B'sHeart#10 [UNEDITED]

8.3K 230 5
                                    

"Sigurado ka ba, Aenah?" Napairap nalang sya nang muling magtanong si Ashana sa ikawalong pagkakataon.

  "Mag-aaral ka talaga ulit? Atsaka Girl, ang tagal mong mag-aaral kung gusto mo maging surgeon" bumuga sya ng hangin bago ito harapin.

  "Asha, sigurado na ako. At sabi mo nga di ba, matalino naman ako?" Nakangiting aniya at nang magsasalita pa ito ay ipinakita nya rito ang hawak na enrolment form.

  "Hindi na magbabago ang desisyon ko kaya Sshhh ka na okie?" Pagtatapos nya sa usapan at kinindatan ito bago ito talikuran. Rinig nya ang frustration at pag-aalala nito na ikinailing nalang nya, hindi na talaga magbabago pa ang desisyon nya.

   "So, tuloy na pala pag-aaral mo ng GS?" Ngumiti sya nang makita si Doc. Kaiser. Nasa University sya kung saan sya nage-enroll, alam nyang nagsa-sideline ito bilang profesor pero hindi nya alam na sa University na papasukan nya ito nagtuturo.

  "Ah, Yes Doc" sagot nyang nag-aalangan sa itatawag rito. Tumawa ito at naiiling na humarap sa kanya.

" You can call me, Kaiser. Wala naman tayo sa ospital at hindi pa naman nagsisimula ang pasukan, right?" Natatawang sabi nito na tinawanan rin nya. Tumango-tango sya't ipinasa ang kailangang ipasa sa registrar bago muling bumaling sa gwapong doktor.

" Okay, Kaiser" tawag nya sa pangalan nito. " Dito ka pala nagtuturo?" Tanong nya. Inilibot nito ang tingin sa University at kinawayan ang mga estudyanteng bumabati rito. Napakasikat nito sa University, napakagwapo naman kasi nito eh.

" Yeah, dito nga ako nagtuturo" sagot nito nang muling bumaling ang tingin nito sa kanya. " May pupuntahan ka pa ba? You want to have lunch with me?" Tanong nito sa kanya.

Sandali syang nag-isip at tumingin wristwatch nya't tinignan ang oras bago sumagot sa tanong nito. "May oras pa naman ako kaya sige" sagot nyang nginitian nito.

  "Lets go?" Alok nitong tinanguan nya.

Nanghihinayang na tinitigan ni Aenah ang mga pagkaing tira sa mesa nila, kung bakit ba kasi andaming inorder ng lalaking kasama nya pero hindi naman nila kayang ubusin, sayang tuloy. Nabaling rito ang pansin nya nang marinig nya itong tumawa.

" Wag ka nang manghinayang dahil babayaran ko naman yan" nagpantay ang kilay nya sa tinuran nito. Kaya nga sya nanghihinayang eh kasi babayaran nito pero hindi nila nakain.

" Kaya nga ako nanghihinayang kasi babayaran mo ito, sayang yung bayad mo" hindi makapaniwalang aniya na ikinailing nito. Nagpunas ito ng labi bago nagsalita.

  "Look" itinuro nito ang mga staff sa restaurant na lalo nyang ikinataka. Muli itong tumingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.

  "Kaya marami ang inorder ko para marami ang babayaran ko at ang ibabayad ko ay ang magiging sahod ng mga tauhan na yan, so hindi masasayang ang ibinayad ko" paliwanag nitong ikinatango-tango nya. Ngayon nya napatunayan na iba't-ibang klase talaga ang paraan ng pag-iisip ng bawat isa.

  "Sabagay, tama ka rin" pagsang-ayon nya't nauna nang tumayo. "Tara na? " aya nya ritong nginitian nito saka sumunod sa kanya sa paglalakad patungong exit.

  "Ihahatid na kita sa pupuntahan mo" dahil late na rin sya ay hindi na nya tinanggihan ang alok nito. Sana lang talaga wag magalit sa kanya ang binatang naghihintay sa kanya.

  "Xeltech Corporation? Dito ka pupunta?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kaiser sa kanya nang bumaba sya sa harap ng malaking gusali na may nakasulat na Xeltech Corporation.

" Y-Yeah?" Utal na sagot nyang ikinatawa nito na mababakas pa rin ang pagkamangha. Hindi nito inaasahan na dito sya pupunta.

  "Oh sige, hindi na ako magtatanong. Aalis na ako ah" paalam nitong nginitian nya. Hinintay nya munang mawala sa paningin nya ang sasakyan nito bago sya magpasyang pumasok sa loob.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now