B'sHeart#12 [UNEDITED]

7.5K 209 2
                                    

Malawak na napangiti si Aenah nang makita si Yexel na nakasandal sa hood ng mamahaling sasakyan nito habang nakapamulsang naghihintay sa kanya sa labas ng hospital. Kumaway ito sa kanya nang makita sya nito kaya mabilis syang tumakbo papunta sa kinaroroonan nito.

   "How's your day, My Pill" mahina syang natawa sa tinawag nito sa kanya. Halos mag-iisang linggo na rin nyang naririnig iyun bilang endearment nito sa kanya pero pareho parin ang dating nun sa kanya. Parang lumulukso ang puso nya sa tuwa.

" Mabuti pa sa mabuti" ito naman ang natawa saka sya pinagbuksan ng sasakyan. Sumakay sya sa loob at hinintay si Yexel na makapasok.

   "So, san nga tayo pupunta?" Nakangiting tanong nya rito. Napailing nalang sya nang ngumiti lang ito at hindi sinagot ang tanong nya. Tinignan nya ang oras at mahaba pa naman ang oras nya, binawasan ang oras nya sa trabaho para sa pag-aaral nya at syempre bawas din ang sweldo nya pero ayos lang basta makapag-aral sya.

Humigpit ang kapit nya kay Yexel nang bumaba sila sa madilim na lugar, wala pa manding buwan kaya nakakatakot. Naramdaman nyang pumulupot sa beywang nya ang braso nito at may hinatak sya papalapit rito.

  "Don't worry, I'm here" bulong nito sa kanyang ikinakalma nya. Hindi na sya nagsalita at nagpatangay nalang kay Yexel hanggang sa huminto ito at niyakap sya mula sa likod nya. Hindi nya maintindihan ang kinikilos nito kaya lalo syang naguguluhan.

  "Welcome to my paradise" bulong nito sa kanya kasabay nang pagliwanag ng iba't - ibang kulay sa paligid. Gusto nyang sampalin ang sarili para makasiguradong totoo iyun at hindi panaginip nang maramdaman nyang hinalikan sya ni Yexel sa batok nya pagkatapos ay niyakap sya nito ng masmahigpit pa.

Napakaganda, ang mga bulaklak ay nakikita kahit walang buwan dahil sa mga pailaw na naruon, kada isang row ng taniman ng bulaklak ay iba ang kulay ng ilaw. Pati ang tubig sa maliit na ilog ay kumikinang dahil sa liwanag ng mga pailaw. Sa lahat ng magagandang naruon ay ang table na nasa ilalim ng punong may malagong dahon na pinaiilawan rin ng mga maliliit na bumbilyang nakapalibot roon ang pinaka hinangaan nya.

  Kandila ang nagsisilbing ilaw ng sino mang kakain ruon at may wine rin na nakahanda na ruon. Napakaganda, sobrang ganda. Nanunubig ang mga mata sya sa isiping inihanda iyun ni Yexel para sa kanya.

  "Nagustuhan mo ba?" Tanong nito sa kanya dahilan para alisin nya ang kamay nitong nakayakap sa kanya at pumihit paharap rito.

  "Gustong-gusto" pagtatama nya sa tanong nito na ikinangiti nito. Pumikit lang sya nang halikan sya nito sa mga labi pagkatapos ay sa noo naman nya.

  "Masaya ako at nagustuhan mo" sabi nito bago sya igiya palapit sa mesang nakahanda para sa kanila. Ipinaghila sya nito ng upuan na ikinangiti sya ulit. Hindi nya maiwasang nakaramdam ng kaba dahil ito ang unang pagkakataon na mararanasan nya ang magkaroon ng ganitong dinner tapos ang kaharap nya pa ay ang lalaking laging nagpapabilis ng tibok ng puso nya.

Nakagat nya ang ibabang labi nang may waiter na nakasuot ng formal attire na lumapit sa kanila at nagbigay ng pagkain nila. Kung ano-ano pa ang ginawa nito sa bote ng wine bago sila nito ipagsalin na hinangaan nya naman. Ang galing kasi nito para itong professional bar tender o baka professional nga talaga ito, well its Yexel he's rich and its not impossible for him to hire some expensive professionals.

  "Here's your wine, Miss Lady" kinindatan sya nito na tinawanan nya na ikinadilim ng awra ni Yexel.

   "Oh, sorry buddy but she's like a sister to me" kabadong paliwanag nito pagkatapos ay sinalinan nito ang wine glass si Yexel. Natatawa sya sa itsura ni Yexel na nag-aalalang tumingin sa kanya, ano naman kayang inaalala nito?.

   "My pill, gwapo pa rin ba ako sa paningin mo?" Natigilan sya sa tanong nito na maging ang lalaking nagseserve sa kanila ay natigilan rin. Parehong naghihintay sa isasagot nya ang dalawang lalaki kaya napalunok sya. Kung hindi kandila ang gamit nilang ilaw ay tyak na kitang-kita ang kulay kamatis na nyang pisngi sa hiya. Dahil sa wala syang choice ay kumurap-kurap nalang sya't nag-ipon ng lakas para sumagot.

  "Oo naman" sagot nya sabay inom ng wine.

  "Sure?" Paniniguro pa nito at para hindi na ito magtanong pa ay lulubusin na nya sa isang sagutan lang. Bumaling muna sya sa gwapong lalaking nagseserve sa kanila bago bumaling kay Yexel na naghihintay sa sagot nya.

  "You will always be the only most handsome man for me, Yexel Andrew Muller. Only you" sagot nya na ikinakalma nito. Malapad itong ngumiti sa kanya pagkatapos ay pinasadahan ng matalim na tingin ang lalaking nasa tabi nito na tumawa lang.

   "Well, enjoy your dinner. Just call me when you need me" sabi pa ng gwapong waiter bago ito umalis.

  "Tsk, dapat pala hindi na sya yung kinuha ko" rinig nyang himutok ni Yexel na mahina nyang tinawanan. Bumaling ito sa kanya ng nakanguso kaya lalo syang natawa.

  "Ang cute mo, alam mo yun?" Natatawang aniya dahilan para mapayuko ito. Ngayon sya nanghihinayang dahil hindi nya makita kung namumula ba ito o hindi.

   Pagkatapos nilang magdinner ni Yexel ay nagpaalam itong may kakausapin lang at nang sundan nya ito nang tingin ay lumapit ito sa waiter na nagserve sa kanila.

   "Basta wala na akong atraso sayo" rinig nyang sabi nung waiter kay Yexel.

  "Yeah, at wag ka nang magpapakita sakin ulit" hindi makapaniwala ang lalaking waiter sa tinuran ni Yexel.

   "Teka naman, bakit galit ka pa rin?. Dapat bati na tayo di ba buddy?" Parang batang sabi nito. Ang cute para silang mga batang magkaibigan.

" Tsk, fine. Pero wag na wag ka lang lalapit kay Aenah, kundi ipapaligpit kita" nakagat nya ang ibabang labi at mabilis na nagtago nang maglakad pabalik sa direksyong kinaroroonan nya si Yexel pagkatapos nitong sabihin iyun. Hindi naman sa naga-assume sya pero nagseselos ba ito?. Pinagseselosan ba nito ang kaibigan nitong waiter?.

  "Lets go, my Pill" ngumiti lang sya't lumapit rito. Hindi na muna nya itataas ang pag-asa nya makukuntento na muna sya sa kung anong meron sa kanila ni Yexel. Maghihintay sya hanggang sa tuluyan syang matutunang mahalin ni Yexel.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon