B'sHeart#04 [UNEDITED]

9K 215 9
                                    

Halos lumuwa ang mga mata ni Aenha habang binabasa ang price ng pagkaing nasa menu. Parang mawawalan sya ng malay habang pataas ng pataas ang presyo ng pagkain. May ginto ba sa mga pagkaing nandito?.

" Hay!" Bulalas nya't isinara ang menu na hindi na nya kaya basahin.

Ang kunot na noo ng gwapong binatang kasama nya ang bumungad sa kanya. Pilit syang ngumiti at pinilit ulit basahin ang menu pero hindi nya talaga kaya, feeling nya napakalaki ng gagastusin ng lalaking kasama nya kung oorder pa sya.

"What? You don't like it here?" Pantay ang kilay na tanong nito kaya mabilis syang umiling. " Then what?" Tanong ulit nito.

" I-ikaw nalang mag order" sabi nalang nya para matigil na ito sa pagtatanong.

" Ano bang gusto mo?" Tanong nalang nito na ikinangiwi nya. Ni steak lang nga kilala nyang pagkain sa mga nabasa nya.

" Ikaw na nga bahala" sagot nalang nyang ikinailing ng binata. Kung alam lang nya na sa ganito ka sikat at kamamahaling restaurant sila kakain edi sana di na sya sumama, duh, Emperor's taste restaurant ba naman pinuntahan nila. Meron silang sets ng mga pagkain, korean, Chinese, american, Italian at kung ano-ano pa. Kumpleto na yata lahat ng pinakasikat at pinakamamahaling mga pagkain sa mundo.

" Okay" sagot nito at ito na nga ang om-order. Hindi nya alam kung anong klaseng pagkain ang inorder nito at dahil ayaw nya mag mukhang ignorante at mukhang masarap naman ang pagkain ay kumain na sya. "You like it?" Tanong ng binatang agad nyang tinanguan dahil napakasarap nga.

" Good" sabi nito pagkatapos ay nagsimula na itong kumain. Natampal nya ang pisngi sa isiping may dumi ruon dahil hindi nawawala ang tingin ng binata sa mukha nya. Ano bang tinitignan nito ruon?.

Natapos silang kumain nang hindi inaalis ng lalaking kaharap ang tingin sa kanya. Alam nyang maganda sya pero hindi naman sya ganuon kaganda na worth it para titigan ng napakatagal. Tumikhim sya't tumuwid ng upo.

" Ano bang tinitignan mo sa mukha ko?" Tanong nya rito ng hindi makatiis. Mabilis itong nag-iwas ng tingin na ikinairap nalang nya. Ano ba talagang problema nito?.

" Tara na nga, uuwi na ako" paalam nya't nauna nang tumayo.

Sumunod lang sa kanya ang lalaki hanggang sa marating nila ang mamahalin nitong sasakyan. Gaano kaya ito kayaman?. Napailing nalang sya sa naisip, siguro malulula sya kapag ginusto nyang malaman.

" Give me your address " hindi na sya nagsalita at iniabot rito ang papel na may nakasulat na address nya. Hindi nya alam kung anong pinaggagagawa nya dahil pakiramdam nya ay sobrang napapagod na sya. Matutulog na muna sya habang wala pa sa bahay nila.

" Hey we're here" ang husky na boses ng lalaki ang gumising sa natutulog na si Aenha.

Kinusot-kusot nya ang mata bago balingan ang lalaking malapit ang mukha sa kanya. Tumaas ang kilay nya nang bumungad sa kanya ang malapad nitong ngisi. May ginawa ba ito na hindi nya nalalaman?.

" Nagising ka rin" hindi mabura ang ngisi nitong tinanggal ang seatbelt nya. Mas lalo syang na- Curious sa kung ano bang iningingisi nito nauna itong lumabas sa kanya ng sasakyan nito. "Come out" sabi pa nitong may ngisi pa rin.

Napapantastikuhan nya itong tinignan sa mata habang dahan-dahang lumalabas sa sasakyan. Inalalayan nito ang ulo nya para hindi sya mauntog hanggang sa makalabas sya. Bakit ba ito nakangisi?.

" May ginawa ka bang kalokohan?" Mapang-akusang aniya at nang may maisip ay agad nyang tinignan ang mukha sa side mirror ng sasakyan pero wala namang drawing kaya lalo syang naguguluhan.

" Ano ba? Ba't ka nakangisi? Ba't ka natatawa? Anong meron!?" Mababaliw na sya sa sobrang confuse pero nagkibit balikat lang ito.

" It's already late. Get inside" sabi pa nito at para syang itinutulak para pumasok na sa loob ng bahay na nirerentahan nya't kasama nya ang kaibigan nyang si Ashana.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon