B'sHeart#32 [UNEDITED]

8.7K 224 9
                                    

  It was a last day for Yexel to wake up, kapag hindi pa ito nagising ay mako - comatose ito. Hawak nya ang kamay nito habang hinihintay na magmulat ito ng mga mata. Nakasuot pa sya ng doctor's robe.

Pagkatapos nyang tignan ang lagay ng mga pasyente nya ay dumidiretso sya kay Yexel. Apat na araw na rin ang lumipas simula nang matapos nila ang operation. Kailan kaya ang huling pagsubok na pagdadaanan nila?, masyado na kasing marami kung bibilangin nya.

  "He will wake up, don't think too much" nabaling ang tingin nya sa kuya ni Yexel na si Remus. Inilapag nito ang dalang paper bag na paniguradong may laman na pagkain.

  "That's true, nagawa ngang makipaglaban kay kamatayan kay Sleeping fairy pa kaya?" Napangiti sya nang sumunod na pumasok ay si Thaddeus na sinusundan ni Weyn at Kiel.

  "Arew is a strong man" si Weyn naman ang nagsalita. Tumayo ito sa tabi nya't pinakatitigan ang natutulog na si Yexel. "Baka sinusulit nya lang ang tulog nya, di ba masyado syang pagod?" Dagdag pa nitong tinanguan nya. Siguro nga pagod lang ito.

  "I still can't believe that you and Arew have something " natawa sya sa tinuran ni Kiel na sinigundahan ni Weyn. Napailing si Weyn at pumihit paharap sa kanya.

  "So, It's Arew. Yung dapat na binugbog ng ate mo't hindi si Thaddeus?" Nanlaki ang mga mata nya ng balingan ng tingin si Thaddeus ay nakanguso ito at tumango sa kanya.

  "You're sister beaten me because he thought it was me who did something miraculous to you. But it was fine, Arew have a weak heart, kung sya ang binugbog ng ate mo baka hindi makabuti sa kalusugan nya" parang may humaplos sa puso nya ng marinig ang tinuran ni Thaddeus. Mabuti nalang at may ganitong kaibigan si Yexel, well he deserves them because Yexel is a good man.

  "Paano kayo nagkakilalang dalawa?" Bigla nalang tanong ni Weyn.

  "Di nyo alam?" Biglang sabat ni Thaddeus kaya dito nabaling ang tingin ng lahat. "Ayt, di talaga kayo updated, soon makichismis din kayo" taas-taas ang kilay na sabi nito. Pansin nyang sa lahat ng kaibigan ni Yexel ay ito ang may pinakamaraming alam na sekreto.

  "Alam mo? Bakit hindi mo sinabi sakin?" Tanong ni Weyn na bakas ang pagkairita kay Thaddeus.

  "Because my friend told me to" maikling sagot ni Thaddeus at kinuha ang orange na nasa mini table pagkatapos ay kinagat iyun dahilan para lahat sila ay matawa.

  "Fuck, I thought apple ang kinuha ko?" Lutang sa sabi nito kaya lalo silang natawa. Nagulat si Aenah nang biglang batukan ni Remus si Thaddeus.

  "Stupid!" Panlalait nito kay Thaddeus na nginusuan lang nito.

  "Why are you always hurting me, Chili Vinegar?" Nagkatinginan sila ni Weyn sa inasal ni Thaddeus.

  "Are you two friends?" Sabay-sabay na tanong nila.

  "YEP" Proud na sagot ni Thaddeus na ikinanganga nya. Paano ba nagiging kaibigan ni Thaddeus ang halos lahat ng makilala nito?.

  "And like the both of you, I don't know how I end up being his Friend. His stupid and you know, a kind of headache." Sabi ni Remus na tinanguan ni Kiel at Weyn.

  "At least I'm a fucking handsome!" Dipensa ni Thaddeus na tinawanan nalang nya. Nababawasan ang pagod nya kapag may bumibisita kay Yexel, ang iingay kasi ng mga ito.

  Muli nyang itinuon ang buong pansin kay Yexel, gusto nya nang makita ang kulay tsokolate nitong mga mata.

  "I'll leave now, my Whisky is looking for me" paalam ni Thaddeus dahilan para balingan nya ito ng tingin.

  "Sige ingat ka, ikumusta mo narin ako kay Kimie ah" bilin nya ritong sinagot nito ng saludo. Hindi nya inalis ang tingin rito at hinintay itong makalabas ng pinto pero naiwan sa hangin ang paa nitong palabas na sana ng pinto nang may magsalita.

  "Aenah.." A week voice but like a beautiful music to hear. No one managed to move for a minute. Lahat sila ay pinoproseso sa isip ang narinig bago sila nagkatinginan at si Thaddeus ay napatakbo pabalik sa loob at lumapit sa kama ni Arew.

   "Damn! are you fucking really awake!?" Salamat sa lakas ng pagsigaw ni Thaddeus ay nagawa nyang matauhan. Kumurap- kurap sya't pumihit paharap kay Yexel.

   "Yexel.." muling nanubig ang mga mata nya nang makitang gising na nga ito. Pinilit nitong itaas ang kamay para hawakan sya sa pisngi. "Yexel.." lumuluha sa sayang tawag nya ulit sa pangalan nito.

  Ngumiti ito at pinunasan ang luha nya na hinawakan nya ang kamay nito pagkatapos ay hinalikan ang palad nito. Salamat at nagising na ito, salamat naman. Pumikit sya't sa kamay nito umiyak, napakasaya ng puso nya, hindi nya maipaliwanag.

  "Don't cry, I'm here now" pagpapakalma nito sa kanya. Naramdaman nyang may humaplos sa likod nya pero hindi na nya iyon binalingan ng tingin dahil nakay Yexel ang buong atensyon nya.

  "Thank you, Thank you for coming back to me" umiiyak na aniya. Muli nitong tinuyo ang luha nya bago nito ibuka ang bibig.

  "No, Thank you. Thank you for doing your best. Thank you for waiting for me. Thank you for loving me, Doc" kahit na luhaan ay napangiti sya. Salamat talaga at nagising na ito.

  "And remember what I told you before the operation?" Tanong nitong ikinakunot ng noo nya. Kumurap-kurap sya nang maalala iyun. Mahinang tumawa si Yexel pagkatapos at hinaplos ang pisngi nya gamit ang likod ng palad nito.

  "I can finally say it after 10 years. Aenah Rivera, I love you. " muling napalitan ang luhang tinuyo ni Yexel ng marinig nya iyun.

  "I love you even from the very beginning and I don't want you to suffer because of me. That's why I left you before, but now My Pill. My surgeon. My Aenah Rivera, I can now be with you until my last breath " puno ng pagmamahal na sabi nitong lalong nagpaiyak sa kanya.

  "Yexel... " Tanging nasabi nya't maingat itong niyakap. Sana talaga huli na itong paghihirap nila. Mahal na mahal nya ito at ngayong alam na nyang mahal rin sya nito ay hinding-hindi na sya papayag na mapalayo pa rito.

  " Finally, paglabas ni Muller sa ospital, pwede nang gumanti!" Ani Thaddeus pagkatapos ay malakas na humalakhak. Pareho silang natawa ni Yexel nang isang malakas na tunog ng pagsalpukan ng ulo at kamay ang umalingaw-ngaw sa silid.

  "Fuck you Muller!" Sigaw ni Thaddeus.

  "Who, me?" Tanong ni Remus na tinuro pa ang sarili. "Tsk, not my type Buddy" lahat ay natawa maliban nalang siguro kay Thaddeus na hindi maipinta ang mukha.

  "Disadvantaged of having many friends Montegamo, maraming babatok at sasapak sayo" dagdag pa ni Kiel na parang Robot magsalita.

  "Shut up, tanggalan kita ng batteries gusto mo?" Pananakot ni Thaddeus kay Kiel na tinaasan lang nito ng Kilay. Nagkatinginan sila ni Yexel kalaunan ay parehong natawa.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now