B'sHeart#13 [UNEDITED]

7K 212 11
                                    

Pakanta - kanta pa si Aenah habang tinatahak ang daan patungong opisina ni Yexel. Ngumingiti sya sa mga empleyadong bumabati sa kanya na hindi nya alam kung bakit. Ganun na ba sya kadalas sa gusaling iyun para makilala ng mga ito?.

Nagpantay ang kilay nya nang hindi sumasagot si Hailey sa tawag nya pati si Yexel ay hindi nya macontact. Bumuntong hininga nalang sya't mas binilisan ang paghakbang, hindi rin nya maipaliwanag kung bakit sya kinakabahan. Halos patakbo nyang tinungo ang opisina ni Yexel pagkalabas na pagkalabas nya palang ng pinto.

"Sir, relax lang" boses iyun ni Hailey na nagpa-panic.

"Arew, what's happening " boses naman ng lalaking nakilala nya sa opisina ni Yexel, si Remus.

Tuluyan na syang tumakbo at nang marating ang opisina ay mabilis nyang inagaw ang nanghihinang si Yexel mula kay Hailey na umaalalay rito. Tinuwid nya ang pagtayo nito at sinenyasan si Hailey na kumuha ng mauupuan na agad nitong sinunod.

"Aenah..." nanghihinang sambit nito sa pangalan nya.

"Sshh, wag ka na munang magsalita okay?" Nagsisimula nang manubig ang mga mata nya't nanginginig na ang lalamunan nya sa kaba.

"Huminga ka ng malalim, kalma ka lang. Nandito na ako okay? Akong bahala sa l-lahat" hindi nya naiwasang pumiyok. Nanginginig na ang mga kamay nya habang pinakikiramdaman ang puso nitong napakabilis ng tibok, kailangan nya iyung mapakalma.

Tinuyo nya ang luhang tuluyang kumawala sa mga mata nya't pilit nilabanan ang maiyak nang iupo si Yexel sa upuang kinuha ni Hailey.

"Magtawag na kayo ng ambulansya, bilis" nanginginig ang boses na sigaw nya dahil hindi na nya alam ang gagawin nya.

"Kapit lang Yexel, please " tuluyan na syang naiyak nang lalo pang bumibilis ang pagtibog ng puso nito.

"Yexel..." tawag nya sa pangalan nito. Nakakapit na ito sa kanya na parang sakanya kumukuha ng lakas habang pinipilit nitong huminga ng maayos. Hirap na hirap na ito kaya lalo syang natatakot.

"Wag ka na sabing magsasalita eh" umiiyak na saway nya ng pinipilit nitong magsalita ulit. Ang balak nitong ngumiti ay nauwi sa pagngiwi. Pinilit nitong itaas ang kamay hanggang sa maabot nito ang pisngi nya. Mas lalo syang iyak nang punasan nito ang luha nya roon.

"Bakit ang tagal mo, Hailey!" Sigaw nya sa sobrang takot at pag-aalala.

"Parating na raw sila" nanginginig na rin ang boses ni Hailey gaya nya.

"Konti na lang, Yexel kapit lang ha. Sandali nalang" muli nyang pinunasan ang luhang napalitan lang ulit.

"Wag kang bibitaw, wag mo akong iwan, please nagmamakaawa ako sayo, lumaban ka lang. Parang-awa mo na!" umiiyak na sigaw nya nang muli itong mamilipit sa sakit at nanghihinang unti-unti bumibitaw sa pagkakakapit sa kanya.

"No, No! YEXEL!" Sigaw nya sa pangalan nito nang tuluyan itong nawalan ng malay.

  Panay ang pag-iyak nya't pilit itong ginigising pero wala iyung epekto. Maging si Hailey ay naiyak na rin at hindi makagalaw mula sa pagkakatayo sa tabi nya

"Fvck! God d^mn it!" Mura ng lalaki kasama nila.

"Ako na ang bubuhat sa kanya, wag kang mag-alala mabubuhay sya. Matigas ang ulo ng gagong to eh!" Sabi nitong pinakakakalma sila pero bakas naman ang panginginig sa boses nito. Hinayaan nya itong ipasan nito sa likod si Yexel at sumunod rito ng dalhin nito pababa ang walang malay na si Yexel. Kailangan nitong madala sa ospital sa lalong madaling panahon

Pagkarating nila sa baba ay wala pa ang bulansya kaya napamura si Remus ng paulit - ulit.

"Open my car!" Utos nitong mabilis na sinunod ni Hailey. Hindi na sya makagalaw sa kinatatayuan sa sobrang panginginig ng tuhod nya sa takot. Hindi. Hindi ito pwedeng mawala, masyado pang maaaga.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon