B'sHeart#22 [UNEDITED]

7.2K 189 5
                                    

Sa tuwing mapapatingin sya kay Weyn ay natatawa sya. Papunta sila sa probinsya kung saan gaganapin ang proposal ni Weyn na pinagpuyatan rin nito. Si Thaddeus naman ay kinakantahan ng mga mapanakit na kanta si Weyn habang nagmamaneho ito na lalong ikinakakaba ni Weyn. Malakas syang natawa nang makitang pinagpapawisan ito na napansin rin ni Thaddeus kaya sabay silang tumawa.

    "You're not a help!" Inis na ani Weyn na lalo lang nilang tinawanan hanggang sa makarating sila sa destinasyon.

  Marami nang tao na imbidato sa proposal, pati buong pamilya ng asawa ni Weyn ay tinawagan nito para makipagsabwatan sa kanya. Kumpleto na ang mga kapatid ni Amy base sa sinabi ni Ethan at nag-iisip na sila ng sasabihin sa asawa ni Weyn para mapabalik ito sa probinsya.

  "Sabihin nyo nasa ospital ako, 50/50" lahat sila ay natawa sa suhestyon ng ama ng asawa ni Weyn na kalaunan ay sinunod ng mga anak nito.

   "Sino tatawag?" Tanong ni Aerha na kapatid rin ng asawa ni Weyn. Nakilala na nya ang mga ito dahil sa apat na araw na halos araw-araw ay naruon sya, malapit na rin sya sa mga ito kaya kumportable syang makipagtawanan sa mga ito.

  "Ako na" sabi ni Enzo.

   "Anong sasabihin nyo?" nawala ang ngiti ni Yexel nang marinig ang pamilyar na boses ng babaeng nagsalita. Sinundan nya ng tingin ang pinanggalingan ng boses at halos tumigil ang pag-andar ng oras nya nang makita nya ang babaeng matagal na syang nangungulila.

  "Aenah" halos pabulong na sambit nya sa pangalan nito dahilan para walang sino man ang makarinig.

  "Ako na tatawag, ano sasabihin" malawak ang ngiti nito na parang wala na itong problema. Hindi sya nito binabalingan ng tingin kaya hindi sya nito napapansin. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.

  "Ate Amy, si Papa nasa ospital" pagkatapos sabihin yun ni Aenah ay agad nitong pinutol ang linya.

  "Ba't mo binaba agad?" Tanong ng kapatid nitong si Enzo na inirapan nito.

  "Duh, kung tumagal pa syempre tatanungin nya kung saang hospital. Anong isasagot ko?" Napapairap na sabi nitong sinang-ayunan ng lahat. Tumawa ito sa naging reaksyon ng lahat at inikot nito ang tingin hanggang sa magtama ang mga mata nila. Gaya nya ay nagulat rin ito.

  "Yexel" sambit nito sa pangalan nya dahilan para dito mabaling ang tingin ng lahat.

  "Kilala mo sya, Aenah?" Tanong ni Enzo rito. Iniwas nito ang tingin sa kanya at bumaling sa kapatid nitong si Enzo.

  "O-Oo naman, sikat kaya sya" sabi nitong tinanguan nalang ng kapatid nito. Muli syang panandaliang tinignan nito pagkatapos ay bumaling ito sa mga katabi nito. Naghanda na silang lahat para sa nalalapit na pagdating ng asawa ni Weyn.

  Naikuyom nya ang kamao sa inis kay Thaddeus na hindi tinitigilan si Aenah. Nagpapapansin ito at naiinis sya kapag tumatawa si Aenah sa mga biro nito, nakakainis dapat ay sa kanya lang ito ngumingiti at tunatawa ng ganuon. Hindi dapat ito ngumingiti o tumitingin manlang sa kahit kaninong lalaki dapat sa kanya lang.

  "Montegamo, tumahimik ka na nga!" May lihim na galit na aniya. Nauubos na ang pasensya nya at ayaw man nya, kung hindi pa ito titigil ay baka masira ang proposal ni Weyn.

  "Wala pa naman si Amy kaya ayos lang na maingay" katwiran nito at inakbayan si Aenah na nakatingin kay Weyn na kinakabahang nakatingin sa kawalan. Gusto nya itong sabihan na wag magpapaakbay kay Thaddeus o kung kanino man pero hindi nya magawa.

  "Aahh, Ouch!" Daing ni Thaddeus nang sadyain nya itong apakan sa paa.

   "Oh, sorry buddy. Hindi ko nakita yung paa mo" pagdadahilan nyang tinanguan lang nitong nakakainis pa dahil tinanong ito ni Aenah kung ayos lang ba ito. And the motherfucking asshole did!?, kunwari ay masyado itong nasaktan at mas lumapit pa kay Aenah.

  Dapat pala ay mas diniinan nya pa ang pag-apak rito hanggang sa madurog ang paa nito. Konting-konti nalang talaga ang pasensya nya't masasakal nya na ang gagong kaibigan nyang simula ng mga sandaling iyun ay pinuputol na nya ang ugnayan nila. Mapapatay nya talaga ito kapag hindi pa ito tumigil.

  "Andyan na sila!" Sabi ng lalaking look out kaya nabitawan ni Thaddeus si Aenah para isuot ang salamin na lahat sila ay mayroon.

  Hindi sya makapag focus sa panonood kila Weyn dahil abala sya sa pagbabantay sa kung ano mang susunod na gagawin ni Thaddeus kay Aenah. Kinagat nya ang loob ng pisngi sa sobrang pagpipigil nang makita ang muling pag-akbay nito kay Aenah. Bakit ba hinahayaan ito ni Aenah? Napupuno na sya!

  Natapos ang proposal ni Weyn nang hindi nya alam kung papaano, na kila Thaddeus at Aenah pa rin ang pansin nya. Tumatawa nanaman ang dalaga sa nakakabwisit na biro ni Thaddeus, kating-kati na ang kamao nya. Kailan ba sya magkakaroon ng pagkakataong masapak ang gagong Montegamo na ito?.

  "Thaddeus!" Malakas na tawag ni Weyn kay Thaddeus kaya lahat sila ay napatingin rito. Nagtatakang lumapit si Thaddeus rito at nang paglapit nito kay Weyn ay agad na malakas na suntok ang tumama sa mukha nito. Gusto nya sanang sumuntok rin kaya lang wala syang masabing dahilan.

  " Sorry na bud, hindi ko naman kasi alam na bati na pala kayo. Natakot lang ako na malugi ako kasi halos sampung araw ka ring halos tumira sa bar ko atsaka hindi ka nagbabayad, remember?, baka malugi ako!" Katwiran nito kay Weyn na lalo lang nagdilim ang mukha.

  "The f*ck! Hindi ka naman naniningil. At paano mo naisip yung annulment paper?" Pasigaw na sabi ni Weyn dahilan para magkaroon sya ng pagkakataong magkaroon ng dahilan para masuntok ang gagong Thaddeus.

  "Yeah, hindi yun valid reason. Suntukin ko ba?" Sana pumayag si Weyn.

  " Nangangati kamao ko eh!" Dagdag nya pang pinapatunog ang daliri. Pumayag ka Weyn! Nanggigigil na syang masuntok ito.

   "Sandali! Ito!" Nagkiskisan ang bagang nya sa inis, gustong - gusto na nya itong masapak pero may ebidensya ang gago. May record itong ipinarinig na sinabi ni Weyn nung lasing ito. Nang makita nyang lalapit si Aenah kay Thaddeus ay lalo syang nagalit. Wala na syang pakialam basta gusto nya itong masapak.

  Malakas nya itong sinuntok sa mukha dahilan para mawalan ito ng balanse.

  "The fuck, Muller!" Mura nito sa kanya na balewala sa kanya. Nakukulangan pa sya kaya susuntukin sana nya ulit ito nang biglang pumagitna si Aenah.

  "Wag kayong magulo!" Sigaw nito sa kanilang dalawa nang balak ring gumanti ni Thaddeus. "Pwede ba?" Pahabol nito pero matatalim pa rin ang tingin nilang dalawa. Gusto nya itong bugbugin, SHIT! Pakiramdam nya sasabog sya sa galit.

  "Anong problema mo? Bakit mo ako sinuntok!?" Tanong nitong hindi nya masagot. Gusto nyang sabihing wala itong karapatang lapitan si Aenah dahil sakanya lang ito pero hindi nya magawa. Sya ang unang lumayo rito, sya ang nang-iwan at dapat masaya sya dahil mukhang nakalimutan na nga sya nito pero shit!. Bakit ang sakit?.

  "Ano!?" Tanong ulit nitong lalo nyang ikinaiinis.

    "Sabing tama na eh! Nakakahiya oh, proposal ito ni Kuya Weyn. " pagpapatigil nanaman sa kanila ni Aenah na nasa pagitan pa rin nila.

   "Yexel, mag sorry ka sa kanya dahil ikaw ang may mali" hindi sya makapaniwalang tumingin rito pero matigas sya nitong tinignan sa mga mata. Wala na ang mga emosyong nakikita nya noon sa mga mata nito, mas lalong sumasakit habang mas tumatagal.

  "Tsk, mukhang walang balak mag sorry yan" matalim ang tinging ibinaling nya kay Thaddeus na lalo pang nadagdagan ang galit nya rito nang ngumisi ito bago bumaling kay Aenah at inakbayan ang dalaga.
.
.
.
  Hindi sya mapakali sa kinatatayuan at nakatingin lang kila Aenah at Thaddeus. Ginagamot nito ang pasa sa mukha ni Thaddeus at ang gago ay tuwang-tuwa. Umirap si Aenah nang magsalubong ang tingin nila. Nagpaalam ito kay Thaddeus bago ito tumayo at naglakad papunta sa kanya na walang nakapansin dahil abala ang lahat sa kasiyahang nagaganap sa labas na unuukupa hanggang sa daan na wala namang dumaraang sasakyan.

  Bago pa ito makalapit sa kanya ay naglakad na sya palayo hanggang sa marating nya ang pinto ng bahay. Paniguradong hindi sila nakikita ng mga tao ruon kaya malakas ang loob nitong lapitan at kausapin sya na hindi nya hahayaang magawa nito, para ano? Ipamukha sa kanyang naka move on na ito ng ganun kabilis?.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now