B'sHeart#23 [UNEDITED]

7.6K 217 3
                                    

|| WARNING ||

THIS CHAPTER CONTAIN MATURE CONTENT, KUNG INOSENTE DAPAT MABINYAGAN KA NA!
MGA BATA, TAKPAN ANG MATA

FROM: kyut nyong awtor

   "Yexel sandali!" Pagtawag ni Aenah rito pero hindi sya nito pinansin. Itinulak nito pabukas ang pinto at bago pa ito makapasok at tuluyang makalayo sa kanya ay nahawakan na nya ito sa braso.

  "Sandali lang, may gusto lang akong sabihin sayo!" Pigil nya rito pero nagpumilit itong bawiin ang brasong hawak nya.

   "Ayaw kong marinig, kaya bitawan mo na ako!" Sabi nitong ikinainis na nya. Hindi nya talaga ito maintindihan, hindi naman nya ipagpipilitan ang sarili nya rito eh. Gusto nya lang itanong kung ano bang problema nito, gusto rin nyang malaman kung alam ba nitong kapatid sya ng asawa ng kaibigan nito.

   "Hindi ko naman sasabihing mahalin mo ako eh. Di ba nga sabi ko sayo kakalimutan na rin kita?,  may gusto lang akong malaman kaya kita nilapitan at—"

   "Kaya kung sino-sinong lalaki ang hinahayaan mong lumapit sayo,  ganun?" Naningkit ang mga mata nya sa tinuran nito. Pumihit ito paharap sa kanya at matatalim ang tingin sa kanya.

  "Nakalimutan mo na ako kaya naghahanap ka ng bagong magmamahal sayo? Yung hindi ka itutulak palayo? Yung kaya kang mahalin ng higit pa sa pagmamahal na ibinibigay mo ganun?. Talaga bang nakalimutan mo na ako? Ganun ba kabilis mawala ng pagmamahal mo sakin?" Napanganga sya sa mga pinagsasabi nito. Ano bang pinaghuhugutan nito? Pagak syang natawa at hindi malaman kung anong sasabihin. Ano nanaman bang gustong iparating nito?.

  "Alam mo ang kumplikado mo mag-isip, hindi kita maintindihan. Ano bang gusto mong gawin ko bakit—"

  "Layuan mo si Thaddeus!" Lalo syang hindi makapaniwala sa sinabi nito. At bakit naman pati sa kaibigan nito ay gusto sya nitong palayuin?.

   "Hoy! Yexel, hindi lahat ng taong gusto mong layuan ko ay kailangan kong layuan. At bakit ko naman lalayuan si Thaddeus?" Hindi makapaniwalang aniya pero marahas lang itong napamura ng sunod - sunod.

  "Basta layuan mo sya, wag kang lalapit sa kanya o kahit kanino mang lalaki! Walang dapat na makalapit sayo kundi ako lang!" Napakurap-kurap sya sa sinabi nito. Mas lalo nya itong hindi maintindihan.

  "Hindi talaga kita ma—hmn" naputol ang sasabihin nya nang bigla sya nitong halikan. Sinubukan nya itong itulak pero naisandal sya nito sa gilid ng pinto. Napapikit sya nang maramdaman ang madiin nitong paghalik na parang ano mang oras ay mawawala sya sa harap nito.

Sa isiping may mga taong makakakita sa kanila ay sinubukan nya muli itong itulak. Napamura ito nang magawa nya itong ilayo sa kanya at maputol ang paghalik nito sa kanya.

  "Yexel ano ba talaga gusto mo?" Tanong nya rito at imbes  na sumagot ay pinakatitigan lang sya nito hanggang sa mamalayan nalang nya ang sariling tumutugon sa paghalik nito.

  Magsisinungaling sya sa sarili nya kung sasabihin nyang hindi nya ito na miss dahil ni minsan ay hindi ito nawala sa isip nya. Hindi nya nga alam kung paano mawawala ang pagmamahal nya para rito. Naramdaman nyang bumaba ang mga kamay nito sa pang upo nya't binuhat sya papasok sa loob ng bahay at kwarto sa ibaba.

  Hindi na nya alam kung nasaan na sila nang maramdaman nyang tumama ang talampakan nya sa sahig. Bumaba ang halik nito mula sa mga labi nya pababa sa leeg nya. Mahina syang mapadaing nang sipsipin nito ang balat nya sa bandang ibaba ng tenga nya't gumapang ang kamay nito papasok sa loob ng t-shirt na suot nya't dahan-dahang inaabot ang dibdib nya. Napakasarap ng init na hatid ng palad nito sa sistema nyang nagiging dahilan para mawala sya sa tamang wisyo.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin