B'sHeart#20 [UNEDITED]

7.5K 190 9
                                    

Life without Aenah Rivera is like an empty bottle, transparent, boring and lifeless but Yexel needs to go on. Hangga't nabubuhay sya't humihinga dapat nyang gawin ang mga bagay na kailangan nyang gawin.

Itinuloy nya ang page-expand ng kumpanya niya.

He started to pruduce an home appliances na mabilis na nagpataas ng profit ng kumpanya.

  "Thank you Mr. Muller for being our supplier" malapad ang ngiting sabi ng ka-meeting nyang German.

  "My pleasure " sagot nya rito at muli itong kinamayan.

  Bumuga sya nang hangin nang mawala sa paningin ang medyo may edad nang negosyante. 3 more countries in Europe ay makikilala na ang pangalan ng Xeltech Corporation. Konting-kunti nalang ay magkikita ulit sila ng ama nyang punot dulo ng lahat ng pagdurusa nya. Lets meet again soon father.

  "What are you doing here, Schmidt?" Tanong nya sa lalaking nakadekwatro ng upo sa sofa sa opisina nya.

Tumayo ito at ngumiti sa kanya na hindi nya pinansin. Namulsa syang itinuon ang buong pansin rito na tinawanan lang nito.

  "I'll be in to the point " panimula nitong hinintay nya ang kasunod. "I need your company " kumunot ang noo nya sa tinuran nito.

  "I know how you hate your father and brother, and we are the same in that point, Yexel" sabi nitong lalong nakakuha ng interest nya.

  "Why do you hate them then?" Tanong nya ritong naupo sa gilid ng mesa nya.

  "They are my business competitor before and because of them we lost our chains of hospitals in Europe " tumaas ang kilay niya sa sinabi nito.

  "So, you're not just a doctor but a son of chains of hospitals owner?" Tanong nya ritong walang pag-aalinlangan itong tumango.

  "Ang totoo nyan ay wala talaga akong pakialam sa mga kalaban nila sa negosyo but I'm interested about your proposal, what is it?" Tanong nya ritong ikinangiti ng kausap.

  "I need you to create a hospitals machines and be my supplier " nagpantay ang kilay nya sa tinuran nito. Kakasimula nya palang i-expand ang negosyo nya sa paggawa ng mga appliances and now, hospital machines and equipments naman?.

  "Well, sa isang Arew Muller hindi mahirap ang mag-expand ng ganun kabilis, tama ba?." Ipinilig nya ang ulo sa sinabi nito. Tyak na malaking trabaho ang suhestyon nito.

  "Maraming kumpanya ang nag-aagawan sa mga produkto mo, pangalan mo palang marinig ng mga buyers ay nag-aagawan na sila kaya hindi problema ang consumers mo. But I want to be your first consumer Muller, make it to be me" sabi pa nito.

  "Lets crash them together" sa huling sinabi nito ay dun sya nagkaroon ng higit na interes. Kung magagawa nyang ibaba ang rank ng negosyo ng kapatid nya gamit si Kaiser ay mas magiging madali para sa kanya na mapansin ng ama nya. Tama, ang makipagsabwatan kay Kaiser ang pinakamagandang paraan.

  "Then, I'll give you a deal" sagot nya't sa unang pagkakataon ay nakipagkamay sya kay Doctor Railly Kaiser Schmidt, his brother's biggest enemy.

.
.
.
  "Gawin mo lang sir kung ano ang gusto mo, basta ako support mo lagi!" Napangiti sya sa tinuran ni Hailey. Mabuti nalang at narito ito sa tabi nya kaya kahit papaano ay nagkakabuhay ang bawat araw nya sa opisina. Ang maingay na sekretarya nyang ito ang nag-iingay sa loob ng opisina nya.

  "Ay sir!" Muntik nyang maibato ang hawak na ballpen sa gulat ng bigla itong sumigaw.

Kung may damdamin man syang nakasanayan na yun ay walang iba kundi ang gulat na halos araw-araw ay nararanasan nya dahil sa maingay nyang sekretarya.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now