyon sa kanilang mukha at bawat isa sa kanila ay mapapansing kompleto sa baluti at sandata.

Sa kanilang hitsura at dami, malinaw na naghahanda silang umalis para magtungo sa isang digmaan.

Handa na silang makidigma sa mga tao, at ito ay dahil sa malaking pagbabago ng isip ni Haring Eregor. Naghanda sila ng halos isang buwan para rito—nangalap ng mga mandirigmang may kakayahang lumaban, naghanda ng maraming kagamitan, sandata at baluti at bumuo ng plano kung paano sila dadaan sa Great Beastial Forest at kung paano nila aatakihin ang mga teritoryo ng Imperyo ng Rowan.

“Aking mga mandirigma!” sigaw ni Eregor na kasalukuyang nasa harapan ng mga nakahanay na beastman. Pinasahadahan niya ng tingin sina Zigar at ang iba pang pinuno na nakayukod din at nangunguna sa hanay. “Ito na ang pinakahihintay nating sandali sa tinagal-tagal ng panahon nating pagtitis! Ilang siglo na tayong tinatapakan, inaalipusta at inaalipin ng sakim at ganid na mga tao! Dapat na natin itong tuldukan dahil hindi tayo maaaring magtiis na lamang habang-buhay!”

“Kailangan nating lumaban para sa ating kalayaan—sa kalayaan ng mga beastman na nasa teritoryo ng mga tao! Kailangan nating bigyan ng hustisya ang mga namatay na walang kalaban-laban dahil sa kanilang kasakiman at baluktot na paniniwala! Kailangan nating lumaban para sa ating lahi at dignidad, at ako, si Eregor Leonis, ang ika-limampu’t siyam na Hari ng Beastman Kingdom ay handang makipaglaban hanggang kamatayan maibigay ko lamang sa susunod na henerasyon ang kalayaang minimithi ng aking mamamayan!”

ROAR!!!

Umatungal si Eregor ng paglalakas-lakas. Sunod-sunod na umatungal ang mga kawal at pinuno ng bawat tribo.

“Mabuhay ang Kamahalan! Kalayaan para sa Beastman Kingdom!” sigaw ni Zigar.

“Mabuhay ang Kamahalan! Kalayaan para sa Beastman Kingdom!”

“Mabuhay ang Kamahalan! Kalayaan para sa Beastman Kingdom!”

“Mabuhay ang Kamahalan! Kalayaan para sa Beastman Kingdom!”

Sunod na sumigaw ang mga kawal. Punong-puno ng determinasyon at tapang ang kanilang tono. Iilan lamang ang kinakabahan habang ang mga eksperto na sa digmaan ay seryoso lang ang ekspresyon habang nakayukod.

Kung ito ay noon, marahil matatakot silang makidigma sa Imperyo ng Rowan. Hindi lang sila kulang sa bilang ng mga kawal at mandirigma, kulang din sila sa kalidad at mga kagamitan upang lumaban. Kung noon, wala silang pag-asang manalo, ngayon, nagbago na ang kanilang pananaw.

Mayroon na silang pag-asang manalo, at iyon ay dahil sa kanilang haring si Eregor, sa pinuno ng White Lion Tribe na si Zigar at protektor ng kaharian na si Castro.

Nalampasan na nila ang pagiging Heaven Rank, nalampasan na nila ang limitasyon ng mundong ito kaya ang tingin na ng mga kawal at tauhan nila sa kanila ay mga diyos.

Mayroon na silang pag-asang manalo dahil may kasama na silang mga adventurer na may lakas na maikukumpara sa lakas ng diyos; iyon ang tingin nila.

Hindi rin sila natatakot na iwan ang kaharian dahil nakalabas na ang kanilang dating hari na si Eregario mula sa pagsasanay nito. Ang dating hari na muli ang nagbabantay sa kaharian habang may mga naiwan naman sa bawat tribo upang masiguro na hindi mapuputol sa panahong ito ang henerasyon ng bawat lahi ng beastman.

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Where stories live. Discover now