B'sHeart#01[UNEDITED]

14.4K 276 7
                                    

" Sir, hindi po tumitigil si Mr. Remus na mapasok ang company" nahilot ni Yexel ang kanyang noo sa dami ng iniisip. Kailan ba titigil ang kapatid nya sa panggugulo sa kanya?. Marami syang trabaho dahil mas pinapalawig nya pa ang sakop ng negosyo nya. Sya na ang nangunguna sa Asia at ang plano nya ay pasukin ang Europe kung saan nangunguna ang negosyo ng kapatid nyang si Remus. Ang negosyo nito ay minana nito sa kanilang ama na nagawa nitong palaguin.

Hindi sya malapit sa pamilya nya dahil ang totoo ay galit sya sa mga ito, his father hide him for a long time, hindi sya nito pinapakilala sa iba, ni hindi nga alam ng mga tao na may bunso pa itong anak at dahil yun sa may sakit sya.

Ang katwiran ng ama nya ay hindi sya maaaring ma expose sa public dahil maaapektuhan daw ang kalusugan nya. Mahina ang puso nya at hindi nya kaya ang makaramdam ng mga sobra-sobrang emosyon, hindi sya pwedeng maging sobrang saya, hindi sya pwedeng magulat, matakot o ano man pero lahat ng iyun ay puro kalokohan lang sa kanya. Alam nyang iba ang dahilan ng ama nya sa pagtatago nito sa kanya, anak sya nito sa labas. Yeah, manloloko ang ama nya, niloko nito ang asawa nito at sya ang naging bunga.

Ngayon ang XelApp Technology ay nangunguna na sa larangan ng technolohiya, hindi lang sa app developing kundi pati sa paggawa at pagdedevelop ng mga computers, cellphones, at iba't - iba pang gadgets. His name is also known not only in asia but also globally.

Ang kamay na nasa noo ay nalipat sa dibdib nya nang manakit iyun, napapadalas na ang pananakit ng dibdib nya. 'Mr. Muller kailangan mo nang maghanap ng heart donor. Mahirap makahanap ng heart donor sa panahon ngayon dahil maraming nangangailangan pero swerte na ang magkaroon ng isang puso sa loob ng isang taon. Mas lalong humihina ang puso mo at mahaba na ang 8 years na itatagal ng karaniwang pagtibok ng puso mo' napapikit sya nang maalala ang sinabi ng kaibigan nyang heart specialists. Muntik na nyang makalimutan na walong taon nalang pala ang itatagal ng buhay nya.

" Sir, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa kanya ng secretary nya na hindi nya sinagot. Hangga't maaari ayaw nyang magmukhang mahina. " Sir, ang puso nyo nanaman ba ulit? Magpacheck up na ho kayo" nanginginig sa kaba ang boses nito pero umiling sya.

" Kahit magpa check up ako, wala ring magbabago" aniyang napapangiwi sa sakit. Hinihilot nya ang dibdib at nagbabakasakaling mababawasan ang sakit pero walang epekto kundi mas lalo pa itong sumasakit. Napadaing sya't napasandal sa mesa, mas masakit ito kumpara sa mga naunang araw.

" Sir, ano ba. Edi mag pa opera na kayo" natataranta itong lumapit sa kanya. Hindi nito alam kung saan sya hahawakan, nawawala ito sa sarili. Gusto nya itong pakalmahin pero mas sumasakit ang dibdib nya. Napadaing nya nang para itong dinudurog sa sakit, nangingilid na rin ang luha nya sa panghihina pero hinding - hindi sya magpapa opera, hinding- hindi.

Hindi nya mapagkakatiwalaan ang kahit sino mang doktor dahil sa dami ng mga kalaban nya sa negosyong gusto syang patahimikin. Maraming nagtatangka sa buhay nya kaya wala syang mapagkakatiwalaan. Kailangan nya pang manguna sa Europe, kailangan nyang mas angatan ang ama nya nang sa gayun ay maipamukha nya sa ama nya ang ginawa nito sa kanya, walong taon pa, kakayanin nya pa sa loob ng walong taon.

" Sir, ano nang gagawin ko, sir... kaya nyo pa po ba?" Natatarantang tanong nang sekretarya nya na hindi nya n nagawang sagutin. Tuluyang nagdilim ang paningin nya pagkatapos ay tuluyan syang bumagsak at nawalan ng malay.

.
.
.
.
" Aenha, i-check mo yung vitals nung nasa room 17" utos ng doctor kay Aenha kaya magalang syang tumango at sinunod ang iniutos nito.

Pakanta - kanta pa sya habang naglalakad nang harangin sya ng dalawang naglalakihang lalaki na nakatayo sa harap ng pinto. " Anong gagawin mo?" Malalim ang boses ng tanong nung isa kaya napalunok sya. Presidente ba ng Pilipinas ang pasyente nila at todo ang gwardya?.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now