B'sHeart#07 [UNEDITED]

8.3K 208 2
                                    

Dapat ay nasa opisina si Yexel pero natagpuan nalang nya ang sariling nasa ospital at pinagmamasdan mula sa malayo ang bababaeng hindi mawala sa isip nya, parang ito na nga lang yata ang laman ng isip nya buong araw kaya sa sobrang pananabik rito ay wala sa sariling napasugod sya sa ospital para lang makita ito.

Mabilis syang nagtago sa isang poste nang biglang mabaling ang tingin ng dalaga sa direksyon nya, hindi naman sa ayaw nyang makita sya nito kundi hindi lang nya alam ang sasabihin kung makikita sya nito sa loob ng ospital. Inayos nya ang necktie na bahagyang lumuwag saka inayos ang sarili at nang nakitang maayos na ay bumuntong hininga sya at tumuwid ng tayo.

Nakita na nya ang talaga siguro naman ay matatahimik na ang isip nya. Tumango sya sa sinabi ng isip at tinignan ang oras sa relong pambisig, mahaba pa ang oras kaya pagbumalik sya sa opisina ay marami pa syang magagawa.

" Arew Muller?" Ang planong pag-alis ay nalimutan nya nang isang lalaki ang tumawag sa pangalan nya. Kumunot ang noo nya nang hindi ito makilala, paanong nakilala sya nito?. Tumawa ito nang mahina at naglahad ng kamay.

" I'm Railly Kaiser Schmidt " pagpapakilala nitong lalo nyang ikinatakha. Pati pangalan nito ay hindi pamilyar sa kanya.

" Sorry pero hindi ako nakikipagkamay sa hindi ko gustong makilala" aniya't namulsa.

  Tumango-tango ito at namulsa rin saka tumuwid ng tayo paharap sa kanya. Paniguradong hindi ito basta-basta doctor lang. The way he speak, his movements, his postures, he looks someone who's powerful.

  " How do you know me?" Tanong nyang mababakas ang pagtataka.

" Mnn, how about you?. How do you manage to show yourself to others? Aren't your father mad at you?" Ipinilig nya ang ulo sa narinig. Kung ganun, kilala rin nito ang pamilya nya at alam nito ang pinagmulan nya. Ngumiti ito at lumapit sa kanya saka sya tinapik sa balikat.

" Don't worry, we're not enymies but we can help each other" sabi nito bago sya lagpasan. Who's this fucking man and how did this man know his past!?.

Agad nyang kunuha amg cellphone sa bulsa nya at tinawagan ang isang taong alam nyang makakatulong sa kanya. Wala pang ilang minuto ay sinagot na agad nito ang tawag nya.

" What?. People or information?" Bungad nito.

" Both" sagot nya.

" Oh, I gues it's totally serious Muller. Come on tell me" bumuntong hininga muna sya bago nagsalita.

" Railly Kaiser Schmidt, Find information about him.  I want to know if who is he, his parents, his life status is past everything about him. And I need people who can follow him everywhere" narinig nya ang paglapag nito ng ballpen sa mesang gawa sa kahoy bago ito sumagot.

" Got it, nothing more?" Tanong nito na hindi nya sinagot. Pinutol na nya ang linya at humakbang na paalis pero isang babae ang bigla nalang humarang sa kanya.

Nakataas ang kanang kilay nito habang naka cross arm na nakatingin sa kanya. Lumunok sya tumikhim, ito ang iniiwasan nya pero wala na, nahuli na sya.

" Bakit ka nandito?" Tanong nitong nakataas pa rin ang kilay. Napakamot sya sa batok, ano nga bang sasabihin nya?.

" Hey, dito ang tingin!" Pang-aagaw nito ng atensyo nya kaya wala syang choice kundi ang tumingin rito.

" Amn, may hinatid lang ako. May kakilala akong naka confine dito kaya dumaan lang ako" nagpantay ang kilay nitong halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi nya. Bumuga sya ng hangin bago lumapit rito.

" Fine, pumunta ako rito para makita ka. Hindi ka mawala sa isip ko kaya pumunta ako rito para makita ka lang" wala sa oras na pag-amin nya. Tumango-tango ito saka tinanggal ang pagkakacross arm nito.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora