B'sHeart#08 [UNEDITED]

8.1K 218 4
                                    

" Gusto mo subuan kita?" Malambing ang tonong tanong nya kay Yexel. Kumakain sila ng lunch sa opisina nito, buryong - buryo na sya pero hindi sya makatakas sa binatang kaharap. Sandali itong nag-isip bago tumango. Malawak ang ngiti nyang sinubuan ito ng pagkain na tinanggap naman nito.

"Masarap?" Tanong nya ritong tinanguan nito habang ngumunguya. Pagkakataon na nya ito, baka mapapayag nya ito.

" Amn, Yexel-"

" Still no" napanguso sya nang unahan na sya nito. Mukhang mahihirapan talaga syang makumbinsi ang binatang ito.

" But you said gusto mo akong laging nakikita, gusto mong alagaan kita, tapos gusto mo namang malapit lagi sakin. Gagawin ko yun lahat kapag pumayag ka sa surgery" pangungumbinsi nya pa rito. Inilapag nito ang hawak na kutsara at taimtim syang tinitigan, una ay sa mata nya ito nakatingin pero bumaba ang tingin nito sa mga labi nya. Napalunok sya sa isiping kung ano ang pumapasok sa isip nito.

"You can't manipulate me, Aenah" kinagat nya ang ibabang labi nang banggitin nito ang pangalan nya. Napakasarap pakinggan ng pangalan nya kapag ito ang bumabanggit.

"Kumain ka na lang, hindi mo mababago ang isip ko" pinal na sabi nito pero hindi sya susuko.

" Pero totoo naman eh, gagawin ko lahat ng gusto mo kapag pumayag kang magpa surgery" nakangusong aniya. Parang gusto nyang pagsisihan ang sinabi rito nang muli itong tumingin sa kanya na may kakaibang emosyon sa mga mata nito, emosyong dapat syang kabahan. Nakita nya kung paano magtaas baba ang adams apple nito pagkatapos ay umiling-iling ito.

"Stop saying that" tanging sabi nitong bakas sa tono ang pagpipigil sa kung saan. Kinakabahan na sya pero gusto nya talaga itong mahikayat na magpagamot kaya hindi sya susuko.

" But, I'm serious" pagkasabi nya nun ay mabilis na tumayo si Yexel mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya.

Napaatras sya nang yumukod ito hanggang sa halos magdikit na ang mukha nila. Tinitigan sya nito sa mga mata saka bumaba ang tingin nito sa mga labi nya. Hindi na sya nakakilos pa nang ilapat nito ang labi nito sa kanyang mga labi.

Para syang mauubusan ng hangin sa katawan nang palalimin nito ang paghalik sa kanya. Napakapit sya sa handle ng sofa na kinauupuan nya nang maramdaman ang mainit nitong kamay na nagsisimulang pumasok sa loob ng T-shirt na suot nya. Nanginginig ang kalamnan nya sa hindi nya malamang nararamdaman nya. Mahina syang napaungol nang ipasok nito ang dila sa loob ng bibig nya at parang excited na nilibot ang halos bawat sulot ng bibig nya. Ang halik nito ay bumaba sa leeg nya kasabay nang paghimas nito sa dibdib nyang natatakpan pa ng bra.

" Sigurado ka bang gagawin mo lahat ng gusto ko?" Napaka husku at sexy ng boses nitong mapang-akit habang padampi-dampi ang dinagawa nitong paghalik sa leeg nya pagkatapos ay lilipad sa tenga nya. Nakakakiliti at nakakalunod ang kakaibang pakiramdam na hatid niyun pero hindi pa ata sya handa. Lumunok sya't hindi malaman ang sasabihin. Muli sya nitong dinampian ng halik sa labi bago sya nito taimtim na titigan.

"See?, you're not ready yet, right?. Aenah, don't do that again" pangaral pa nito saka sya muling hinalikan sa mga labi sunod sa noo kasabay nang pag-alis ng kamay nitong nasa ibabaw ng dibdib nya.

Malalim syang bumuntong hininga at naiilang na tumingin sa binatang bumalik sa pagkakaupo. Talaga bang yun ang gusto nitong hilingin sa kanya?. Pumikit sya ng mariin bago muling lakas loob na tumingin sa lalaking inaabala ang sarili sa paghalo ng pagkain.

" But I just want you to-"

" My answer is no, Please stop it" parang pagod na pagod ito nang sabihin iyun kaya nakagat nalang nya ang ibabang labi. Bakit ba kasi ang hirap nitong kumbinsihin?. Pero kung hinayaan nya kaya itong gawin ang gusto nito ay magbabago kaya ang isip nito?, sana pala pumayag na sya.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon