B'sHeart#17 [UNEDITED]

6.8K 205 3
                                    

Kung iisipin ni Aenah ay parang hindi kaya ng isang linggo ang lahat ng nangyari. Ilang araw lang pero andami nang ganap, nagkaroon ng katapat ang kuya nya sa sobrang kahanginan, tapos yung lalaking gwapo ay bodyguard lang pala, nagkaroon ng welcome party para sa ate nya at marami pang iba. Araw-araw ay maingay sa bahay nila kaya nahihirapan syang gumawa ng mga kailangang gawin sa mga pag-aaral nya.

  "Wag kang maingay!" Sigaw nya sa kuya Enzo nya dahil ang ingay nitong nagkakabisado ng bawat parts at kung ano ano pang tungkol sa eroplano.

Andaming pindutan ang kailangan nitong tandaan pero naiintindihan man nya itong marami itong dapat kabisaduhin ay sana naman maintindihan sya nitong kailangan nya ng katahimikan para mapag-aralan mga organs na dapat ay kailangan nyang makilala ng sobra-sobra.

  "Sinisigawan mo ako!?" Galit na sabi nito at akmang hahampasin na sya buti nalang at nakailag sya.

Nakakainis talaga kapag kaaway mo mas matanda sayo, bawal gumanti. Inis syang nagpapapadyak at kinuha ang cellphone na nagring nanaman.

Arew Muller is doing fine. Thank me later.

From:Thad ♡♡

Nasanay na syang nakaka recieve ng text araw-araw mula sa lalaking nagngangalang 'Thad heart heart', at gusto nya rin itong pasalamatan dahil hindi man siguradong totoo ang sinasabi nito at least napapagaan nun ang pakiramdam nya.

Naka phone book na rin ang number nito sa cellphone nya kaya madali na nya itong nakikilala kapag nagtitext.

Muli nyang ibinulsa ang cellphone at lalabas sana para magpahangin nang may makasalubong na lalaki. Napakurap-kurap sya nang makita sa likod nito si Kiel, yung body guard ng ate nya.

Gwapo rin ito at may hazel brown na mga mata. Bumulong rito si Kiel at ilang sandali lang ay nakangiti na ito at nakalahad ang kamay sa kanya.

   "I'm Zefrouweyn Voulger" pagpapakilala nito sa kanya na tinanggap rin nya.

   "I'm Aenah Rivera" pagpapakilala nya rin rito. Sinusubukan nya itong kilalanin pero wala talaga syang kakilalang gwapo maliban nalang kay Yexel, kay Revance, Kaiser at sa waiter na kaibigan ni Yexel.

  "I'm here to see my wife" Muli syang napakurap-kurap. Asawa? Asawa nito? Sa bahay nila?.

   "Wife? You mean asawa mo? Saan? Dito?" Sunod-sunod na tanong nya na ikinakunot pa nito ng noo. Sinong asawa nito?.

   "Yes, I'm looking for my wife here, she's your sister, Amy Rivera"  Para syang tinakasan ng kaluluwa dahil sa gulat at hindi makapaniwala. Paanong, naging asawa ito ng single nyang ate?. Umiling nalang sya't nagsimulang maglakad papasok.

  "Talagang asawa ka ni Ate?" Tanong ulit nya ritong hindi pa rin makapaniwalang sinagot nito ng pagtango. Kung totoong asawa ito ng ate nya, maiinggit sya dahil mabuti pa ang ate nya nakatuluyan ang ganitong klase ng lalaki, ang lalaking halos tulad ni Yexel na malabong mapasa kanya.

   "Tell her, Her husband is here" nakangiting sabi pa nito na naiiling nyang tinanguan.

Naiiling nyang tinawag ang ate nya at gaya ng sinabi ng lalaki ay tinawag nya ito at sinabing hinahanap ito ng asawa nito at lalo syang hindi makapaniwala nang tumango ito na parang may asawa nga talaga ito.

  "Ate Amy, may asawa ka talaga?" Hindi makapaniwalang tanong nya rito na ikinagulat rin nito.

  Inaasahan nyang tatanggi ito pero mabilis itong nagtungo sa sala and when he saw the man sitting in the sofa, she uttered his name. She get it, that handsome man named Zefrouweyn Voulger is her sister's husband. Isang malaking sanaol!
.
.
.
  " Tsk, lamporeber!" Nakagat nya ang ibabang labi ng bigla iyung masabi. Natawa ng malakas ang kuya Enzo nya saka malokong sinilip kung ano ang tinitignan nya na mas lumakas ang tawa nang makita kang sweet na sweet na ate Amy nya't asawa nito.

   "Bitter? Bakit, hindi ka pinansin ng crush mo?" Inirapan nya ito at itinuon ang pansin sa pinag-aaralan. And later on napansin nalang nilang hindi pinapansin ni Kuya Weyn ang ate Amy nila. May tampuhang ganap?. Tanong nya sa isip.

  Magtatanong na sana sya sa asawa ng ate Amy nya nang bumaling ito sa kanya. Binasa nito ang librong binabasa nya sunod ay ang ginagawa naman ng kuya Enzo nya.

  "Want me to help?" Tanong nito sa kanya. Alam kaya nito ang pinag-aaralan nila?.

  "Ako kuya paturo, pano 'to kabisaduhin?" Tanong ni Enzo rito na pareho nilang tinawanan ng asawa ng ate nya. Gusto nya itong batukan sa tanong nito, lakas ng trip eh.

  "Mmn, wag mong kabisaduhin" sagot nitong pareho silang napakunot noo ni Enzo. Mahina itong tumawa bago muling nagsalita.

  "Nahihirapan kang kabisaduhin because of the thought that you need to memorized everything before the deadline but kung nagrerelax ka lang. Babasahin mo lang sya ng babasahin nang hindi iniisip na kailangan mong kabisaduhin matatandaan mo yan. Wag mong masyadong ifocus ang pagkakabisado sa names, focus on definition and explanations. And yeah, don't study, but do to explore " sabi nitong ikinatango nya. May punto ito sa part na yun. Pagsinabi kasing pag-aralan nakakatamad.

   "Tanong ko naman kuya" bumaling ito sa kanya at naghintay ng sasabihin nya.

  "Paano ko matatandaan ang pagkakaiba ng mgabitong halos magkakapareho lang tapos pano ko sila agad makikilala?. " tanong nya.

  " Watch it, don't read it" kumunot ang noo nya. Ang lalim naman nito magsalita. Tumawa ito nang mahina.

  "Kung medical ang pinag-aaralan mo hindi lang dapat meanings ang matandaan mo, you have to see it and picture it out. Kapag nasa OR ka na, wala ng meaning- meaning, ang kailangan mong malaman ay yung positions ng organs and nerves para alam mo kung ano ang iiwasan mo. Wag kang mag focus sa libro, dapat nanonood ka rin para makilala mo ang tunay na itsura nila sa personal. " mahabang paliwanag nito.

Tumango - tango sya, kaya sya nahihirapan kasi sa libro halos magkapareho  tapos yung posisyon tinuturo pero hindi nya makita sa personal kaya di nya maimagine ng maayos. Tama siguro sinasabi ng brother - in-law nya. Aba, swerte ata sya sa asawa ng ate nya ah. Binabawi na nya, may forever na pala.

Nagkatinginan nalang sila ni Enzo nang mamalayan nalang na super sweet nanaman ng dalawang mag-asawa. Ganun ba talaga mga mag-asawa hindi maintindihan?. Mag-aaway tapos bati nanaman?

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now