B'sHeart#11 [UNEDITED]

7.7K 215 1
                                    

Halos mapatalon si Aenah nang malakas na hampasin ni Ashana ang mesang pinapatungan nya ng sikong ginagamit sa pangangalumbaba. Tinapunan nya ito ng naiinis na tingin pero inirapan sya nito at naupo sa mesang hinampas nito. Hinawakan sya nito sa pisngi para hindi sya makaiwas ng tingin.

  "Ikaw, umamin ka nga sakin" panimula nitong ikinakaba nya.

  "May boyfriend ka na ba? Sino yun, alam ba yan ng mga kuya mo?" Sinasabi na nga ba nya eh yun ang sasabihin nito.

  "Anong pinagsasasabi mo? Wala" sagot nya rito saka ito tinalikuran dahil alam nyang hindi sya nito titigilan.

   "May ichecheck akong mga pasyente, mga pasaway yun kaya busy ako okie?" Pahabol pa nya bago tuluyang makalayo rito. Narinig nya itong tinawag sya na hindi nya pinansin.

  Papasok na si Aenah sa silid ng pasyenteng papainumin nya ng gamot nang tumunog ang cellphone nya. Sa isiping si Yexel iyun ay mabilis nya yung binasa.

  "Let's meet later, I miss you" kinagat nya ang labi para pigilin ang mapangiti. Bakit ba napakagaling nitong magpakilig? Eh hindi naman sila?.

Hindi nya alam kung ano ba sila o kung mayroon ba talagang sila basta ang alam nya lang ay masaya sya kapag nakikita nya itong masaya, kampante sya kapag nakikita nya ito at nasisiguradong ligtas ito, siguro dahil pakiramdam nya ay kailangan nya itong alagaan na hindi rin nya alam ang dahilan.

Ngumiti sya sa pasyenteng may edad na. Nakaupo ito sa gilid ng hospital bed at parang tulala nanaman gaya ng dati. Inaasahan nyang kailangan nya nanaman itong ibalik sa kasalukuyan bago ito magsalita kaya nagulat sya ng bigla itong magsalita.

  "Sabi nya mabuhay ako ng masaya pero hindi ko magawa" pinunasan nito ang luhang naglandas sa pisngi nito.

  "She loves me and I love her too but in the end she left me. Ganun talaga, minsan kahit anong pilit mo, kahit anong kagustuhan mo may mga bagay pa ring hindi mo makukuha. " tumingin ito sa kanya saka ngumiti.

  "Kaya ikaw Ijah, mahalin mo sya hangga't kasama mo pa sya dahil hindi mo alam kung kailan sya kukunin sayo" sabi nito at ito na ang kumuha sa gamot mula sa kamay nyang naiwan sa ere.

  Hindi nya alam pero sumikip ang dibdib nya't nakaramdam ng takot. Si Yexel ba ang tinutukoy nito? Pero hindi, hindi ito mamamatay, hindi ito mawawala sa kanya dahil sya mismo ang gagamot rito. Marahas syang umiling at pinunasan ang luhang nagsisimula nang maglandas sa kanyang pisngi.

  "Mali ka Lolo, hindi sya mawawala sakin. Gagawin ko ang lahat, sisiguraduhin kong gagaling sya! Pangako ko yan sayo!" Madiing aniya at mabigat ang dibdib na iniwan ang matandang pasyente.

" Grabe sya! Ba't ganun sya magsalita?" Inis na aniya saka nagpasyang umalis.

Hindi mawala sa isip ni Aenah ang sinabi ng matanda hanggang sa oras na ng pag-uwi nya. Nagmadali syang lumabas ng locker room at halos patakbong tinahak ang daan paalis. Nakasalubong nya pa si Ashana na hindi nya pinansin, paniguradong nagtataka ito sa ikinikilos nya pero wala syang pakialam.

Pagkarating nya sa labas ng hospital ay agad nyang inilibot ang tingin, hinanap nya ang lalaking kanina pa nagpapakaba sa kanya. Nanubig ang mga mata nya nang makita itong nakangiting naghihintay sa kanya.

Mabilis syang tumakbo papunta rito na para bang ano mang oras ay mawawala ito sa harap nya't nang makalapit rito ay mahigpit nya itong niyakap at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Naririnig nanaman nya ang hindi normal na pagtibok ng puso nito na lalo nyang ikinaiyak.

  "Hey, anong problema?" Malambing na tanong nitong sinagot nya ng pag-iling habang nakasubsob parin rito. "Are you sure? Why are you crying" tanong ulit nito.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon